CHAPTER 32 MAGTATANGHALIAN NANG lumabas ng kwarto Si Marra at naabutan nya doon sina Zane at Younhee na nag-uusap kung ano ang kakainin nila para sa tanghalian. Nang makita siya ng dalawa ay kaagad na tumayo at sinalubong siya. “Noona, bakit tumayo ka na? May kailangan ka ba?” tanong ni Zane habang hawak-hawak siya sa braso. “Umiling si Marra. Wala naman. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong magkakasakit kapag nakahiga lang ako sa kama.” Tumingin sya sa buong dorm. “Nasaan pala si Harra?” tanong nya sa dalawa na tila ngayon lang din napansin na wala ang hinahanap niya dahil tumingin din ito sa buong dorm. “Oo nga, no? Kanina pa noong huling nakita si Harra,” ani Younhee. Kumunot ang noon i Marra. “Kailan pa siya hindi uuwi?” “Kanina pa mula nang umalis sila ni Reed

