Chapter 24

1470 Words
Chapter 24 Trisha's PoV Graduation day, lahat yata ng schoolmate ko na ga-graduate ay excited at masaya. Ako lang yata ang hindi. Wala naman dapat ika- excite at ika-saya. Bakit naman ako mae-excite, simpleng araw lang din naman gaya nung isang araw, gaya kahapon, bukas, at sa mga susunod pang mga araw. Bakit naman ako sasaya kung alam kong ako lang ang aattend sa graduation. Yung lahat masaya at may kasamang pamilya tapos ako lang ang mag-isa kaya bakit ko naman kasasabikan ang araw ng pagtatapos. Walang makakapunta sa graduation ko dahil kasabay kong ga graduate ng elementarya ang pinsan ko, natural lang na i-prioritize nila Tita Chona ang anak nila kaysa sa akin na isang sampid. Ang sabi naman ni Tito ay kapag natapos na ang ceremony ng pinsan ko ay dadaanan daw nila ako. Hahabol daw sila. Alam kong sinabi lang iyon ni Tito pampalubag loob. Kaya hindi na ako umasa pa. Sanay naman ako mag-isa. Pagkatapos ng program ang balak ko ay umuwi na lang, diresto ng bahay at matutulog. Gusto kong sulitin ang mga oras na pwede akong matulog maghapon. At ganoon nga ang nangyari sa araw ng graduation. Alam ko naman, malulungkot lang ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga nakakalungkot na eksena na masasaksihan ko. Trisha Yuson, Ikalawang Pinakamataas na May Karangalan Habang umaakyat ako sa stage at tinatawag ng host ang pangalan ko, na dapat ay kasama ko ang aking magulang pero wala eh. Nasa harap ako ng daan- daang estudyante at sa likod ay ang mga nanay at tatay na excited na makita ang mga anak nila na magtatapos, tatanggap ng diploma. Napag handaan ko naman na ang mga ganitong eksena, akala ko ay matatag na ako. Pero nang makita ko ang pares ng mga mata, mapa estudiante o magulang, na nakatingin sa akin, nakaramdam ako ng awa, self-pity. Pilit kong tinatagan pa ang aking dibdib upang pigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hindi dito, hindi sa daan daang mga tao, lalo na sa harap ni Raven, hindi ko hahayaan na makita nila akong umiiyak at kaka-awaan nila ako. Bago pa tawagin ng host sa ikalawang beses ang guardian ko, dali- daling lumapit si Ma'am Alcoba. Siya ang nagsabit ng medalya sa aking leeg. Hinimas himas niya ang buhok ko at ang sinabi niya sa akin ay hinding- hindi ko malilimutan. Dito na pumatak ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan. “I'm so proud of you, Anak. Keep on going.” Isang masigabong palakpakan ang dumagundong sa buong auditorium, pinakamalakas sa lahat ng nagsipagtapos. Masarap pala sa pakiramdam pag pinapalakpakan. . . pinapahalagahan. Ang sumunod naman na tinawag ay si Raven. Siya ang aming valedictorian. Habang umaakyat sila ni Aling Alma stage at tinatawag ang pangalan niya, iyak na ang iyak si Aling Alma. Tumingin ako sa gilid kung saan ang pwesto ni Mang Nelson, abot tenga ang ngiti. Kita sa kanyang mga mata ang pagiging proud sa anak niyang gwapo, matalino, at mabait. Napalaki niya talaga ng maayos s Raven bilang isang mabuting tao. Doon pa lang, makita ko ang saya nila dahil sa achievement ni Raven, doon pa lang, wala akong pagsisisi na ako ay nagpa-ubaya. Pagkatapos ng graduation, naroon lang ako sa sulok habang hinihintay ang in charge sa rentahan ng toga para ibalik ito. Habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos sa pag picture kasama ang buong pamilya. Samantalang ako, kahit isang picture graduation ay wala. Wala naman kasi akong pera para magbayad ng official photographer. Mas mahalaga kasi ang renta ng toga. Ok lang naman kahit walang picture. Sapat na ang medal na salutatorian na hawak ko at diploma ng pagtatapos. Tahimik akong naghihintay sa sulok nang lumapit si Ma'am Alcoba sa akin. Ngumiti ako at nagpasalamat. “Halika, Trish. Kain tayo sa Jollibee,” pagyaya niya. “Ay huwag na po Ma'am. Maraming salamat na lang po.” Agad akong tumanggi sa alok niya dahil nahihiya na ako. marami na siyang naitulong sa akin. “Baka may naghihintay na po sa inyo sa bahay,” sabi ko pa. Hinila niya na ako kaya ako ay napatayo mula sa aking kinauupuan. Kinuha niya na ang hawak kong toga at ibinigay doon sa kaklase ko at inutusan na ibalik sa in charge sa rentahan. “Saglit lang naman ang kain Halika na. Ay kaso, naiihi ako. Saglit lang. Hintayin mo ako riyan sa upuan,” sabi ni Ma'am Alcoba at pumasok na s CR. Ilang saglit lang ay lumapit si Raven sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo ngunit nanatili lang ako sa kinauupuan ko. “Sama ka sa amin, Trish. Kain tayo sa labas.” Ngumiti ang puso ko sa sinabi niya lalo pa nang makita ko sina Mang Nelson, Aling Alma, at ang ate niyang si Ate Arlene na nasa likod at niyayaya akong sumama sa kanila. Pero kahit masaya ako at gusto ko rin naman sumama pero tinanggihan ko ito. Hindi dahil sa ayaw ko pero kasi para iyon sa pamilya nila. Para yun sa achievement ni Raven. Ibibigay ko na lang ang memories na ito sa kanilang pamilya. “Sige na,” pilit ni Raven. “Niyaya rin ako ni Ma'am Alcoba. Kakain din kami sa Jollibee.” Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Raven. Feeling ko lang naman. Syempre, sino ba ang hindi malulungkot kapag tinanggihan. “Ah ganun ba? Sige, Trish. Ingat kayo. Enjoy!” Maya maya ay lumabas na si Ma'am Alcoba galing CR at sumakay kami ng tricycle. Malapit lang naman kasi ang Jollibee sa school namin at marami rin na pamilya na doon kakain bilang treat sa graduate. Hindi ko man kasama ang pamlya ko, maligayang maligaya ang puso ko dahil nariyan naman si Ma'am Alcoba. Siya ang tumayong magulang ko, at least na-experience ko pa rin ang masayang graduation. Ang daming tao, ang haba ng pila sa counter mabuti na lang at isa nang senior si Ma'am Alcoba at may priority lane at isa pa siyang guro kaya pina-una na siya. “Anong gusto mo Anak?’ tanong niya. Nahihiya ako pero ayaw ko naman siya pag hintayin kaya ang sabi ko ay hamburger at spaghetti. Matapos niya ibigay ang order namin sa cashier, pina-upo na kami at ang sabi ay maghintay ng sandali sa table at doon na lang ise-serve ng crew. Saglit lang kaming nag hintay sa pagkain dahil expected na ng manager na marami ang kakain dahil nga graduation kaya nakapag handa na sila. Nagulat ako nang hinain sa amin ang napakaraming pagkain. Burger at spaghetti lang naman ang sinabi ko. “Sa atin po ba talaga lahat 'yan Ma'am?” “Oo. Bakit?” “Inorder niyo na po yata lahat ng nasa menu. Ang dami po. May chicken, fries, at dessert pa.” “Treat ko kasi iyan sa'yo. Minsan lang ang graduation kaya sulitin na” sagot niya. Ngumiti na lang ako ng ubod tamis dahil masaya talaga ako. “Salamat po, Ma'am,” iyon na lang ang tangi kong nasabi. Hindi na ako nahiya at tinkman ko ang lahat ng inorder niya. Fish fillet lang ang kinain niya dahil iyon lang daw ang pwede sa kanya. “I-uwi mo na ang iba kung hindi mo maubos.” Tumango ako at malugod ko yung gagawin. Hindi ko nga nabubos dahil marami ang inorder niya. Kaya binalot ko ang tira at nilagay sa bag ko. “Ano na ang plano mo sa high school?” Natigilan ako at tumingin sa mga mata niya. Ano nga bang plano ko? Hindi ko nga alam kung saan ako magko-college o kahit ano ngang kurso ay hindi ko pa na pag iisipan. Wala naman kasi yata akong balak mag college kaya hindi ko yan naisip. “Baka mag-trabaho na lang po ako Ma'am,” sinsero kong sagot. Biglang malungkot ang mga mata ni Ma'am. “Sayang naman. Napakatalino mo. Ayaw mo ba mag kolehiyo? Maging isang propesyonal?” “G-gusto po. Pero gusto ko na po kasing magkaroon ng sariling pera para bumukod na—” “Anong trabaho naman ang papasukan mo? Hindi sapat ang graduate ng high school para makahanap ng decent paying job. Sabi ko naman sa'yo 'di ba, kung pinagbutihan mo maging valedictorian, secured na ang college education mo. Anyway, saan mo naman balak mag work?” Napayuko na lang ako. Alam kong naiinis siyasa ginawa ko, na hindi ko pinagbutihan. Parang gusto niyang sabihin na "See, I told you." “Sa ganito po, sa mga fast food–” “I'm telling you darling, it doesn't pay the bills.” “Ako lang naman po mag-isa, kakayanin na rin—” “Gusto mo, sa akin ka na lang mangamuhan?” Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD