Parehas kaming napatigil ni Alana at parehas kaming nagkatinginan sa isa’t-isa sapagkat hindi namin inaasahan na rito kami dadalhin ni Demetrius nang yayain niya kami sa kaniyang tahanan. Hindi ko inaasahan na ganito ang aming madadatnan sa oras na marating namin ang lugar kung saan siya nakatira. Halos kasing laki lamang iyon ng tahanan ni Alana, ngunit napakarami ng sira ng tahanan ni Demetrius. Ang bintana nito ay puno ng butas at nakatagpi lamang ng mga kahoy na alam kong inaanay na rin. Ang pinto ng bahay niya ay mayroong ding butas at tila ba babagsak na ito kung hindi magdadahan-dahan ang taong magbubukas nito. Alam ko na kahit hindi ko pa nakikita ang loob noon, alam ko na ganoon din ang makikita ko. Alam ko na kung hindi man sira ang mga gamit na madadatnan namin sa loob ng kani

