Chapter 10
Raven's PoV
Ngayon, nakahiga si Zebbie sa kama namin, walang malay, walang palag, nakaladlad ang mga hita at cleavage. . .
Ito na ang pagkakataon kong gumanti sa lahat ng pasakit na pinaramdam niya sa akin.
Tinititigan ko ang kabuuan niya, simula ulo hanggang paa. Ito ang babaeng pinapangarap ko. Dati.
Hindi na ngayon. Kinasusuklaman ko na siya. Kinapopootan. Pinandidirihan. Lumabas na lang ako ng master's bedroom. Iniwan ko si Zebbie na nakahiga, walang malay, hindi ko na siya pinalitan ng damit. Wala na akong amor sa babaeng minsan kong minahal nang buong buo.
Ganun ko minahal si Zebbie that it hurts so much hanggang sa naging manhid na at wala na akong maramdamang pagmamahal o pag-care man lang.
Bumaba ako at natulog sa malawak na sofa ng living room. Ayokong makatabi si Zebbie sa pagtulog. Ni hindi ko na nga siya gustong makita pa. Napabuntong hininga na lang ako habang yakap ng mahigpit ang unan. Hanggang kailan ko ba siya pakikisamahan?
Makipag break na ba ako at palayasin na sa bahay ko? Babawiin ko na rin ba ang kotse na gift ko kuno?
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. . . Na-realize kong kulang pa. Masyado pang maaga. Hindi pa tamang panahon para isiwalat ang mga sikreto. Mas matagal, mas malalim ang sugat, mas masakit. Mas satisfying ang paghihiganti.
= = = = = =
Nagising na lang ako kinabukasan nang maramdaman ko na may nag-aayos ng unan sa aking ulo. Pag mulat ko ay mukha ni Trish ang bumungad sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na binawi ang kamay niya. Nagulat siya sa dahil nagising ako. Nginitian ko lang siya at umatras siya.
“Bakit ka rito natutulog, may kwarto ka naman? Nasisinagan ka na ng araw,” sabi niya sa akin. Hindi siya makatingin sa aking mga mata, halatang guilty of something.
“Ikaw nga dito sa bahay ko natutulog. May bahay ka naman,” sarkastiko kong sagot. Bumangon na ako at umakyat sa master's bedroom. Pagdating ko sa kwarto, naabutan ko si Zebbie na bagong ligo. Naka bihis ng mamahaling pambahay. Konti lang ang mga damit niya pero lahat ay mamahalin kahit pa pambahay.
Naka upo siya sa harap ng vanity table niya at nagbo-blower ng basa niyang buhok. Natigilan siya at nakasimangot. “Bakit hindi ka rito natulog?”
Gusto ko sanang ngumisi at pagtawanan ang sinabi niya at ang kinikilos niya. Umaastang mapagmahal na girlfriend. Eh hindi naman.
“Sorry, Love. Lasing ka kasi. Alam mo na… baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka hindi ko matupad yung hiling mong virgin until marriage,” palusot ko. Pero ang totoo niyan, simula nang nahuli ko sila ni Trish, nandidiri na ako na tumabi sa kanya.
Kahit nga ngayon na bago siyang ligo at sexy ang damit, wala ng talab sa akin. Hindi na ako naaakit.
Nawala na ang kunot sa kanyang noo. Hindi na siya galit. Maaliwalas na ulit ang awra niya. Pumasok na ako sa bathroom para ako naman ang maligo.
“Bumaba ka na sa kusina at nandon na si Trish nakapag handa na ng almusal, susunod na lang ako.”
= = = = = =
Hindi ko alam kung bakit ko pa ‘to ginawa. Siguro gusto ko lang makalayo. O baka gusto ko lang makita kung sino sa kanila ang handang sumama kapag ako ang nagyaya.
“Beach tayo?” casual kong tanong sa gitna ng tahimik naming kainan.
“Are you serious, Love?” tanong ni Zebbie. Alam kong hindi siya tatanggi dahil paborito niya ang beach outing.
“Oo naman. Walo lang tayo. Mga dating tropa natin sa college,” sagot ko.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan “Sige, game. Kailan?” Excited na tanong ni Zebbie. Pero si Trish ay tahimik lang.
Napansin ni Zebbie. “Sumama ka na,” sabi niya kay Trish habang nagkakape kami.
“Di ako sure,” sabay iwas ng tingin ni Trish. “Baka may gawin ako n’on.”
Zebbie tumingin sa akin, parang naghahanap ng suporta. Pero pinili kong manahimik.
“Come on,” lambing ni Zebbie. “You need this. Kailangan mo rin ng hangin. Ano naman ang gagawin mo? Eh wala ka namang work.”
Sa dulo, napapayag rin si Trish. Wala siyang alam, pero ako, alam ko ang dahilan kung bakit gusto kong nandun siya.
Hindi para mag-enjoy. Hindi para mag-relax.
Kundi para masimulan ko na ang tahimik na ganting matagal ko nang kinikimkim.
“So, when are we going to travel?” tanong ni Zebbie.
“Kahit bukas na bukas na.”
= = = = = =
Tatlong oras ang biyahe mula Maynila. Isa’t kalahating oras doon ay halos puro katahimikan habang tinutulugan ng iba ang maalon na daan papuntang Batangas. Pero hindi ako makatulog.
Nasa kanan ko si Zebbie, naka-earphones, nakatingin sa bintana habang nilalaro ng hangin ang rebonded niyang buhok. Paminsan, gumagalaw ang labi niya sa kanta pero hindi siya aware.
“Okay ka lang?” tanong ko, marahang boses. Parang ayaw kong sirain ang tahimik na paligid. Nakaka miss kasi ang mag nature trip.
Tumingin siya sandali, tinanggal ang isang earbud. “Hmm? Yeah. Excited din, actually.”
Tumango ako. Sinungkit ko ang bote ng tubig sa bag at inabot sa kanya. “Hydrate ka. Maalinsangan sa area ng resort sabi nila.”
“Thanks,” sabay ngiti. Tipid lang, pero sapat para mairita ako.
Pagdating sa resort, sinalubong kami ng amoy ng alat at dampi ng hangin na galing mismo sa dagat. Hindi ito mala tourist spot na beach. Walang cemented walkways, walang jetski, walang beach bar. Pero malinis ang buhangin, puti at malambot. At tahimik. ‘Yung tipong pwede kang humiga buong hapon sa lilim ng puno at makalimutang may mundo sa labas.
Nasa walong tao lang kami. Mga kaklase noon, hindi sobrang close lahat pero sapat para walang awkwardness. Common friends namin ni Zebbie noong college. Tamang-tama lang ang dami. Walang ingay. Walang awayan. Lahat mabait at inggit sa katawan.
May dalawang kubo ang nirentahan. Tig-apat sa isa. Pero hindi pa ‘yon problema. Sa ngayon, binaba muna namin ang gamit at sabay-sabay kaming pumunta sa baybayin.
Tumakbo agad ‘yung iba sa tubig. Si Zebbie, nagtanggal ng sapatos, at naglakad papuntang dalampasigan. Hindi siya sumisigaw, hindi siya tumatakbo. Parang ingat na ingat siya sa bawat hakbang. Habang ako naman ay umupo sa buhangin at pinanood siya. Hinanap ko si Trish pero wala siya. Siguradong nasa loob lang siya ng kubo. Introvert kasi siya. Hindi siya sanay makipag halobilo lalo pa at hindi niya close ang mga kaibigan namin ni Zebbie.
Gabi na. Nag-ihaw kami ng isda, nagbonfire. May gitara, may halakhakan. Si Zebbie, nakaupo sa gilid, hawak ang tasa ng kape, tinatapik ang mga lamok sa binti. Nilapitan ko siya at iniabot ang insect repellent.
“Thank you, Love Love. ang pogi mo talaga,” biro niya, sabay spray sa binti.
“Oo naman,” sagot ko, sabay abot ng isa pang tasa ng mainit na kape. “Gabi pa. Mahaba pa ‘to.”
Tumingin siya sa akin. Hindi siya agad nagsalita. Pero ang mata niya, parang may gustong itanong na hindi niya matukoy.
“Thank you,” sabi niya sa wakas.
“Para saan?” tanong ko.
“Sa… pag-imbita. Kailangan ko rin pala nito.”
Napangisi na lang ako at tumingin sa milyong bituin sa langit. Umpisa na ng plano ko. Maghintay ka lang, Zebbie. Malapit ka nang umiyak.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . ,