KABANATA 8: LUNCH

1383 Words
Maaga akong umalis ng mansyon. I have morning shift so baka mga 8 am to 8 pm ang buong shift ko ngayon. Since nagsisimula pa lang ako ay hindi pa ganoon kabigat lahat para sa akin. Kanina ako lang mag-isa ang nag-breakfast, ang ibang mga katulong lang ang naabutan ko. Tinanong ko kung nasaan ang magpipinsan pero ang sabi lang nila ay baka daw tulog pa kasi mga ganitong oras daw tulog pa ang mga senyorito at kadalasan mga alas nueve at alas diyez na raw sila nagigising. Well, that's strange. Kahapon, si Marlon 6 am nagising. Siguro napuyat kakatapos nung mga trabahong naudlot kahapon because of me. Andito na ako sa hospital suot-suot ang bago kong uniporme. Natutuwa ako dito sa hospital dito dahil may mga uniform ang mga doctors. Kagaya ng suot ko ngayon, I'm wearing a clean white pencil skirt na mismong uniporme talaga ng mga babaeng doctor or physicians. Tapos syempre hindi mawawala ang coat namin na hanggang waist lang ang haba, ito yung pair nung skirt dahil pareho silang makapal ang tela. Then my inside top, kami na ang bahala doon. So, I wore my nude scoop neckline top and also a nude color platform pump. Syempre ginamit ko nadin ang aking Prada Galleria bag na gift pa sa akin ni mama. I really like nude colors at gusto ko laging pair para malinis at maayos tignan. Mas na-eenhance kasi ang fair skin ko kapag naka-nude ang suot ko. Lahat sila ay maayos ang pakikitungo sa akin. Kakatapos ko lang sa isa kong pasyente, for today nakaduty muna ako sa OPD specialist room. Kumbaga sila ang pupunta sa akin para magpabasa ng resulta. Hindi muna ako binigla ni sir Peter kaya ngayong first day ko ay dito muna ako for today lang naman. Sitting and reading. Napatingin ako sa relo ko, it's already 11 am. Since no noontime break din dito. Tatlong oras nadin simula ng magtrabaho ako pero wala akong nararamdamang pagod. Siguro dahil immune na din ako at siguro dahil na din gusto ko ang ginagawa ko. Tuloy pa din ang pagpasok ng pasyente sa kwarto na 'to. “Doc, ano pong meron sa tagiliran ko? Meron po ba akong sakit?” Tinignan ko ang mga resulta ng mga test sakaniya. Hawak ko ito ngayon, mga imagery at sonography result niya. It was an image of her ultrasound report in her gallbladder and kidney. Hindi ko siya masyadong maintindihan. Hindi ko mabasa ng maayos ang resulta. Hindi nagtutugma ang dalawa! Sinsero kong hinarap ang babaeng pasyente ko. “Ma'am, I'm sorry I can't read it very well. Hindi nagtutugma ang dalawa. Well, you're negative in the sonography results but in the HIPA scan, you're positive. Siguro po kung nagmatch ang dalawa. We can say that you are having Cholecystitis or Gallbladder inflammation. Pero hindi nagmatch eh...” totoo kong sabi sakaniya. I don't want to hide something about her condition. Nakita ko ang takot sa mukha ng pasyente ko.  “S-So ano p-pong pwede kong gawin?” Ngumiti ako sakaniya. “You don't have to worry ma'am. All you need to do is to bring these results to our gastroenterologist.” sabj ko sa kaniya. “Teka, I'll call them lang.” Tumango naman ito. Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ng mga nurse na nasa contacts ko. “Hello?” “Good morning, doc.” ani ng nurse Kat. Siya yung nurse na nakausap ko last time I got here. “Ah! Nurse Kat, sino ba ang gastroenterologist dito sa IPMH?” ani ko. “Ay doc. Marami po tayo dito, pero may ipapaschedule po ba kayo?”  aniya. “Yes please.” sagot ko. Nag-angat ako ng tingin sa babae. Nakita kong kinakabahan siya pero nakangiti pa din. Binasa ko ang pangalan niya sa papel na nakasulat sa sonography. “Delia Trinidad. Schedule her to our best Gastroen. Please!” ani ko. “Wait po doc.” sabi niya. Ilang sandali lang ay bumalik na kaagad si Kat sa linya. “Doc. Nakaschedule po siya sa Thursday 1 pm. Kay Doctor Zander Olivar.” “Okay thank you!” I ended our call. Hinarap ko ang babae. “Ma'am Delia, you are scheduled this Thursday, 1 pm kay Doctor Zander Olivar.” Nagpasalamat sa akin ang babae at umalis na. Ilang saglit lang ay bumukas na ang pintuan. Laking gulat ko ng hindi pasyente ang pumasok. “Good morning. I brought our lunch.” sabi niya. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Kakaiba talaga ang hatid na boltahe niya sa akin. “Wala kaming lunch, Colton. Mamaya pa ako kakain, marami pang pasyente ang nakapila at inaagawan mo sila ng oras.” Sinubukan kong mag-tunog naiirita pero deep inside tila ba may nagliliparang mga paru-paru sa loob ng aking tyan.  “I knew wala kayong lunch break so I pretend to be your patient para makapila.” Bigla akong kinilig. Maeffort siya ngayon? Bakit parang hindi siya si Colton. Inilapag niya sa table ko ang pagkain. Hindi pa din ako nagsasalita dahil baka bumigay talaga ako. “Let's eat na. Mamaya magtaka na ang mga nakapila na ang tagal natin.” Oh my gosh. Si Colton ba 'to? Tinitigan niya ako sa mata. Tila ba binabasa niya ako. “Why aren't you saying anything? Are you okay, baby?” Freaking hell, Baby? Baby? Mas lalong nabulabog ang buo kong pagkatao. No way! Pigil, Agatha. Baka marape mo siya! Easy. Malapastangan mo pa ang gwapong nilalang na 'to. Tumikhim ako, trying to get back my composure. “Y-Yeah!” medyo shaky kong sagot.  “Anyways, don't call me 'baby' 'coz I am not. It's uncomfortable. What brings you here aside sa lunch natin?” Wow. 'Natin' sorry clinaim ko na. Baka mamaya or bukas bawiin niya na maging tigreng nangangain na naman 'yon. Sayang ang kagwapuhan kung hindi din naman sa akin babagsak. Char! “Uhm. Nothing, I just want to see how you're doing.” aniya. Kasalukuyan na kaming kumakain habang nagchichikahan. Sige Agatha, multi-tasking pa girl. Go lang para sa gwapong ito na sobra kung magpakilig. Inilibot niya ang mata niya sa buong kwarto. “It seems like you're comfortable here.” Umiling ako. Medyo nag-pout pa nga ako at nagpacute. “No, I'm not. This is not my comfort zone. ERT is way better than here. I want to save lives, I want to treat people. But what am I doing here? Sitting and reading all of their results then take them to their respective doctors.” medyo mataray kong sabi. Nakita kong napangisi si Colton. Unti-unti niyang inabot ang kamay ko na nakalagay sa lamesa. Parang biglang tumalon ang puso ko sa kaba at kilig. Oh my, Colton. Yung puso ko! Ngayon ay hawak-hawak niya na ang kamay ko. Hindi ko maagaw pabalik sa akin dahil para bang naka-glue ang kamay ko sa kamay niya at ang mga mata ko. “Don't worry, for sure tomorrow nasa Emergency room ka na ma-aassign.” panigurado niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti, saka na ako nagkalakas ng loob na hilahin ito pabalik sa akin. “A-Ah! May susunod pa akong pasyente. Y-You can leave now.” medyo nahihiya kong sabi. Napangiti ito at tumingin saakin. “Okay.” aniya sabay tayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ako at inayos ang kaniyang suot na casual lang. “U-Uh... Susunduin kita mamaya.” Napailang ako. Hindi na kasi tanong 'yon. That was a statement already. “N-No need! Tita Tamara let me borrow her car and may mga nagcoconvoy sa aking mga guards from Don Samuel.” Napabuntong-hininga na lang siya bago ako tinalikuran. “Okay, bye.” Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na siyang umalis. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan, akala ko siya padin 'yon dahil wala pang minuto siyang nakakaalis pero mali ako. Pasyente na pala! Masyado na akong nadidistract sa pagbabago ng ugali ni Colton. Parang kahapon lang ayaw niya sa akin at inaalala niya si Monique tapos ngayon ang lambing at ang bait niya? Well, sana hindi na siya magbago. After all, I want to settle things between us not only for our marriage. It is also for our friendship that I may save, the friendship that shrinks years ago.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD