KABANATA 3: ENGAGEMENT?

1367 Words
"So, how's your work, iha?" tanong sa akin ni Donya Esmeralda. Sa kabisera naka-upo si Don Samuel at katabi naman nito si Donya Esmeralda samantalang ako naman ay nakaupo sa kabilang tabi ni Don Samuel. Bale katapat ko si Donya Esme. Tamihik na kumakain si mama habang ganun din ang mga apo niyang nakaupo  sa tabi ko. Si mama katabi naman si Donya at sunod sunod na doon ang mga anak at asawa nila. Medyo di ako komportable dahil katabi ko si Colton. Bumaba na kasi ang magpipinsan, they all look familiar to me pero I can't remember their names anymore. Mas gugustuhin ko pang katabi si Lucas than Colton. He looks very cold. His stares and aura―I don't like it! It annoys and irritates me. "It's okay po. It is hard but, it's okay naman po for me because I love saving lives po." sagot ko. It is true, I really love my work. Tumango ang mga matatanda. Maliban sa mga apo nila na busy sa pagkain at tila ba nag-uunahan na maubos ang pagkain. Napalingon ako sa mga magpipinsan at nahuli ko si Lucas na nakatingin sa akin. Kaya naman awkward akong ngumiti sa kaniya. "So ilang taon ka na sa hospital niyo?" tanong ni Don. "U-Uh. Magfifive years na po..." mahinahon kong sagot. Tahimik lang ang hapag kainan ng mga Dela Vega. Isa na sa nagpapatahimik sa kanila ay si Colton. Nang matapos itong kumain, agad itong umalis at iniwan ang lamesa. Unti-unting umalis sa hapag ang magpipinsan pero nag-iwan naman ng salita sa akin. Sumunod na umalis si Marlon. "Lolo, Lola, akyat na po ako. May mga dapat pa akong tapusin. Tito and tita, una na po ako." tapos biglang bumaling ang tingin sa akin ni Marlon. "Agatha, if you're free later. Can we talk?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Kagaya ni Marlon, nagpaalam at winelcome naman ako nila Trax, Trail at Raven. At tinanong nila ako kung may free time ako ay pwede nila akong samahan na maglibot sa Iloilo. Iba't-ibang offer from them so I smile widely. "I've never seen them that welcoming to our guests before." pahayag ni tita Tamara. Tumango ang mga matanda. "Me too, especially Marlon. He's quiet and too mysterious so I didn't expect him to have this kind of request from you, iha!" ani Donya Esme. Ngumiti ako. "Maybe he just wants to ask me something po." Nagsitanguan sila. Napansin ko na si Lucas nalang ang nag-iisang apo na nasa hapag-kainan na kasama namin. Isa pa, he's already done. Why doesn't he go up? "Lucas? What are you waiting for? Aren't you busy?" tanong ni Don Samuel sa kaniya. He smiled, "I have a lot, lolo. But I want to wait Agatha. Gusto ko siyang makausap kaya naman aantayin ko nalang siya." Then he looks at me. Nabilaukan tuloy ako bigla. I look at him, pinandilatan ko siya ng mata. I mouthed 'For what?' But he just smiled. "Oh! Mukha atang nakagaanan mo agad ng loob ang apo naming si Lucas, Agatha." ani ng matandang lalaki. Pilit akong ngumiti at binilisan na ang pagkain. At nang natapos na ako ay agad na akong tumayo. "Ma, tito, tita, Don Samuel at Donya Esmeralda. Lalabas na po muna kami ni Lucas at mukhang hindi na makapag-intay." Nagsitanguan silang lahat at nauna na akong lumabas na sinundan naman niya. I don't know what is he thinking right now but look! I have no time for his jokes and playtimes. "What do you want?" I asked. Nahinto kami sa bandang dalampasigan. Sa likod ng mansyon ng mga Dela Vega ay ang napakagandang puti't pinong buhangin ng Isla Palestina. Gusto ko sanang i-enjoy ang view habang naandito ako dahil ang ganda ng buwan. Full moon at kitang-kita mo ang liwanag ng tubig at replika ng buwan dito. Lucas chuckled. Wow! May gana pa siyang matuwa. "What now?!" I irritatedly asked. Nangiti si Lucas samantalang ako gusot na ang mukha. Parang natutuwa pa siya na naiinis ako. Napabuntong-hininga nalang ako. "Wala lang... Minsan kasi nung inikot ko ang buong lupain ng Dela Vega narinig ko sa mga tao ang pagbalik mo dito. Well, I don't remember you so for me you're kinda interesting." nakangiti niyang sabi pero nakatingin ito sa buwan. Maski ako napapatitig sa ganda at liwanag nito. "There's nothing interesting about me." I tried to mimic his voice. Then I heard his chuckles. Mukhang hindi ko yata nainis. "Look, may nakapagsabi na ba sayo na ang cute mo?" sabay tingin nito sa akin. Hindi ko siya tinignan because I know that kind of move. Ika nga ng mga millennial 'Galawang hokage'.  Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Don't use me those lines and words. Hindi porket 14 years and a half ako sa loob ng hospital at ayun lang ang buhay ko, eh mabibilog mo na ako. I'm still updated." seryoso kong sabi at walang bahid ng pagbibiro. I heard his sighs. And base sa aking peripheral view, nawala din ang mga ngiti sa kaniyang labi. We were both serious while looking at the moon. "I just want you to inform na dito ka na titira sa mansyon starting today." malamig niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?! What are you talking about?!" takang-taka kong tanong. Dire-diretso akong pumasok sa loob at umakyat sa kwarto ni mama. Nang nakarating ako sa kwarto ni mama ay walang habas akong pumasok kahit walang pahintulot niya. It doesn't matter if she's sleeping or what. I need to talk to her right now. Pagka-open ko ng pintuan. Mabuti na nga lang at nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang higaan. Nakaharap sa kaniyang laptop at tila ba ay inaasikaso ang kaniyang negosyo na naiwan sa Manila. Nung napansin niya ang presensya ko ay tinanggal niya ang kaniyang reading glasses at ang ginagawa niya. "What brings you here, Agatha?" mama asked without any expression on her face. Napahawak ako sa noo ko. My mannerism. "Is it true mama? I'm going to stay here?! For what mama? How long?!" naiinis kong tanong. Mama closed her laptop. Caressing her sentido. "Agatha... Saan mo naman narinig yan?" Umiling ako. "It doesn't matter, mama! All I want to know is how long? How long do I need to stay here?" Mama froze. "Agatha. Calm down okay, I will explain everything to you. Just calm down, iha. Don't make any scene here. Nakakahiya baka marinig ng mga Dela Vega na nag-aaway tayo. It's not good for them na malaman na hindi maayos ang relationship-" I cut mama words. "Just explain ma, I'll give you my time para ipaintindi sa akin 'to. What is it all about?! What?!" "I said calm down and minimize your voice, iha!" mahinang suway ni mama. I look at her face and I can sense her temper is near its limit. "I will but please let me know! Please, mama! Please!" I already pleaded in front of her. I beg to know the truth. Mama exhaled. "We set you to an arranged marriage 10 years ago. Four years ka pa lang sa med school kaya hindi ka na namin inistorbo. We, I, and your papa arranged you in one of the Dela Vega inheritors. One of their grandsons..." Tila ba isang ingay sa pandinig ko ang naririnig ko. Hindi nagfufunction ang isip ko. Pati mga senses ko ayaw gumana. Well, I think I misheard everything. I laughed in fake. "You're just kidding ma, I'm not a kid anymore. Hindi mo ko madadaan sa mga biro mo. Dahil hindi 'to magandang biro. I don't want to talk about it. You're just wasting my time, mama." I said at tinalikuran siya. I was about to make my steps ng biglang magsalita si mama. "No, Agatha. I'm not kidding! You are bound to marry one of the Dela Vegas." tuwid at puno ng awtoridad na sabi ni mama. Dahilan para lingunin ko ulit si mama. I smiled. "How long do I need to be here? Week? 2? 3?" I changed the topic and back from the question I asked. Ma shook her head. "No, you will stay here as long as you are ready for the engagement with...... Colton Amir Dela Vega!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD