Kabanata 17

2175 Words
Kaming tatlo ngayon ay nag-aagahan sa loob ng kuweba kung saan kami natulog kagabi. Tahimik lamang kaming tatlo, dahil mukhang malalim ang iniisip ng dalawa kong kasama, habang ako naman ay inoobserbahan ang bawat galaw nila sapagkat hindi ko pa rin mawari kung paano at bakit na lamang bigla naisip ni Demetrius na baka may masamang balak si Alana sa akin. Ilang minuto ko na itong ginagawa, ngunit wala naman akong makita na kung ano man sa kanila. Wala akong makita na kakaiba sa kanila, kahit na ano pa man ang aking gawin na pagmamasid sa bawat galaw nilang dalawa. Normal silang nakipag-uusap sa isa’t-isa, at normal lamang ang kanilang inaakto. Walang kahit na ano pa man ang nagpapahiwatig kung ano ba talaga ang nangyari at nakaisip nang ganoon si Demetrius – kung bakit niya naisip na may masamang balak si Alana sa akin. Nais kong magsalita tungkol sa bagay na ‘yon, ngunit sa tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi habang kami ni Demetrius ay nakuha ng punong kahoy sa paligid ng kuwebang ito, para bang may pumipigil sa akin na magsalita tungkol doon. Para bang may kung ano na pumipigil sa akin upang magtanong kung bakit bigla na lamang niyang naisip ang bagay na iyon – ang dahilan kung bakit sumama siya sa aming paglalakbay. Patuloy lamang ako sa pagkain ng karne na niluto nina Alana at Demetrius kanina, habang tahimik pa rin akong nakamasid sa bawat galaw nilang dalawa. Patuloy kong pinagmamasdan ang mga bagay na ginagawa nila, ngunit para sa akin talaga ay wala namang kakaiba sa kinikilos nilang dalawa. Sa katunayan, sa tingin ko pa nga ay mas lalo silang naging malapit sa isa’t-isa. Sa tingin ko ay mas lalo silang naging komportable sa isa’t-isa, katulad na lamang ngayon na mukhang nakaisip si Demetrius ng mapag-uusapan nilang dalawa kaya naman agad itong humarap kay Alana upang magtanong at upang makapagsimula na siyang makipag-usap kay Alana, na mukhang hindi inis ngayon kay Demetrius. “Mukhang marami kang alam sa bayan na ating pupuntahan,” sambit ni Demetrius kay Alana, na ngayon ay napatigil na sa kaniyang pagkain upang tumingin sa kaniya nang nakataas ang kaniyang kilay. “Ano ang ibig mong sabihin d’an?” tanong nito kay Demetrius, habang ako naman ay nakamasid lamang sa kanilang dalawa sapagkat hindi ko rin naman alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko nais na sumingit sa kanilang usapan, kaya naman mas minabuti ko na lamang na manahimik at hindi na magsalita. Mas pinili ko na lamang ang makinig sa mga pinag-uusapan nila, dahil sa tingin ko ay may malalaman ako – kahit na kaunti – tungkol sa dalawang ito at sa totoong nangyari at para bang may mali sa kanila, kahit na mukhang mas malapit na sila sa isa’t-isa ngayon. Nakita ko kung paano nagkibit balikat si Demetrius, bago ito kumagat sa karneng hawak-hawak nito, at sinagot si Alana habang ngumunguya-nguya pa ito – na nakapagpailing sa akin sapagkat alam ko nang sisitahin lamang siya ni Alana nang dahil sa kaniyang mga ginagawa ngayon. “Naalala ko kasi kagabi na para bang alam mo kung kailan tayo darating sa bayan na iyon kung ngayong umaga tayo aalis sa lugar na ito.” Pasimpleng tinapunan ako ng tingin ni Demetrius, na para bang may nais siyang ipahiwatig sa tanong niyang iyon, ngunit hindi iyon nakatakas sa paningin ni Alana, sapagkat nakita ko rin kung paano siya tumingin sa aking gawi. “Alam ko kung bakit alam ni Ambrose ang layo ng lugar na iyon, sapagkat nakita ko na pinag-aaralan niya nang mabuti ang mapa na dala-dala niya… ngunit ikaw?” Tumingin siya kay Alana na ngayon ay inoobserbahan na ang bawat galaw ni Demetrius at pinakikinggan ang bawat sinasabi nito, na para bang naninigurado ito na walang ano mang kakaiba sa tanong nito bago ito bumuntong hininga at napailing pa hanggang sa napipilitan itong isiwalat ang tunay na dahilan kung bakit tila ba marami nga siyang alam sa susunod na bayan na aming pupuntahan. Ang totoo n’an, nais ko ring malaman sapagkat napagtanto ko rin na para bang maramig alam si Alana sa lugar na iyon, ngunit hindi na ako nagtanong pa sa kaniya dahil inakala ko na may dahilan kung bakit hindi niya sinasabi ang tungkol sa bagay na iyon – kagaya na lamang ng paglilihim niya nang katotohanang alam niya sapagkat may malalim siyang dahilan para gawin niya iyon – ngunit, mukhang hindi naman niya talaga nais na ilihim ang totoo sapagkat sinabi na niya ang tunay na dahilan kung bakit tila ba may alam siya tungkol sa susunod na bayan na pupuntahan na’min. “May kaibigan ako na sa bayan ‘yon naninirahan,” pagku-kuwento niya, na nakapagpataas ng aking isang kilay sapagkat hindi ko inaasahan na may kaibigan pala siya sa mundong ito at hindi man lang siya nag-abalang magsalita tungkol sa bagay na ‘yon. Hindi ko mawari kung pati ba ‘yon ay may kinalaman sa mga bagay na itinatago niya sa akin, o nakaligtaan lamang niya na sabihin sa akin ang tungkol sa kaibigan niyang iyon, ngunit mukhang hindi ko na rin naman kailangang mag-isip pa nang malalim sapagkat tila b abalak niyang talaga na magpaliwanag tungkol sa kaibigan niyang iyon at pati na rin sa bayan na susunod na’ming pupuntahan. “Matagal ko na siyang hindi nakikita, ngunit nahihinuha ko na roon pa rin siya nakatira sapagkat hindi naman na siya nagpadala sa akin ng sulat na siya ay lilisan para manirahan sa ibang bayan,” pagpapaliwanag pa niya, ngunit napa-kunot ang noo ni Demetrius na para bang may mali sa mga sinabi ni Alana sa amin ngayon. “Hindi ba’t galing ka sa karatig na bayan na’min?” tanong ni Demetrius na may kunot pa rin sa kaniyang noo, na para bang may hindi talaga tama sa mga sinasabi ni Alana sa amin ngayon – habang ako naman ay pinili na lamang ang manahimik sapagkat alam ko nang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng usapang ito. “Ano naman ngayon kung doon ako nanggaling?” May kunot na rin ang noo ni Alana nang tanungin niya ang bagay na iyon kay Demetrius, na nakapagpa-buntong hininga na lamang sa akin dahil mukhang tama nga ang hinala ko na sa away na naman mapupunta ang usapan na ito. “Napakalayo ng lugar na iyon sa bayan na pinanggalingan mo,” sambit ni Demetrius na para bang may nais siyang ipunto nang sabihin niya ang bagay na iyon kay Alana. “Napaka-imposible naman na makapupunta ka sa lugar na iyon nang ganoon lang.” Makahulugan siyang tumingin kay Alana, na agad namang nag-iwas ng tingin sa kaniya na para bang naiilang na siya sa mga ginagawa ni Demetrius pero hindi naman niya iyon sinasabi kaya naman mas minabuti na lamang niya na mag-iwas ng kaniyang tingin. “Katulad ng sinabi ko noon pa man, may mga bagay na mas mabuti na lamang kung hindi malalaman ng iba,” sambit ni Alana, at mukhang hindi nagustuhan iyon ni Demetrius dahil tumalim ang tingin nito kay Alana. “Napakarami mo namang lihim, Alana,” makahulugang sabi ni Demetrius sa kaniya, kaya naman tumayo na ako sa aking kinauupuan kanina upang pigilan sila sa kung ano pa mang sasabihin nila sa isa’t-isa. “Mas makabubuti siguro kung umalis na tayo para maaga rin tayong makarating sa bayan na nais nating puntahan,” pagbabago ko ng usapan nilang dalawa, na naging dahilan upang mapatingin sila nang sabay sa aking direksiyon. “At kung maaari, huwag na kayong mag-uusap nang ganito na para bang lagi na lamang ito mauuwi sa away niyong dalawa.” Tinignan ko silang pareho nang may talim sa aking mga mata upang malaman nila na hindi ko talaga nagugustuhan ang mga ginagawa nilang dalawa ngayon. Hindi maganda sa aking paningin at pandinig ang mga bagay na ginagawa nilang dalawa sapagkat alam ko na magkakalamat lamang ang mga pinagsamahan na’ming tatlo. “Tayo ay magligpit na ng ating mga ginamit.” Nauna na akong mag-ayos ng mga gamit na dala-dala na’min, at hindi na binigyang pansin pa ang dalawang iyon. Hindi ko na rin tinapos pa ang aking pagkain sapagkat tila ba nawalan ako ng gana nang dahil sa pagsasagutan ng dalawang iyon. Hindi pa lumilipas ang ilang mga minuto ay tumayo na ang dalawang iyon at nagsimula na ring magligpit ng kanilang mga gamit na dala-dala rin nila. Tahimik lamang ang dalawang iyon na para bang hindi na nila nais pang magsalita sa isa’t-isa at alam na rin naman nilang sa away lamang tutungo ang pag-uusap na iyon. Ako naman ay hinayaan na lamang sila sapagkat tila ba wala rin naman akong magagawa sa kanilang dalawa, dahil hindi ko rin naman alam kung bakit sila nagkakaganito. Wala akong ka-ide-ideya kung bakit sila nagkakaganito, at ang tanging pinanghahawakan ko lamang ay iyong mga sinabi ni Demetrius noong nakaraang gabi. Iyon lamang ang aking naiisip na dahilan kung bakit bigla na lamang sila nagkakaganito, at bakit tila ba nais ni Demetrius na paaminin si Alana tungkol sa mga bagay na hindi nito sinasabi sa akin – sa aming dalawa ni Demetrius. Hanggang sa lumisan kami ng kuwebang iyon, hindi na nagsalita pa sina Alana at Demetrius. Wala silang imik habang sinusundan ako sa aking paglalakad, ngunit wala na rin akong sinabi tungkol pa roon at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad na para bang wala talagang mali sa amin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami naging ganoon, ngunit mukhang hindi na rin nakatiis si Demetrius sa katahimikan na mayroon kami sapagkat narinig ko ang pagbuntong hininga niya na para bang may nais siyang sabihin. Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad, habang hinihintay ko ang kung ano mang sasabihin niya, at mukhang ganoon din ang ginawa ni Alana sapagkat nararamdaman ko pa rin ang kaniyang presensiya sa aking tabi – na marahang naglalakad na para bang natatakot siya na magkakasagutan na naman silang dalawa ni Demetrius kung tatabi siya roon at makikipag-usap. “Bakit hindi na lang si Alana ang manguna at magturo ng ating daraanan?” suhestiyon ni Demetrius na nakapagpa-tigil kay Alana, pati na rin sa akin na hindi inaasahang maririnig iyon sa kaniya. Nagkibit balikat lamang ito bago niya ipinagpatuloy ang kaniyang mga sinasabi. “Mukhang alam din naman niya kung saan tayo papunta at mas kabisado niya ang daan kaysa sa iyo, Ambrose, kaya naman sa tingin ko ay ayos lamang kung siya na ang magtuturo ng daraanan na’tin.” Bumuka ang aking bibig upang magsalita na ayos lamang sa akin na ako na lamang ang magtuturo ng daan, sapagkat alam ko na rin naman ang tamang daan patungo sa bayan na iyon, ngunit naramdaman ko ang paghawak ni Alana sa aking braso na para bang alam na niya ang aking gagawin. Tinignan ko ang ekspresiyon sa kaniyang mukha, at hindi na ako nagulat pa nang makita ko na nagtatagis ang kaniyang bagang na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na makapagsabi ng kung ano man kay Demetrius. Para bang alam niya na may magagawa siyang masama kung hindi niya mapipigilan pa ang kaniyang sarili. Huminga siya nang malalim na para bang pinapakalma muna niya ang kaniyang sarili, bago siya makipag-usap kay Demetrius. Naramdaman ko pa nga ang paghigpit ng hawak niya sa aking braso na para bang kailangan niya iyong gawin upang hindi na siya makagawa pa ng bagay na alam niyang pagsisisihan niya rin sa huli. “Sige,” pagsang-ayon niya sa mga sinabi ni Demetrius, ngunit naririnig ko na para bang nanggigigil siya habang sinasambit niya ang isang salita na iyon sa aming dalawa ni Demetrius. “Ayos lamang sa akin na ako na lamang ang magturo ng daan. Tanda ko pa naman iyon at nasisigurado ko rin naman na hindi ki’ta ililigaw kahit na inis na inis na ako sa iyo, Demetrius.” Nauna nang maglakad si Alana matapos niyang sabihin ang bagay na iyon, at kami naman ni Demetrius ay naiwang para bang nagtataka kung bakit bigla na lamang naging ganoon si Alana – ngunit alam ko na ang mga kinikimkim na inis ni Alana. Alam ko na sumabog na siya kaya naman nasabi na niya ang bagay na iyon kay Demetrius. “Maaari bang huwag mo nang ganunin si Alana?” pakikiusap ko kay Demetrius, bago ako humarap sa kaniya nang may seryosong tingin sa aking mga mata. “Kahit huwag mo na lamang ipahalata na mayroon kang nalalaman tungkol sa kaniya, Demetrius,” sabi ko pa sa kaniya, ngunit agad itong umiling bago sumunod kay Alana na ngayon ay masyadong malayo na sa aming kinaroroonan. “Hindi ko iyan maipapangako, Ambrose,” sambit niya sa akin na para bang wala na talagang pag-asa pa. “Ngunit, para sa iyo ay susubukan ko pa rin.” Tuluyan na siyang naglakad papalayo sa akin, at wala na akong ginawa pa para pigilan siya. Napailing na lamang ako at sumunod sa kanilang dalawa upang maituloy na na’min ang paglalakad na’min patungo sa sumunod na bayan na iyon – upang maituloy ko na ang aking mga ninanais na malaman tungkol sa aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD