"Busy?"
Napatingin ako sa taong nagsalita. It’s Lucas Dela Vega. Hindi ko alam na gising pa siya ng ganitong oras. Ngumiti ako sakaniya at agad na nag-iwas ng tingin.
"Yup, for work." sagot ko. Hawak-hawak ko ang isang sonography result ng isang pasyente na mag-uundergo ng surgery for Kidney stones removal. Medyo malaki na ang kidney stones niya and her specialist wants to hear my perspective. Nasa dining area ako ng mansyon, malapit sa kusina dahil balak ko sanang magpuyat to review this while drinking my coffee.
"But you have work tomorrow morning hindi ba?" aniya sabay upo sa isang silya sa tabi ko. I nod.
"And you too, bakit ka andito?"
Itinaas niya ang kape na hawak niya at ipinakita ito saakin. "I have to finish my work too for tomorrow."
"We're just the same. So, mind doing your own business please, Lucas? I'm studying!"
Napairap ako sakaniya. Hindi ko na siya tignan pang muli. Hinarap ko ang paningin ko sa mga inaaral ko. Pilit kong ipinopokus ang sarili ko sa ginagawa ko but I can't. Hindi magawa ng sistema ko because I'm distracted by Lucas' presence.
"I thought you are busy? Why are you still here?" medyo kalmado kong sabi pero naiinis ako ng kaunti. I don't know why I am like this to Lucas pero ayoko lang ng presensya niya dahil nadidistract ako.
"Yeah. I am but nag-eenjoy ako kapag nakikita kang busy na nag-aaral. I never see anyone very studious like you." aniya.
Umirap nalang ako at nakapalumbaba. "Well, I am always like this. For sure maboboring ka sa akin, I have no fun, I am boring. In med school, all you need to do is to study study study!" sabi ko sa kaniya. I look at him para makita ko ang magiging reaksyon niya. "Ask your brother, Marlon. He offered me a job there in the hospital. He knew how dedicated I am to my work. Ni hindi ko nga siya napapansin because I am freaking busy."
"Oh? So si Marlon ang nagpasok sayo sa IPMH?" medyo pabalang niyang tanong sa akin. Napataas ako ng kilay, what's with that tone?
"Why? Is there something wrong?"
"No. I was just surprised. I thought it was Colton." sabi niya. Napaiwas ito ng tingin sa akin. Napasinghap na lang ako at balak na ibaling ang tingin sa mga binabasa ngunit hindi iyon natuloy ng may makita akong silhouette ng isang lalaki.
Napansin ni Lucas na nakatingin ako doon kaya napatingin siya doon. Laking gulat ko ng maglakad ito papunta sa amin, nakasuot pa ito ng kaniyang pantulog. Gosh! I'm ready to drool over his body! Why are you wearing sando, Colton!
Parang may bumara bigla sa lalamunan ko kaya napatikhim ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya—sa kanila.
"Oh! Colton? Aren't you sleepy?" bungad na tanong ni Lucas sa kaniya.
On my peripheral view, I know he was looking at me. I can feel the pressure. The fvck?! Nung tumingin ako sak aniya ay nag-iwas ito ng tingin sa akin at ibinaling ang paningin niya kay Lucas.
"No." sagot niya. "What are you doing here, Lucas? At bakit magkasama kayo?"
Sa tono ni Colton. I feel more pressure than earlier. I think it was from both of them. "Ano naman sayo?" pabalang na sagot ni Lucas.
Alam ko saan patungo 'tong usapan nila. Napapikit ako ng mariin bago muling dumilat. "Lucas sits beside me to drink his coffee. Ayon lang iyon, Colton. I was here because I need to review my works." paliwanag ko.
Nalipat ang tingin niya sa akin from Lucas. I saw his jaw clenched. "Why not in your room?"
"Nasanay na akong ganito. Reviewing my works near in the kitchen para madaling makakuha ng maiinom or makakain dahil baka abutin ako ng madaling araw." paliwanag ko nanaman.
Masama pa din ang tingin sa amin ni Colton. Especially kay Lucas, I think hindi talaga sila magkasundo. Nang biglang tumayo si Lucas at hinarap si Colton. "Bakit ba andami mong tanong? Ano naman sayo kung kasama niya ako ngayon dito? Bakit nagseselos ka?"
"Lucas!" napalakas ang sabi ko ng pangalan niya. I saw how Colton clenched his right fist. "Ano bang problema niyong dalawa!"
Na-iistress na nga ako sa mga problema ko pati sa ginagawa ko tapos dadagdag ba sila. Napakachildish ng attitude! Inirapan ko nalang silang dalawa at kinuha ang mga gamit ko na nasa lamesa.
"Okay fine. If you guys want to fight then go! Marami akong inaasikaso para maging referee niyong dalawa! Okay?" medyo madiin kong sabi. I don't want to watch catfights here at baka magising pa ang iba at ang mga matatanda. Marunong pa din ako mahiya.
Umakyat ako sa taas at doon na ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Bahala na sila kung ano ang gagawin nila basta I'm out of it! I don't want to interfere with them. I'm happy with my sick life!
Tulala na ako pag-akyat ko sa kwarto ko. Sa tuwing naiisip ko na si Colton ang mapapangasawa ko ay isang malaking kalokohan na. Ayoko nang madagdagan pa ni Lucas.
