CHAPTER 30 MABIGAT ANG ulo at pati na ang buong katawan ni Marra nang magising siya kinabukasan. Alas sinco pa lang nang umaga kaya naman bahagya pa lang ang liwanag mula sa labas. Umungol siya nang sumugid ang kirot sa kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon. Kung hinid lang siya naiihi ay hindi siya babangon. Umiikot ang paningin niya ngunit kailangan niyang bumangon. Nilingon niya ang kapatid niya at si Youngee na natutulog pa hanggang ngayon. Mabuti na lang at wala silang pasok ngayon kaya makakapagpahinga siya kahit na paano. Mabagal ang naging kilos niya patungo sa banyo kahit sa pagbalik niya sa kwarto. Nang makabalik siya ay kaagad siyang nahiga sa kama. Hindi niya talaga kayang tumayo nang matagal dahil anomang oras ay babagsak siya. Masakit na masakit ang kalamnan at mga

