Kabanata 16

2386 Words
“Ambrose, nagugutom na ako.” Hindi ko mapigilan ang mapa-buntong hininga nang marinig ko iyon mula kay Demetrius sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang pina-ulit-ulit iyon habang kami ay naglalakad sa kahabaan ng daanan na ito. Mukhang si Alana rin ay hindi na napigilan ang kaniyang sarili sapagkat hindi na nito napigilan pang magsalita kay Demetrius. Hindi na nito pinigilan pa ang kaniyang sarili sapagkat hindi na talaga namin alam kung ilang beses nang sinabi ni Demetrius ang mga bagay na iyon sa akin. “Kakakain mo lamang kanina,” sambit ni Alana na para bang pinapangaralan niya si Demetrius, na nakapagpa-iling sa akin matapos kong napagdesisyunan na hindi na lamang gumitna sa kanilang dalawa sapagkat alam ko nang sa akin lamang ibubunton ni Alana ang inis na nararamdaman niya ngayon. “Ngunit kanina pa iyon noong tumigil tayo sa paglalakad sa daanang ito,” pagsagot sa kaniya ni Demetrius, na nakapagpa-iling muli sa akin dahil alam ko nang magsasagutan lamang sila ni Alana dahil sa pagpupumilit niyang kumain na naman, kahit na nasisigurado kong hindi naman talaga ganoong katagal magmula noong kumain kaming tatlo sa mala-disyertong daanan na ito. “Matagal pa tayong maglalakbay bago pa tayo makarating sa bagong bayan,” sabi ni Alana sa kaniya na para bang pinipigilan nito ang kaniyang inis na bigla na lamang lumabas at baka mabugahan niya talaga ng apoy si Demetrius – na ngayon ay para bang hindi alintana ang inis na narinig niyang tono ng boses ni Alana. “Hindi na’tin sigurado na makakakita tayo ng pagkain sa daanan na ito! Kaya kailangan na’ting tipirin ang mga dinala na’tin mula sa iyong bayan!” At oo, sumama si Demetrius sa aming paglalakbay sa kadahilanang hindi ko rin mawari kung ano. Basta na lamang niya sinabi sa amin na nais niyang sumama sa aming paglalakbay, noong nalaman niya na kailangan na na’ming umalis ni Alana sa kaniyang tahanan at ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan. Sinabi niya na ninanais din niyang makita ang kalagayan ng iba pang bayan na pupuntahan na’min – gamit ang sarili niyang mga mata – kaya naman pumayag na rin ako nang makita ko na para bang nais ni Alana na hingiin ang aking opinyon. Hindi ito basta-basta na lamang nagdesisyon, at hinintay niya akong magsalita kung hahayaan ko si Demetrius na sumama sa aming paglalakbay. Hinayaan niya lamang ako na sagutin siya, at ngayon, naririto kami ngayon sa daanan na patungo sa susunod na bayan na medyo malayo sa lugar nila Demetrius. Naririto kami ngayon, at hindi katulad noong nakaraan na naglakbay kami ni Alana, napaka-ingay ng paglalakad na’min ngayon ni Alana. Hindi natatahimik ang paligid, at iyon ay kagagawan lahat ng bago na’ming kasama – iyon ay kagagawan lahat ni Demetrius na hindi na natahimik ang bibig. Kahit na hinihingal na siya nang dahil sa haba ng nilakad na’ming tatlo, hindi pa rin tumitigil ang kaniyang bibig sa pagsasalita. Halos lahat na ata ng mga mapag-uusapan na’min ay nasabi na niya. Halos lahat ng mga maisip niya ay sinasabi niya sa amin ni Alana, at kami namang dalawa ay paminsan-minsang nasagot sa kaniya – ngunit madalas ay hinahayaan lamang namin siyang magsalita nang mag-isa sapagkat tila ba hindi ito nauubusan ng laway sa kasasalita nang kung ano-ano. Katulad na lamang ngayon na pinipilit niya akong maglabas ng pagkain, kahit na hindi pa ganoong katagal magmula noong kumain kaming tatlo ng tanghalian. Sa tingin ko nga ay hindi pa kami nakalalayo sa lugar na pinagkainan na’ming tatlo kanina, ngunit heto na naman siya at nanghihingi ng pagkain sapagkat nagugutom na raw siya. “Pero nagugutom na talaga ako,” para bang nagpapaawa siya nang sbaihin niya ang bagay na iyon, na muling nagpailing sa akin sapagkat alam ko nang hindi naman uubra kay Alana ang ganoong bagay. Alam ko na hindi naman tatalab kay Alana kahit na magmakaawa siya rito, sapagkat matigas si Alana pagdating sa ganitong mga bagay. Hinding-hindi siya tatango at sasabihing kailangan na’ming muli na tumigil upang makakain na naman si Demetrius, sapagkat hindi naman ganoong karami ang pagkain na nakuha na’min mula sa kaniyang lugar. Hindi ganoong karami ang pagkain na nabili na’min sa bayan na iyon, sapagkat kulang na kulang talaga ang pagkain sa lugar na iyon, na para bang hindi na naisip pa ng mga tao roon na gumawa ng paraan upang magkaroon sila ng sapat na pagkain para sa lahat ng mamamayan na naninirahan doon. Nais ko pa nga sanang gumawa ng paraan para sa kanila, ngunit hindi ko rin naman alam kung paano ko gagawin iyon. Wala akong kakayahan upang gumawa ng paraan para hindi na sila maghirap nang ganoon, at wala rin akong ideya kung ano ang magandang gawin para sa mga problema na kinahaharap ng bayan na iyon. Wala akong nagawa para sa kanila, ngunit nangako ako sa aking sarili na sila ay aking babalikan sa oras na naalala ko na ang lahat nang nawala sa aking ala-ala. Nangako ako na hinding-hindi ako mananatili sa isang tabi sa oras na maalala ko na ang katotohanan na kinuha sa akin. Alam ko na matatagalan pa bago ko magawa ang bagay na iyon, ngunit nangangako ako na hindi iyon magiging hadlang upang hindi ko tuparin ang pangako ko sa aking sarili. Nangangako ako na hindi ako susuko hanggang sa hindi ko naaayos ang bayan na iyon, pati na rin ang bayan na kinagisnan ni Alana. Alam ko na maraming bagay ang hahadlang sa mga pangako kong iyon, ngunit hindi ako susuko sapagkat nais ko talagang gumawa ng kahit na anong bagay para lamang mailigtas silang lahat. Nais kong gumawa ng paraan upang wala nang makararanas pa ng mga bagay na nararanasan nila ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong pangako sa aking sarili, ngunit sa tuwing tumitingin ako kay Alana, Demetrius, at pati na rin sa mga tao sa bayang iyon, alam ko na hindi ko na kailangang mag-isip pa nang ganoong kalalim sapagkat alam ko na kailangang may gumalaw upang maisaayos ang lahat. Kailangang may gumawa ng hakbang upang hindi na mangyari pa ang bagay na ito sa hinaharap. “Kanina ka pa nagrereklamo!” singhal ni Alana, na nakapagpa-gising sa akin at napagpatuon ng aking atensiyon sa kanilang dalawa na mukhang hindi pa rin nagkakaayos hanggang ngayon – at iyon ay dahil lamang sa nagugutom si Demetrius at nais nitong kumain ngayon. “Bakit hindi ka na lang kaya bumalik sa bayan mo, ha?” Bahagyang napatigil ako nang marinig ko ang bagay na iyon kay Alana, ngunit hindi ako nagsalita at hinayaan ko lamang silang mag-usap sapagkat nais kong marinig ang sasabihin ni Demetrius sa kaniya – nais kong marinig kung ano ang magiging reaksiyon ni Demetrius sa sinabi niya. “Ayaw ko nga!” sabi ni Demetrius na para bang isa siyang bata, na nakapagpailing muli sa akin, bago ko ipinagpatuloy ang aking paglalakad at naririnig ko namang nakasunod lamang silang dalawa sa akin, habang patuloy na nagtatalo nang dahil sa mga sinabi ni Demetrius. “Napaka-layo na ng ating nararating tapos paaalisin mo lamang ako ngayon? Alana naman!” “Napaka-kulit mo naman kasi!” sabi ni Alana na para bang inis na inis na talaga siya kay Demetrius, kaya