CHAPTER 33 PANAY ANG tingin ni Marra sa elevator kung saan maaaring lumabas mula rooon si Harra. Kanina pa niya ito hinihintay dahil kailangan niya itong makausap tungkol sa biglaang pag-hiatus ni Reed. Gusto niya itong tanungin kung may alam ba ito o kung ano man ang masasabi nito. Malakas kasi ang pakiramdam niya na wala rin alam ang kapatid niya ngunit maaaring isa ito sa dahilan. Noong mga nakalipas na araw ay madalas niya rin mapansin na parang hindi okay si Reed. Hindi na nga rin sil amasyado nakakapag-usap ni Max dahil sinabihan niya itong tingnan madalas ang kaibigan dahil mas kailangan nito ng atensyon ng mga kaibigan sa ngayon. Naging busy din naman siya sa mga kailangan na gawin nila dahil malapit na ang world tour ng mga ito na magsisimula na next week. Nakakalungk

