Chapter 13

1211 Words
Chapter 13 Raven's PoV “Ah talaga ba? Pwede na ba akong umamin sa kanya? Na may nangyayari sa atin at tayo talaga ang nagmamahalan?” tanong ko kay Trisha, sabay ngisi. habang naka kibit- balikat pa ako para kunwari ay seryoso. Pero imbes na matuwa ay ngumisi lang din siya at tumango. “Sige lang, Rav. Alam ko naman na naghihiganti ka lang. Go, get your revenge to your heart’s content.” Napaatras ako ng bahagya, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tinitigan ko siya ng diretso, walang kurap at pilit na hinahanap kung saan niya itinatago ang emosyon niya. Pero wala akong makita kundi malamlam na mga mata at ang pamilyar na pader na lagi niyang binubuo sa pagitan namin. “Ganun na lang 'yon?” mahinang sabi ko. “Wala ka man lang bang pag-aalala? Wala man lang bang selos?” Nilapitan niya ako at tumitig sa akin. Nakaka kaba ang walang emosyon niyang mga mata. “Bakit ako magseselos? Hindi naman talaga tayo, Rav. Nag hihiganti ka lang 'di ba?” Bumigat ang dibdib ko. Nako- konsensya na ba ako? Ilang araw na kaming ganito laging palihim, laging patago, laging may kasamang guilt trip kapag nauwi kami sa mga yakap at halik na parang totoo na. Totoong gusto ko na siya. Hindi na ito pag hihiganti. “Paghitiganti? oo,” bulong ko. “Pero hindi mo masasabing wala kang nararamdaman. Ito naman talaga ang gusto mo 'di ba, Trish.” Lumapit rin ako sa kanya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pagitan naming dalawa. Hindi siya umatras, hindi rin siya lumingon. Matapang siyang tumingin sa'kin, pero alam ko kita ko nanginginig siya kahit pilit niyang pinatatag ang sarili niya. “Sabihin mo sa'kin, Trish. Kung lalapit ako ngayon kay Zebbie at sasabihin ko ang totoo. . . Ang lihim natin, magiging masaya ka na ba?” “Bakit naman ako sasaya?” mahinang bulong niya. Lalo akong nainis. Hindi ko alam kung kanino sa kanya o sa sarili ko. Dahil parte ng plano ko 'to, oo. Pero hindi ko inasahan na sa kalagitnaan ng laro, ako 'yung matatalo. Bakit parang ako 'yung talo? “Hindi ba talaga?” bulong ko, pilit kinakain ang sakit na gumagapang sa dibdib ko. Pakiramdam ko, sobrang sama kong tao dahil sa ginagawa kong ito. Saglit siyang hindi umimik. Bumuntong-hininga siya, matagal, mabigat, bago nagsalita. "Ano ba tingin mong makapag sasaya sa akin?" Nangingilid ang kanyang luha. Bakit parang ako ang kontrabida at masamang tao dito? Pinikit ko ang mga mata ko sandali. Humigpit ang kamao ko. Hindi ko kayang makita si Trish na malungkot. Alam ko kasi ang mga hirap na pinag daanan niya sa buhay. Gusto kong lumuha at maki simpatya. Gusto kong sumigaw. Gusto ko nang bumitaw. Kaya ngumiti na lang ako 'yung peke, 'yung nakakapagod gawin, baka gutom lang to. “Sige,” sabi ko. “Ako na ang bahala. Para matapos na rin 'to.” Tumalikod ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Ayoko nang marinig pa kung ano pa ang mga drama niya sa buhay. Kailangan ko magpaka tatag. Hindi dapat ako magpa apekto sa luha niya. Pero habang naglalakad ako palayo, narinig ko ang pabulong niyang sinabi, halos hindi ko marinig, pero sapat para wasakin ang depensa ng puso ko. “Rav... huwag mo na 'kong paglaruan.” = = = = = = = = Maalinsangan ang simoy ng hangin kahit na maaga pa, pero presko pa rin naman dahil sa tunog ng alon na sumasabay sa tawanan ng tropa. Sa isang long table na gawa sa kahoy, nakalatag ang dahon ng saging, at sa ibabaw nito ay sunod-sunod na hilera ng inihaw na bangus, hipon, talong, liempo, at sinangag, classic na boodle fight sa tabing-dagat. Si Vina at Paola ang abalang nag-iihaw habang nagkukulitan pa rin sa gitna ng usok. “Rav, hawakan mo nga 'to,” sigaw ni Paola sabay abot ng tangkay ng pamaypay. “Bossy ka pa rin kahit nagbabakasyon, kaya takot sa'yo si Johann eh,” sabi ko sabay tawa, pero inabot ko rin. Naupo ako sa tabi ni Trish, na noo ay tahimik na inaayos ang buhok niya habang pinupunasan ang namumuong pawis sa noo. Suot niya 'yung fitted shirt na palagi niyang suot. Wala siyang effort na magpa ganda, mag skin care, pero naturally, maganda siya at kaakit-akit. “Pahingi naman ng tubig, Trish,” bulong ko habang nakayuko sa kanya, sinadyang maramdaman niya 'yung hininga ko sa batok niya. “Hindi ko alam kung nasaan yung tubig,” mahina niyang sabi. Awkward talaga kapag si Trish ang nasesentro ng atensyon. Tahimik lang kasi siya at wala talaga siyang close sa mga kaibigan namin ni Zebbie. Introvert siya simula pa pagkabata. Napatingin ako kay Zebbie sa kabilang dulo. Tahimik siya, nginunguya lang ang hipon habang may ngiti sa labi pero alam kong pilit na ngiti lang iyon. Sanay ako sa totoo niyang ngiti, kaya alam ko. Ang bawat tawa niya ngayon ay parang kaipokrituhan. Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. Hindi rin kay Trish. Pero ramdam ko, ramdam ko talaga na bawat galaw ko ay sinusundan niya sa gilid ng paningin niya. O baka si Trisha ang tinitingnan niya. Pagkatapos naming kumain, sabay-sabay kaming bumaba sa dalampasigan. Tumakbo si Vina at Paola papunta sa tubig, at kami ni Trish, naglakad lang. “Ok na ba? Nakaganti ka na ba sa'min ni Zebbie?” tanong niya habang inaayos ang tali ng kanyang buhok. "Hindi pa,” sagot ko. “Ayaw akong kausapin ni Zebbie. Ok lang naman.” “Suyuin mo kasi,” seryosong sabi niya. "Ako pa talaga? Bahala siya sa buhay niya." Pagkatapos ko iyon sabihin ay bigla ko siyang binuhat at dinala sa dagat malapit kina Zebbie. “Raaaveen!” sigaw niya habang nagtatalo kami sa gitna ng alon. Tuwang-tuwa ang tropa, panay ang hiyawan. Si Zebbie lang ang hindi. Sa paningin nila ay para lang kaming magkababata na nagsasaya, sinasariwa ang alaala ng kabataan. Pero para sa'kin, totoong masaya ako. Habang pa-baba na ang init ng araw, nag-uunahan kami paakyat ulit sa kubo. Doon kami naupo sa banig, nakatalikod sa hangin, habang tumatawa na rin si Trish sa walang kwentang kwento ko. Sa tabi, naroon pa rin si Zebbie. Tahimik. Nakatitig lang sa dagat. Wala siyang sinasabi pero hindi niya rin kami tinitingnan. “ Are you Ok, Zeb?” tanong ni Vina sa kanya. Ngumiti siya. “Oo naman. Medyo pagod na.” "Ah yeah, grabe nakakapagod naman talaga-" "Pero masaya!" Pilit na sabi ni Zebbie. Alam kong pinipilit niyang maging masaya pa rin sa harap ng mga kaibigan namin. Mataas ang pride niya at kumpyansa sa sarili na alam ng lahat na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino. Ang inaakto namin ni Trish ay dahil lamang sa kami ay magkababata. Hindi kami pag- iisipan ng masama ng mga tropa namin ni Zebbie. Dahil alam nila na ganon ako ka-loyal sa kanya. Hindi niya kailangang magsalita. Kahit anong pagkukunwari niyang hindi siya nasasaktan sa closeness namin ni Trish, ramdam ko 'yon. At doon ko alam naapektuhan siya. At 'yon ang sadya ko. Hindi na nakatiis si Zebbie at lumapit na siya sa amin ni Trish. "Rav, bakit-" ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD