Matapos sabihin ni Demetrius ang mga kataga na iyon sa amin, tila ba umakto siya na walang nangyari at tila ba hindi niya nais aminin na sinambit niya ang mga salitang iyon sa amin – tila ba iniiwasan niya ang usapin na iyon sapagkat nang akmang magtatanong ako sa kaniya, bigla na lamang siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan. May ngiti na muli sa labi nito na para bang wala lamang ang nangyari, na labis na ikinagulo ng aking isipan, ngunit nang makita ko na para bang may mali sa kaniyang kinikilos, hinayaan ko na lamang siya at hindi na nagsalita pa. Pati si Alana ay pinanatili na lamang ang pagtikom ng kaniyang bibig na para bang nahinuha niya na hindi ito ang tamang oras upang magsabi nang kung ano mang makasasakit pa kay Demetrius – tila ba alam niya na walang magandang mangyayari sa a