naman mas minabuti ko nang pumagitna na sa kanilang dalawa sapagkat tila ba hindi na magpapapigil ang mga ito at kung saan pa makarating ang pagtatalo nilang dalawa. Hindi ko naman nais na may alitan sa pagitan ng mga kasama ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit gustong-gusto nilang sumama sa akin, kaya naman mas minabuti ko na ang sawaying sila – kahit na wala naman talaga iyon sa plano ko sapagkat nakikita ko na parang galit na galit talaga si Alana. “Tama na iyan,” agad na pagpipigil ko sa kanilang dalawa nang makita ko na akmang magsasalita na naman si Demetrius, at alam ko naman na makikipagsagutan lamang siya kay Alana kaya bumuka ang kaniyang bibig. Nakita ko namang natigilan silang dalawa at unti-unti silang napatingin sa aking direksiyon, na para bang may nagawa silang mali at natatakot sila na baka pagsabihan ko silang dalawa – kahit na hindi ko naman talaga iyon gagawin sapagkat nais ko lamang talaga na matapos na itong pagtatalo nila dahil mas lalo lamang gumugulo ang sitwasyon. Natahimik naman silang dalawa, sa wakas, matapos ang mahabang pakikipagsagutan nilang dalawa sa isa’t-isa, habang ako naman ay napatingin sa papalubog na araw na nasa aming harapan ngayon. “Kailangan na na’ting makahanap ng matutulugan ngayong gabi sapagkat hindi tayo makakaabot sa ating pupuntahan kung ipagpapatuloy pa na’tin ang ating paglalakad,” pagpapaliwanag ko sa kanila, habang lumilinga-linga ako sa mala-disyertong lugar na ito. “Magiging delikado sa atin kung hindi tayo makakahanap ng matutulugan ngayon.” Malayo kasi ang sumunod na bayan mula sa lugar na kinaroroonan ng tahanan ni Demetrius. Isang araw bago makarating sa bayan na iyon, at alam ko na magiging delikado sa amin kung makararating man kami sa bayan na iyon ngayong gabi, kaya naman mas minabuti ko na lamang ang magdesisyon na manatili muna sa lugar na ito bago na’min ipagpapatuloy ang paglalakbay na’min bukas. “Kung mananatili tayo sa lugar na ito ngayong gabi, at bukas tayo tutuloy ng paglalakbay, sa tingin ko ay mga hapon na tayo makararating sa bayan na iyon,” imporma naman ni Alana, na agad ko namang sinang-ayunan sapagkat iyon din ang aking nahinuha noong tinignan ko ang mapa na hanggang ngayon ay nasa pangangalaga ko pa rin. “Kung gayon ay mas maganda nga siguro kung manatili muna tayo rito at agahan na lamang na’tin ang paglalakbay na’tin bukas,” sabi naman ni Demetrius, habang sinamahan niya ako sa pagtingin sa kabuuan ng lugar kung nasaan kami. “Nang sa gayon ay hindi tayo mapahamak at maaari pa tayong makapagpahinga.” “Doon ka na lang din kumain,” sambit ko, na nakapagpa-tigil sa kanilang dalawa ni Alana, ngunit walang nagsalita sa kanilang dalawa at tumango na lamang sila na para bang hindi nila inaasahan na sasabihin ko ang mga bagay na iyon – na labis kong ikinatawa at napailing pa ako, bago ako naunang maghanap ng matutuluyan namin para ngayong gabi. Sinamahan na rin ako no’ng dalawa sa paghahanap, hanggang sa tumigil kami sa isang kuweba na hindi kalayuan sa daan na nilalakaran na’min kanina. Malinis iyon at walang ano mang mga kakaibang hayop. Hindi rin iyon kapansin-pansin sa kalayuan, kaya nasisiguro na’min na walang magtatangkang lumapit sa kinaroroonan na’min habang kami ay natutulog. Napagkasunduan na’ming tatlo na doon na lamang kami mananatili, pansamantala, ngayong gabi bago kami dumiretso sa aming paglalakbay kinabukasan. Si Alana ang naatasan na’ming tignan pa ang loob ng kuwebang iyon, habang kaming dalawa ni Demetrius ay naghahanap ng mga kahoy na maaari na’ming gamitin upang gumawa ng ilaw ngayong gabi – pati na rin sa pagluluto na’min ng pagkain para sa aming hapunan. Tahimik lamang kami habang ginagawa na’min ang bagay na aming napagkasunduan na gawin. Hindi umiimik si Demetrius sa aking tabi, kaya naman inakala ko na magiging ganoon lamang kami hanggang sa mapagkasunduan na’ming bumalik na sa kinaroroonan ni Alana, ngunit gayon na lamang aking gulat nang bigla itong nagsalita. “Kaya ninais kong sumama sa iyong paglalakbay ay dahil sa mga hindi sinasabi ni Alana.” Napatigil ako sa pagkuha ng punong kahoy nang sabihin niya ang bagay na iyon, at unti-unti akong napatingin sa kaniyang gawi nang may kunot sa aking noo. Ako ay labis na nagtataka sa kaniyang ipinupunto, ngunit hindi ko na ata kailangan pang pag-isipan iyon nang maigi sapagkat tumingin siya sa akin nang may labis na kaseryosohan sa kaniyang mukha. “Nais kitang protektahan, Ambrose.” May seryosong tingin sa kaniyang mukha, na mas lalong ikinakunot ng aking noo sapagkat hindi ko mawari kung bakit sinasabi niya ang bagay na ito. “Napakabuti mong tao, Ambrose, at hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo lalo na kung iyon ay kagagawan lahat ng babaeng iyon.” “Demetrius.” Iyon lamang ang aking nasabi sapagkat hindi ko inaasahan na maririnig ko ang bagay na iyon sa kaniya. Hindi ko rin naman inisip na baka may masamang balak si Alana kaya niya ginagawa ang bagay na ito, kaya naman hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ni Demetrius sa akin ngayon. Umiling-iling lamang siya, bago niya binuhat ang mga punong kahoy na kaniyang kinuha, at ganoon na rin ang aking ginawa – kahit na labis pa rin akong naguguluhan sa mga sinasabi niya, kahit na hindi ko maintindihan kung kailan niya naisip ang mga bagay na katulad nito kay Alana. “Huwag kang mag-alala,” sabi niya sa akin makalipas ang ilan pang minuto na tahimik lamang kaming dalawa. “Nais ko lamang mapatunayan na mali ang aking hinala. Nais kong makita mismo ng aking mga mata na walang ano mang masamang balak si Alana sa iyo.” Hindi ko makita ang ekspresiyon sa mukha ni Demetrius ngayon sapagkat siya ay nauuna nang maglakad sa akin, patungo sa kinaroroonan ni Alana, ngunit nararamdaman ko ang emosyon na nararamdaman niya ngayon base sa tono ng kaniyang boses habang sinasambit niya ang bagay na iyon. “Kaya hanggang nais mong malaman ang lahat ng katotohanan tungkol sa iyong pagkatao, hindi ako aalis sa iyong tabi, Ambrose,” sambit niya pa sa akin, bago ito lumingon sa akin at doon ko lamang nakita ang seryosong ekspresiyon sa kaniyang mukha na para bang hindi siya nagbibiro sa bawat kaniyang sinasabi. “Ipinapangako ko iyan sa iyo.” Tuluyan na siyang naunang maglakad patungo sa kuweba na aming tutuluyan ngayong gabi, at ako naman ay napatigil sa aking paglalakad habang puno ng katanungan ang aking isip. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit… Bakit bigla na lamang naisip ni Demetrius ang bagay na iyon? Bakit bigla na lamang siya nagkaganoon kahit na para bang normal lamang ang kaniyang pakikitungo kay Alana kanina noong kami ay naglalakad pa sa daanan na iyon? Alam ko na hindi lamang siya basta-basta na lamang magkakaganoon nang walang dahilan. Alam ko na hindi lamang siya magkakaganoon nang wala siyang nalalaman tungkol kay Alana. Alam ko na may dahilan siya kung bakit bigla na lamang siyang umakto nang ganoon, kahit na para bang wala naman siyang problema kay Alana kanina. “Ano ang iyong nakita, Demetrius?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD