Hindi mawala ang ngiti sa aking labi, sa tuwing naalala ang mga mukha nila ng gabing iyon. Hindi ko akalain na ang pagtakas at pag-inom ay ganon kasaya, isang memorya na hinding-hindi ko makakalimutan kailanman. Abala ako ngayon sa pagpindot ng cellphone, masayang nakikipag-usap sa kanila at nakikipagbiruan.pinag-uusap ang kalokohan na ginawa namin ilang araw na ang nakakalipas.
Oo, iyon na ang huling araw. Ang lahat ay nasa kanya-kanyang bakasyon na, may ibang nagbabad na sa dagat, gumagala, at ang isa ay lumilibot na sa ibang bansa. Samantala ako ay naglilibot sa loob ng bahay, naglilinis at kung mahuli na nakaupo habang nagcecellphone ay tamad na’t walang ginawa buong mag-araw.
Sobrang init ng panahon, gusto ko maawa kay papa dahil siguradong doble ang init sa trabaho niya ngayon o matutuwa dahil lagi siyang wala sa bahay dahil sa overtime. Samantala, ang magaling kong kapatid na si Ellie ay kung saan-saan na napapadpad, nagpapaalam sa training nila sa archery kahit nakita ko sa f*******: niya ang bagong upload ng picture na nagswiswimming kasama ang mga kaibigan.
“Bakit siya laging pinapayagan lumabas kasama ang mga kaibigan pero ako, lumagpas lang ng alas-sais ang uwi ay galit na galit na ang lahat ng tao dito sa bahay?” tanong ko sarili bago nagbuga ng malalim na hininga, “Oo nga pala, hindi ako paboritong anak.” pagak na tawa.
Ilang sandali lang ay may baging eksena na pumasok sa isipan ko kaya dali-dali kong binuksan ang cellphone at doon nagsulat. Bakasyon, wala akong pambili ng notebook kaya kahit di sanay ang daliri ko sa pagtitipa ay pinipilit kong matapos ang isang storya.
“Ang daming nagbabasa at nag-iiwan ng komento.” Kakapublish pa lang pero sunod-sunod na ang pagpasok ng mga komento.
Ang pagsusulat at pagbabasa ng mga komento na lamang ang nagpapaaliw sa akin ngayon bakasyon, hindi ko din akalain na sisikat ng ganito ang gawa ko. Walang nakaalam kung ano ang gamit kong pangalan, wala din may alam na nagsusulat ako maliban kay Mariel, at kung sakaling mabalitaan ito nila mama ay siguradong sasabihin na walang kwenta lang ang ginagawa kong ito.
Ngayon, sigurado na ‘ko. Ang isang maging sikat na manunulat, iyon ang pangarap ko at walang makakapagpahinto sa akin sa pangarap na ‘yon kahit kontra pa ang lahat sa mundong ito.
LUMIPAS ang mga araw na nasa loob lang ako ng bahay, naglilinis at nagsusulat. Kahit papaano ‘y alam ko na kung paano ang aking sarili kung malapit na puno ang aking konsensya, lahat ng sama ng loob ay inilalagay ko sa kwentong aking sinusulat, nasasabi ko sa mga mambabasa ang lahat ng hinangin, nararamdaman, at problema na hindi nila nahahalata.
Ito na din ang huling taon ko sa Junior High, hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong kuhain pero siguradong kailangan kong sundin kung ano ang gusto ng aking mga magulang. Kailangan ng kursong makakatapos ako, hindi magastos, at paggraduate ay may trabaho agad na makukuha.
Ang hirap maging panganay, ang bigat ng responsibilidad na nakapatong sa iyong balikat, kahit ang kursong mong kukuin ay malabong makuha—mas lalo na ‘ko na kailan ay hindi nakaramdam ng support amula sa magulang.
“Hazel, gusto mo ba sumama sa swimming namin?” tanong ni Tito Boy. Hindi ko nahalata ang kanyang pagpasok sa loob ng bahay.
“Hindi na ‘to. Hindi naman ako papayagan, siguradong kung malaman ni Ellie na ako lang ang sasama ay magsusumbong lang ‘yon kela papa. Ako pa ang magiging masama sa bandang dulo, alam mo naman ang isang ‘yon, walang pakealam kung may maipahamak na iba.” Pagsusumbong ko.
Dito sa bahay, alam na alam ang ugali ni Ellie. Madalas na mag-away sila mama‘t papa dahil sa mali niyang pagsuusmbong at para makatakas lang sa kalokohan na kanyang ginagawa. Si Papa ang lagi niyang kakampi, sa bawat sabihin ng magaling kong kapatid ay paniniwalaan niya kahit na sabihin sa kanya ng lahat na mali ang sinasabi nito.
Ako ang madalas nilang pag-initan, mas lalo na si Ellie sa tuwing may bagong bagay na binibigay sa akin sila tito at tita. Kaya sa ginagawa ni papa ay mas lalo lang lumalayo ang loob ko sa kanya at sa tingin ko, ang galit na nararamdaman ko ay sobrang nanuot na sa puso ko. Hindi na ‘yon ganon kadaling tanggalin at siguro ay hindi mawawala pa.
Ang trauma, sa tuwing may bumabagsak na bagay ay kinanginginig na ng aking katawan dahil laha ‘yon kay papa. Harap-harapan silang nag-aaway, nagbabatuhan ng mga gamit, at nagbabasag. Sa tuwing nakakarinig ako ng malakas na sigaw ay ganon din ang nagiging reaksyon ng aking katawan.
“Iyan talagang kapatid mo sobrang sama ng ugali, mana sa tatay niyo na hindi din nag-iisip.” Usal ni tito na iiling-iling. “Ako ang magpapaalam sa iyo, subukan nilang hindi pumayag.” Pagbabanta pa niya.
Sumang-ayon kaagad ako kay tito. Pag siya ang nagsalita ay walang palag si Ellie, hindi kasi ito nagpapaniwala sa isang ‘yon dahil kahit ito ay minsan ng pinahamak si tito. Sobrang nagpapasalamat din ako dahil kahit na hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ama ay andyan naman ang kapatid ni mama. Sa pagtanda nila, sila ang gusto kong alagaan, sobrang laki ng utang na loob ko sa kanilang lahat mas lalo na sa mga tito ko na walang saw ana umiintindi sa sitwasyon ko.
Kahit ka-uupdate ko pa lang ng librong sinusulat ko ay muli akong nagtipa, binalita ang masayang balita katulad ng nangyari sa akin ilang minuto lang ang nakakalipas. Para sa ibang mangbabasa ng istoryang kanilang binabasa ay para paibigin, kiligin, at painitin ngunit sa likod ng mga ‘yon ay ang tunay na nararamdaman ng isang manunulat.
Katulad ko na masayang tinitipa ang istoryang ginawagawa ko. Ang simpleng mga komento ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para sa pangarap ko, ang mga hindi magandang komento na ginagawa kong inspirasyon upang ayusin pa ang akda ko.
PAGSAPIT ng gabi, kompleto na ang lahat sa bahay at ng makita ko sila sa salas ay masama ang tingin sa akin ni Ellie. “Aray ah!” reklamo ko ng banggain niya ang balikat ko.
“Ang arte mo naman, hindi naman sinasadya eh!” galit niyang bulyaw kahit na siya ang may kasalanan.
“Pinagpaalam ka ng tito mo kanina, sa lingo daw ang alis niyo, may pera ka ba?” tanong ni mama.
Dali-dali akong umiling. “Wala ma. Ang sabi naman ay libre daw lahat, hindi na kailangan ng pera.”
“Ang kapal naman ng mukha mo, kung wala kang pera huwag ka nalang sumama!” galit ni singit ni Atching.
Yes, ayan, ganyan nga! Maiinggit ka hanggang sa tumirik ang mga mata mo. Hindi ko siya pinansin at pasimpleng nagdiriwang ang aking isipan habang nakikitang malapit na siyang pumutok sa galit.
“Oh, ito,” inabot sa akin ni papa ang dalawang daan. “Huwag mong gastusin kung hindi naman kailangan.” Aniya.
Lumaki ang ngiti ko pero hindi ako makatingin diretso sa kanyang mga mata. Ito na siguro ang epekto ng lahat ng ginagawa niya, na kahit titigan siya direkta sa mata ay di ko na kaya pa.