"So what happened?" ani Kris. Kausap ko siya ngayon sa phone and it's already 2 am. Hindi na ako makatulog and it's her shift in Manila right now. Kaya for sure she's awake.
"Ayon nga. I feel the tension that's why I left them. Ayoko nang dumagdag sa away nila."
"Maybe ikaw ang dahilan. For sure 'yon, Agatha. Colton won't be that mad if you're not the reason right? Nasabi mo na din na he's your fiancé. So baka nagiging teritorrial na siya girl!" medyo masayang sabi ni Kris.
Napangisi nalang at umiling. "Not in a million years, Kris. Didn't I tell you that he's not yet over with his first love? Hanggang Ngayon he's into Monique that's why it is impossible. And don't forget that I am the reason why his first love died."
I heard Kris chuckles. "Uh-oh! Mali ata ako pero the fact na baka may gusto sayo yung Lucas hindi mo maitatanggi..." aniya. "Atsaka girl, move on! Patay na yung girl yet you're still stuck with the past."
Gusto ako ni Lucas? I don't think so. "Hay nako Kris. I'm not assumera, I don't want to conclude something hanggang hindi ko naririnig sakaniya."
"If that's what you want then..." natigilan ako at si Kris ng marinig ko sa kabilang linya na tinatawag siya ng isang nurse. Sabagay she's on her duty. "Girl, hinahanap na ako. I have an operation right now. Don't worry, I will visit you there siguro mga next week. I'll file leave to tito, for sure he'll approve it."
Natawa nalang ako. Of course, papa will. Malakas si Kris kila mama at papa. Kahit isang linggo pa 'yang magleave si Kris. Aprubado agad 'yan.
"If that's what you want. Susunduin kita ah. Inform me."
"I will. Besides, I want to meet the Dela Vegas. Malay mo makasungkit ako kahit isa lang."
Napatawa nalang ako sa sinabi ni Kris. Kahit kailan talaga napakalakas ng sapi nitong kaibigan ko.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa ospital. For sure sa ER na ako naassign. Luckily, doon nga. As of 4 hours, marami na akong nagamot at natulungan advantage na siguro sa akin ang pagiging surgeon. Kaya siguro mabilis kong nagagamot ang mga tao dito. Kanina nga lang ay nagtahi ako ng hiwa eh. Medyo nagulat ang ibang nurse at doctor sa bilis at skills ko. Well, hindi kasi sila na-inform kung ano talaga ang posisyon at kung sino talaga ako. Mabuti na lang at ganoon. I want them to treat me like an ordinary doctor.
"Magaling kang magtahi kanina ng sugat."
Nagitla ako sa isang doctor na lumapit sa akin. She's wearing the same uniform as mine. Unlike yesterday, naka-slocks na kami ng white kasi sa ERT na naka-assign eh. Hassle gumalaw kapag naka palda ka.
Hinarap ko siya at ginawaran naman niya ako ng ngiti. Ngumiti din ako as a sign of respect. She approached me first so dapat maging approachable din ako. I don't want to build any misunderstandings, sa mundo ng mapanghusga we need to be extra careful.
"Oh! Thank you."
Naglahad siya ng kamay saakin. "I'm doctor Selina Luciano."
Inabot ko ang kamay ko sakaniya. "Agatha Rivera..." pakilala ko.
Agad napakunot ang noo ko sa apelyido niya. "Excuse me? Are you related to Peter Luciano?"
Nanlaki ang mata niya. Mukhang gulat na gulat dahil naanalyze ko ang apelyido niya. "U-Uh. He is my dad." mahina niyang sabi. Napalingon pa siya sa gilid para i-check na walang nakikinig. "But please... Don't tell anyone that I am his daughter. I want to be fair to others."
Napangisi ako. She has the same principles as me. "Well, I am too."
"W-What do you mean?" medyo taka niyang tanong. Tila wala siyang ideya.
I smiled. "Agatha Sullivan Rivera."
Ilang sandali pang naglag ang utak niya ng biglang nanlaki ang mata niya at napatakip ng bibig gamit ang kamay to avoid noise. "Y-You mean, you are the daughter of Armand Rivera, the son of the best cardiothoracic surgeon in the Philippines and Asia."
I nod and smile. "Oh gosh! I'm so lucky to saw your stitching skills. I-I mean, I'm a fan of your kuya Axel, right? I always watch his medical teaching session abroad. Oh gosh! I can't believe it. I'm with her sister and it's so fvcking great!" medyo amazed niyang sabi, more likely hysterically.
"You mean you like kuya Axel?" direct to the point kong tanong.
Natigilan siya at agad na namula. I knew it! She has a crush on kuya. I mean, sino bang hindi? Kuya is definitely the definition of perfect for me. He's handsome, tall, masculine, smart, kind, lovable, and everything.
"U-Uh... Y-Yes." aniya. "But please, again. Don't tell him ha? I owe you this one. Please don't!"
I nod. She's jolly, friendly, and beautiful. I like her, I want to be her friend.
"Is it okay if I ask you to be my friend?" tanong ko sa kaniya.
Kita ang gulat sa mga mata niya. "O-Of course! S-Sino ba ako para tumanggi?"
"Then, friends."