Chapter 8

547 Words
Chapter 8 Raven's PoV “Hindi kaya? Hindi kaya iyon ang dahilan? Kasi si Trish ay. . . in love sa akin?” Iyon ba ang dahilan? Alam kong gusto niya ako pero hindi ko akalain na ganito niya ako kagusto. Iyon ba ang dahilan? O nag aassume lang ako? Napapikit na lang ako at inalala ang nakararaan. Bittersweet childhood memories. FLASHBACK. . . Grade three pa lang kami noon pero alam ko na agad: may mali sa buhay ni Trish. Hindi lang sa paaralan, kundi lalo na sa bahay ng tiyahin niya kung saan siya naninirahan. Tahimik siya. Hindi siya ‘yung tipong magpapaawa o magpapansin, pero ramdam mong may mabigat siyang dinadala kahit na bata pa. Hindi siya sumasabay sa laro o nakikipag usap. Madalas nasa tabi lang, nagmamasid. Sa tuwing recess naman ay lagi siyang nawawala, nagpapa- alam na mag CCR at kapag tapos ng recess na siya babalik. Habang kami may baon na biscuit o juice o kanin at masarap na ulam. Siya naman ay may tinapay na tuyot at matigas o minsan, wala talaga. Hindi naman ako palakaibigan noon, pero sa kung anong dahilan, napapansin ko talaga siya. Bukod sa magkapitbahay kami at magkaklase, ako lang ang kinakausap niya. Hindi dahil sa gusto kong kaawaan siya. Alam ko naman na ayaw din niyang kaawaan ko siya o kahit na sino. Tahimik siya pero hindi mahina. Parang invisible angn paligid niya. Hindi ko maipaliwanag, pero ramdam ko ang pasan pasan niya. Isang beses, naiwan siya sa classroom. Pumasok ako para kunin ‘yung naiwan kong notebook. Doon ko siya nakita, nasa ilalim ng mesa. Hindi siya humahagulgol, pero may luha sa pisngi niya. Tahimik. Nang mapansin niya ako, agad niyang pinunasan ang luha niya. Tapos, nagtayo siya na parang walang nangyari. “Allergy lang ‘to,” sabi niya, tapos tumawa ng pilit. Napansin ko rin ‘yung pasa sa braso niya, pero hindi ako nagtanong. Kung gusto niyang pag-usapan, siya na lang dapat ang magsimula. Hindi ako tagapagtanggol ng kahit sino. Pero pagkatapos nun, mas lalo ko siyang napapansin. Parang nalulungkot na rin ako sa tuwing nakikita ko siya. Naririnig ko minsan sa ibang teachers na walang pakialam ang tiyahin niya. Wala na raw ang nanay, sumama sa ibang lalaki. Wala rin ang tatay niya. Ang tita niya ay kilala sa buong barangay na sugarol at palautang. Kinwento ni Trish minsan, nang sabay kaming nag lakad pauwi dahil nasira ang tricycle ni Papa. “’Pag galit si Tita, hindi siya sumisigaw. Tahimik lang siya. Pero may hawak na sinturon.” Tapos ngumiti ng mapait. Nangingilid na ang kanyang luha. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Pero sa halip na magpakita ng awa, sinabi ko lang, “Kaya mo yan Trish. Kapag nakapag tapos na tayo ng pag aaral pwede ka na mamuhay mag isa.” Hindi siya sumagot. Pero mula nun, mas naging palaban siya. Unti unti, natututo na siyang ngumiti. Hindi kailangan ni Trish na kaawaan, kailangan niya ng suporta. Ng mabubuting salita na makakapag palakas ng loob niya. Gusto niya ng kaibigan, ‘yung makikinig sa kanya at makaka unawa. END OF FLASHBACK. . . Napabalik ako sa kasalukuyan nang may kumakatok sa pintuan. Si Zeb ba iyon o si Trish? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD