Chapter 13.2

2581 Words
Umiikot ang paningin kasabay ng pagkirot ng aking ulo. Ang lahat ay wala na sarili, nagsisigawan habang nag-uusap kahit magkakaharap lang kaming lahat. Ilang bote na din ng alak ang nauubos habang patuloy ang paglabas ng pagkain mula sa loob. Si Mel na nagsusuka na sa gilid, si Joven na malapit ng makatulog, at si Jazz na patuloy ang pag-amin ng pagkagusto kay Jean. Ang usapan namin na hindi magpapasobra ng inom ay bigla na lamang nakalimutan na parang bula, hanggat sa kaya pa ay patuloy pa din sa pagbili. Ito ang huling araw na maari kaming mabuo, sa susunod na taon ay hindi namin alam kung sino ang lilisan at makakalimot sa aming pinagsamahan pero papaano ay masaya ako na nakilala ko sila. Sa bawat pag-ikot ng ay may baso kanya-kanyang kwento. Ang tahimik ay tila naging maingay, nagkaroon ng malakas na loob upang sabihin ang nasa isipan. Hindi ko na kaya, alam ko ang limitasyon ko sa ganitong bagay—umabot na ‘ko kaya kailangan ko ng tumigil upang ibalik sa katinuan ang aking sarili. “Ayaw ko na!” sigaw ko sabay usog ng baso na para na sa akin. “Uuwi pa tayo, nahihilo na din ako, kailangan pa natin umuwi mamaya.” Paliwanag ko sa kanila. “Huwag ka na uminom, Hazel.” Segunda ni Angela habang natutulog na si Ryan sa kanyang balikat. Hindi naman marami ang nainom nito ngunit sa hina ng katawan nito sa alcohol ay ito ang unang bumagsak at nalasing sa lahat. “Wala akong kasama na mag-aasikaso sa inyo, malayo pa ang uuwian natin.” Dagdag pa nito. “Huwag kayong mag-aalala! Ihahatid ko kayong lahat, sandali, kukunin ko ang susi ng sasakyan sa loob—” “Wag! Pre, lasing ka na—kahit wala na ako sa katinuan ngayon, alam kong bawal at delikado magmaneho ng lasing.” Pigil sa kanya ni Joven. “Oo, wag na. Ihatid mo nalang kami hanggang sa terminal at alam na namin ang daan pauwi.” Pagsang-ayon ni Jean, “hindi ka na din papayagan ni nanay na magmaneho at baka ma-aksidente pa tayo.” Walang magawa si Jazz kundi ang tumango dito. Si Jean lang naman ang sinusunod nito at kahit papaano‘y nagpapasalamat ako na kahit lasing na ang lahat ay alam pa din nila ang mga bagay na hindi dapat gawin. “Magpapahinga na muna ‘ko sa gilid.” Paalam ko sa kanila. Mas lalo lang akong nahihilo sa gaslaw at ingay nila. Bago tumayo ay kinuha ko ang isang malaking chichirya, akala ko ay hindi na nila ‘yon pansin ng magsalita si Jazz na may pang-aasar na ngiti. “Magpapahinga ka pero kumuha ka ng pagkain?” tanong nito bago ibinababa ang tingin sa hawak ko. “Hindi ka pa din ba busog? Kanina ka pa kumakain, magmula ng mag-umpisa tayo ay ikaw na ang nakakaubos ng pulutan.” Dagdag pa nito. “Hayaan mo na si Hazel, tol.” Usal ni Mel na kanina pa pabalik-balik sa sulok upang sumuka, “baka mamayat siya kung pipigilan mo siya sa pagkain, hindi din natin ‘to mauubos kaya hayaan mo na siya.” Akmang uupo na sana ito sa kanyang pwesto ng bigla itong bumagsak sa sahig. “Hoy, Mel! Anong nangyari sa iyo?” nataranta ang lahat ngunit mas nauna ang mga tawa bago lumapit at tulungan ito. Mukhang hindi na niya nakita at alam ang ginagawa niya ngayon, na kahit ang malayong upuan ay hindi na niya kayang ayusin pa. Matapos itong pagtawanan ay saka lang siyang tinulungan na makaupo ng maayos, kahit siya ay natatawa na sa sarili at pinaglalaban na hindi pa din siya lasing. “Hindi pa ‘ko lasing, di ko lang nakita ang upuan na malayo pala sa pwesto ko.” paliwanag nito kahit laylay na ang ulo. Pinagtatawanan lang siya ng lahat, nagising na din si Ryan na mukhang naalimpungatan dahil sa malakas na tawanan. Tatalikod na sana ako para magpunta sa isang sulok na malayo sa kanila ng biglang magsalita muli si Jazz. “Na saan na ang inihaw na isda?!” hinahanap nito sa ilalim ng mesa ang huling nilagay ni nanay. Puno ng pagkain ang mesa kaya naman ay naisipan ng mga ito na ilagay ang ibang pagkain sa ilalim ng mesa. Lahat sila ay sumilip sa ilalim at sabay-sabay ng tumaas ang tingin sa akin. “Hazel, ilabas mo na ang pulutan!” “Grabe, naubos mo ‘yon?” “Hazel, malaking isda ‘yon, hindi ka manlang nagshare?” Sunod-sunod na bintang pabirong bintang nang mga ito. “Hindi ako ‘yan ah! Hindi naman ako kumakain ng isda.” Pagtanggi ko. Panay lang sila pang-aasar sa akin at ako ay umiling na lang. Sa aming lahat ay ako ang pinakamalusog—I mean may laman, kita din nila na malakas ang kumain at kahit anong nakahain ay aking kakainin kaya pagdating sa handaan ako talaga ang hilig nilang asarin. TAHIMIK lang ako sa isang gilid na hindi kalayuan sa kanila, mukha itong pahingahan dahil may higaan doon at mga upuan. Malakas ang simoy ng hangin, dinig din ang malalakas na busina mula sa labas ng mataas na bakod. Sobrang sarap pahingahan ang lugar na ‘to, kitang-kita ang mga kalangitan dahil sa malawak na espasyo na walang ibang humaharang. Sa isang katulad ko ay isa ‘tong magandang lugar para magmuni-muni ngunit para kay Jazz ay isa itong impyerno sa kanyang buhay—katulad sa aming bahay. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako malayang nakatawa, ang tawa na hindi ko minsan magawa sa tuwing nasa paaralan. Sobrang saya ko ngayong araw at natatakot ako na mamaya lang ay bawiin ang lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayong araw. Ito ang mahirap sa tuwing sobrang saya mo, maaring magbago ang lahat sa isang kisap mata ngunit sino ba ang may pakealam? Hanggat wala ako sa bahay namin ay masaya ako, maari akong maging masaya na walang ibang inaalala. “Oh, hindi niyo na kaya?” tanong ko kay Angela ng maupo sa tabi ko. “Anong oras na, Hazel, kung hindi pa sila titigil ngayon ay baka maas gabihin tayo ng uwi. Mapapagalitan ako nila kuya kung makita niyang mga lasing kasama ko umuwi.” Nag-aalalang sumbong nito bago tumingin kay Ryan na namumungay pa din ang mata at namumula, “ikaw, huwag ka na lumapit doon. Ako ang nagpaalam sa iyo kanina, ayaw ko mapahiya dahil lasing kita maiiuwi mamaya.” “Oo na, hindi na nga eh.” Sagot naman nito bago na higa sa akin tabi pero syempre may distansya sa pagitan namin dalawa. Dahil makunting hilo nalang ang nararamdaman ko ay tumayo na ‘ko saka naupo sa tabi ni Angela na pabalik-balik ang tingin sa mga nag-iinuman pati na din sa nakahigang si Ryan. Hindi na din maipinta pa ang kanyang mukha at patingin-tingin sa oras cellphone niya. “Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya. “Sabihan ko na ba sila na magpainga na ‘t uuwi na tayo?” Tumango siya. “Mamaya ay tatawag na si papa, baka hindi na ‘ko payagan sumama sa susunod kung late na tayong uuwi.” “Dito ka na muna, wag ka na umalis para ayaw nilang umuwi ay may matino ka pang kasama.” Sabay lingon kay Ryan. Bumalik ako sa pwesto nila at mas lasing na lasing silang tignan kesa kanina. Si Mel na natutulog na sa kanyang kinauupuan, si Jean na nakaub-ob na sa mesa at si Jazz na may balak pa bumil ng inumin. “Tama na, Jazz. Anong oras na, kailangan na umuiwi ng iba, baka pagalitan na kung magtatagal pa kami dito, tsaka tignan mo, mukhang hindi na nila kaya.” Mahinahon na usal ko bago nilapilapitan si Joben at ang iba. “Magpahinga na muna kayo, mamay-amaya ay uuwi na tayo.” hindi na sila umimik at yumakap na kay Ryan na mukhang nakatulog na. Muli kong pinuntahan si Jean, natutulog na ‘to habang inaalalayan ni Jazz na wala na din sa sarili habang si Lyka ay nagliligpit na ng pinagkainan na mukhang nasa wisyo pa. Maya-maya lang ay lumabas na din si nanay, may dalang tubig at mainit na sabaw para sa aming lahat. “Lasing na lasing na sila,” komento nito bago binababa ang hawak. “Kaya niyo pa ba umuwi? Ipapahatid ko na lang kayo.” “Ako na po maghahatid sa kanila, nay, pakikuha nalang po ng susi.” Utos ni Jazz na bumabagsak na ang ulo. Umiling ako ng tumingin sa pwesto namin ni Lyka. “Malapit lang naman po kami, hindi na po namin kailangan ihatid at maya-maya lang ay babalik na din po sila sa mga wisyo nila. Si Jean, Jazz, at Mel lang naman po ang sobrang lasing, ang iba ay kaya pa naman po maglakad.” Ayaw ko na makaabala. Magmula ng makarating kami ay wala na din tigil si nanay sa paghahanda ng pagkain at pagsisilbi sa amin, hindi ko nga narinig na nagsuway ‘to dahil sa ingay namin, o kahit ang patigilin kami. “Sigurado kayo?” tanong nito. “Opo, nay. Nakakahiya na po sa abala namin.” Segunda ni Lyka. “Kaya na po namin sila at magkakalapit lang naman po kami ng bahay.” Dagdag pa nito. Walang magawa si Nanay kundi ang sumang-ayon nalang sa amin, wala na din magawa si Jazz. Nang maligpit na namin ang lahat ng kalat ay wala pa in tigil si Mel sa pagsusuka at si Ryan na ang nag-aasikaso dito. Sandali kaming kumain at inamoy ang mga sarili. Bawal malaman sa bahay na nag-iinom ako, siguradong hindi lang ako papagalitan at baka hindi pa ‘ko papasukin pero hindi ko akalain na ganito ang malasing. Para kang nasa ulap, ang lakas ng loob sabihin ang lahat ng hinaing na minsan ay kinakahiya mong sabihin kung nasa katinuan ka. Iyon nga lang ay masakit sa ulo pero ang bonding na nagaganap ay sobrang saya. Kalahating oras pa kami naghintay ng matapos sa pag-aayos ng sarili ang lahat, ang mga loko ay may dalang damit na pamalit at nakiligo pa. Mabuti na lang at may tatlong banyo sa bahay na ‘to kaya mabilis na natapos ang lahat. “Mel, huwag ka malikot nahihilo ako.” reklamo ni Jean. Pare-parehas na kaming nasa jeep, pinagtitinginan ng ibang nakasakay dahil sa itsura naming lahat mas lalo na kay Jean, Mel, at Jazz. Ako nalang ang nahihiya sa pinanggagawa nila, mabuti na lang din at hindi ganon kasikip dahil pagtapos ng ilang hinintuan ay bumaba na ang lahat. “Mahiga ka na muna, Mel, Jean,” utos ni Joven na nasa wisyo na. kanina pa pinaghihiwalay ang dalawa dahil sobrang ingay talaga ng mga ‘to. “Ang traffic pa.” reklamo ni Angela na hindi na mapakali. Lahat ay umaalalay tatlong lasing at ako ay nagbabantay ng pinto, baka may biglang tumalon delikado na. Hindi pa naman namin alam ang lugar na ‘to, walang maay pamilyar sa amin kaya kailangan magdoble ingat mas lalo na ‘t may lasing na kasama. “S-saan ka pupunta—hoy, Mel!” sigaw ni Joven ng biglang tumayo si Mel. Dali-dali itong bumababa ng jeep at naiwan ang kanyang mga gamit, pati ang driver ay nataranta sa bigla naming pagsigaw, at si Joven na sumunod na din. Hinabol ko sila ng tingin ng makitang huminto ang mga ito sa gilid ng kalsada at doon inilabas ni Mel ang lahat-lahat ng laman ng kanyang bituka. “Gagsti.” Natatawang usal ni Lyka bago kinuhaan ang dalawa ng larawan. Ang driver ay nakatingin lang sa mga lumabs at pigil ang tawa. Nakita ko ang pag-usad sa harap namin kaya ganon na din ang pag-usad ng sinasakyan namin, tumango lang si Joven at nagsign na ayos lang sila doon. Maya-maya lang ay bumalik na din sila papasok sa loob. “Anong nangyari sa iyo, Mel?” tanong ko sa kanya. Tumango ito. “Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lasing ko sa sinuka ko, mamaya ay daan tayo sa mamihan, bibili lang ako ng pangpainit ng katawan.” Tugon niya. Oo nga pala, parehas kaming babaan at sasakyan. Mas malayo lang ang kanilang tahanan kes sa amin pero kung pupuntahan at lalakarin ay sandali lang. Nang makarating kami sa terminal ay hindi mapaghiwalay si Jazz kay Jean, lasing na lasing ito ngunit gusto pa ihatid hanggang sa bahay kaya bago kami makasakay ay todo pangungumbinsi pa ni Joven at ni Ryan dito na umuwi na. Pinagtitinginan pa din kami sa loob ng jeep kahit tahimik na kami at walang umiimik. Mukhang pagod na ang lahat sa buong araw mas lalo si Angela na magmula lumubog ang araw ay wala ng ginawa kundi ang mamroblema sa pag-uwi at mga kasamahan. “Mag-iingat kayo, magchat kayo kung nakarating na kayo sa bahay niyo.” paalala ko sa kanila bago nilingon si Angela at Ryan, “kayo na ang bahala maghatid sa kanila.” “Kayo din.” Huminto na ang sinasakyan at na una kaming bumababa ni Mel. Ingat na ingat ako sa paghawak sa kanila hanggang sa makatawid kaming dalawa. Umiikotman ang paningin ko ay pilit kong tinitibayan ang tuhod sa para di magpagewang-gewang. Sandali kaming naghanap ng mamihan ngunit nawala na ng pag-asawa si Mel kaya sumakay na kami ulit. “Sigurado ka ba na kayo mo?” tanong nito ng parehas na kaming makasakay, “Ihahatid kita sa inyo kung nahihilo ka pa.” wow gentleman. “Hindi ako lasing, nahihilo lang. Ikaw, kaya mo ba makauwi ng di natutumba?” base sa paglalakad namin kanina ay parehas pa kaming pasuray-suray pero mas malala siya dahil muntik pa masubsob bago ulit makasakay. “Kaya ko na. Magchat ka agad kung nakauwi ka na.” paalala nito. Wala pang limang minuto ay nagbayad na ako sa sinakyan namin at nagpaalam sa kanya. Pilit na kinakalma ang sarili at inaayos ang paglalakad, maraming marites sa buong lugar kung makita nila akong pasuray-suray ay siguradong makakarating kaagad sa bahay. Habang naglalakad ay nagbabasa ako ng update nila, inuna nilang ihatid si Jean at sunod ay si Angela na magkalapit lang, sabay naman na umuwi ang mga lalaki na hiwa-hiwalay ang daan pabalik sa kanila. Hindi na din nag-open pa si Jean, siguro ay nakatulog na ‘yon kaagad. Nang makauwi sa bahay ay tahimik ang lahat, walang umiimik na isag malaking himala. Wala akong nadatnan na sigaw kay mama at papa, may kanya-kanya din mundo ang tao sa paligid. Good, mabuti na ang ganito. Isip-isip ko at pagkita sa kanila bago umakyat ng kwarto. “Ginabi ka ata?” tanong ni mama. “Last day po namin ngayon, ma, nagkaayaan kaming magpunta sa bahay ng classmate namin. Hindi na po ‘ko kakain, busog na ‘ko sa sobrang daming hinanda kanina.” Totoo. Bukod sa puro alak ay puro din ako kain, halos kami ni Angela ang kumain. “Pagtapos mo sa banyo, ilagay mo nalang ang mgaa ulam sa ref kung hindi ka kakain.” Utos nito. Tumango ako. Himala na may natirang pagkain para sa akin, madalas sa pag-uwi ko ay ubos na ang lahat at kahit ang malamig na tubig ay wala din tira. Siguro, may pera sila kaya maganda ang mood nila. Malalim na hininga ang aking pinakawalan tsaka nilinis ang aking sarili. Mas mabuti ng makasigurado na walan makaamoy sa akin, baka mayari na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD