Chapter 9
Raven's PoV
“Sino yan?” tanong ko nang mabulabog ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan dahil may kumakatok sa pinto.
Hindi ko alam kung si Zebbie ba iyon o si Trish.
“Love, buksan mo. Bakit naka sara 'tong pinto?”
Walang kagana gana akong tumayo. Si Zebbie ang kumakatok. Nadismaya ako nang marinig ang boses ni Zebbie, siguro kasi, si Trish ang inaasahan ko at gusto kong makita.
Habang lumalakad ako patungo sa pintuan, iniisip ko si Trish. Ano na kaya ang ginagawa ni Trish?
Binuksan ko ang pintuan habang ang isip ko ay naglalakbay papunta kay Trish.
Bumungad agad ang naka busangot na mukha ni Zebbie nang pinagbuksan ko siya ng pinto.
“Bakit mo ‘ko pinaglolock ng pinto?”
Mapupungay ang mga mata niya ngunit ang tono ng boses niya ay galit. Amoy alak. Naglasing nga. Mukhang nagpakasaya talaga si Zeb sa birthday celebration niya kasama ang mga social climber na mga kaibigan.
Hindi ko na siya sinagot dahil parang wala na siya sa wisyo. Napasandig siya sa balikat ko kaya inalalayan ko siya sa pag tayo. Pinulupot ko ang bisig ko sa kanyang bewang at pasuray-suray siyang naglakad habang inalalayan ko papunta sa kama.
Hiniga ko siya sa kama at dahil lasing siya, tahimik lang siyang nakahiga. Hindi na gumagalaw. Payapang nakatihaya. Nakatayo lang ako sa tapat niya habang siya ay walang malay. Pinagmamasdan ko siya ng maigi. Ibang iba na si Zebbie.
Sa dalawang taong hindi kami nagkita, maganda pa rin naman siya. Sexy pa rin. maputi. Pinagupitan lang niya ang mahaba niyang buhok hanggang balikat na dati hanggang bewang at pinakulayan ng dark brown.
O baka ako ang nag-iba. Nagbago na ang tingin ko sa kanya. Nawala na ang marubdob na pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. Napalitan na ba ng pagtingin kay Trish?
Napa-iling na lang ako sa naiisip ko. Maling-mali.
Pinagpatuloy ko na lang na pagmasdan si Zebbie habang natutulog. Napakatagal na panahon. . . Ang tagal kong nagpa-alipin sa pag-ibig niya. Akala ko ay siya na talaga.
Noong una ko siyang nakita, nalove at first sight ako sa kagandahan niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag ikot ng mundo nang makita ko ang ngiti niya.
FLASHBACK. . .
Hindi ko in-expect ‘yon. Isang ordinaryong school day, simpleng araw, galing ako sa last class ko. Bitbit ang bag, pawis, gutom, gusto ko na lang umuwi. Tipid na tipid ako noong college dahil hindi naman kami mayaman, bukod pa ro'n, ang daming gastusin sa napili kong course na Architecture.
Sobrang lalim ng iniisip ko habang nakahinto at hinihintay ang pag palit ng kulay ng stop light.
Tapos nakita ko siya nasa kabilang kalsada. Ang isang napakagandang babae.
Nakatayo siya sa labas ng gate ng campus, may hawak na phone, may katabing gwapong lalaki, halatang naghihintay sila ng taxi. Hapon na at palubog na ang araw kaya ang sinag nito ay dumadapo sa mukha niya, parang eksena sa pelikula, napanood ko na sa sine ang ganitong tagpo. Yun bang wala kang naririnig, walang nakikita sa paligid kundi ang isang mukhang ngayon mo lang nakita. Wala na ‘yung mga estudyanteng naglalakad na kasabay ko, ‘yung ingay ng jeep at mga busina, ‘yung pawis ko ay biglang tumagaktak. Siya lang ang naiwan sa mundong aking ginagalawan.
Naka loose fit ang white long sleeves niyang uniform. Nakakasilaw ang kulay ng bag niyang may gold accent mukhang mamahalin. Kulay red ang kuko niya. Pati iyon ay napansin ko dahil agaw pansin ang kuko niyang pulang pula. Ang ganda ng pagkakakulot ng buhok niya. parang lahat naman yata sa kanya ay maganda sa paningin ko. Weird pero, ang tipo niya ang hindi ko type. Ayoko sa maarte, ayoko sa babaeng masyadong agaw-pansin. Pero iba ang naramdaman ko para sa babaeng yun.
Pumikit siya sandali habang hinihintay ‘yung taxi, parang nainip na, tapos bahagyang tumiklop ‘yung labi niya. Hindi siya ngumiti, pero nakakatuwa pa rin siyang pag masdan kahit naka simangot. Tapos tumingin siya sa relo niya. Mamahalin din siguro iyon, hindi fake gaya ng suot kong Rolek.
Doon ako parang tinamaan.
Nakatigil pa rin ako sa gilid ng kalsada, pinapanood siya at hindi na ang stop light. Hindi ako makagalaw. Seryoso. First time ko ‘yung ganun. Alam mo ‘yung sinasabi nilang “love at first sight”? Sobra akong nagki-cringe sa salitang yun. Hindi ko akalain na dadating din pala ito sa buhay ko at mararanasan. Pero ‘yung biglang bumagal ang oras, ‘yung parang may musika sa background na hindi mo alam kung saan nanggagaling, tangina, akala ko talaga gawa gawa lang yun ng direktor o ng writer. Pero may ganun pala talaga.
Hindi niya ako nakita. Siyempre hindi. Ako lang ‘yung lalaking amoy araw na naglalakad pauwi. Siya, parang fresh pa rin. Parang hindi siya kabilang sa dami ng ordinaryong estudyante sa paligid.
Dumaan ‘yung taxi at sabay nilang kinawayan ng kasama niyang lalaki ang sasakyan para pahintuin. Pumasok siya pagkatapos ay sumunod naman ang lalaki. Baka boyfriend niya siguro. Pero sana kapatid niya o pinsan. Sinundan ko na lang ng tingin ang taxing lulan sila hanggang sa hindi ko na ito matanaw pa.
Pero ako? Naiwan akong parang tangang naka tunghay sa tabi ng kalsada, nakatitig sa likod ng mga umaandar na sasakyan. At ang tanging nasa isip ko noon, ano kayang pangalan niya? Kailangan ko siyang makilala.
Kinabukasan, hinanap ko agad siya. At nang malaman kong Zebbie ang pangalan niya.
Zebbie Sarmiento.
Talagang inalam ko ang pangalan niya. Isang university lang ang pinapasukan namin, alam ko iyon dahil nakasuot siya ng katulad na uniform ng mga babae kung saan ako nag-aaral.
Hindi ko pa siya kilala noon. Pero kilala na yata siya ng lahat. Popular pala siya, famous. Laging kinakausap at laging gusto siyang kausapin ng kahit sino, mapa-lalaki o babae man. Laging may nakatingin. Minsan, may naririnig akong sabi ng iba, anak daw ito ng may-ari ng isang maliit na supermarket sa bayan, pero hindi sobrang yaman. Hindi rin siya mahirap. Pero ‘pag nagsalita siya, akala mo ay bossy. Yung kilos niya ay posturang postura. Parang model o artista na laging conscious sa itsura.
Parang naging mission ko na makita siya ulit. Marinig ang boses niya. Makita siya tumawa. Lumingon.
Hindi ko alam kung trip ko lang siya, o talagang gusto ko siya. Pero isa lang sigurado ako, mula nung hapon na ‘yon, hindi na siya nawala sa isip ko.
END OF FLASHBACK. . .
Matindi nga pala ang pagkagusto ko kay Zebbie noon na pinaglaban ko siya at inalay ang lahat ng meron ako. Nirespeto ko ang kahilingan niyang virgin until marriage niyang trip.
Pero ngayon, nakahiga siya sa kama namin, walang malay, walang palag, nakaladlad ang mga hita at cleavage. . .
Ito na ang pagkakataon kong gumanti sa lahat ng pasakit na pinaramdam niya sa akin.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.