Chapter 23

1322 Words
Chapter 23 Trisha's PoV High school pa lang kami n Raven ay mahal ko na siya. Hindi ko lang siya basta childhood crush. Siya ang nag-iisa at natatangi kong gusto noon pa man hanggang mamatay na siguro ako. “Thank you, Trish. Ikaw talaga ang angel ko,” sabi ni Raven habang hawak hawak ang magkabila kong kamay at wala siyang pakialam kung nasa gitna man kami ng daan. Kung marami man ang nakakakita sa amin. Doon ko naisip na ganun kahalaga kay Raven ang pabor na hinihingi niya sa akin. Kung ito ang makakapag pasaya sa kanya ay buong galak ko itong gagawin. = = = = = = = = = = = Maaga siya umaalis ng bahay, madilim pa lang ay nasa gym na siya at nagpa practice. Sabay din kaming pumapasok kaya gumigising din ako ng maaga kahit puyat na puyat ako. Para lang masamahan siya sa gym at habang siya ay nagpa practice, doon ko naman ginagawa ang mga assignments namin, ma project, at mga report. Buong puso ko itong ginagawa, masaya naman ako dahil chance ko na rin ito para makasama ko siya. Hindi na ako nagrereview para sa mga exam. Hindi na rin ako sumasagot sa recitations kahit na tawagin pa ako ng teachers. Sinasadya ko na rin hindi i-perfect ang mga quiz. Napansin na rin ng adviser ko na si Ma'am Alcoba ang pagbaba ng grades ko at isang araw, bago mag lunch break ay tinawag niya ako at sinabing puntahan ko raw siya sa faculty room bago ako mag lunch. Kinakabahan ako nang pinatawag niya ako. Kinakabahan man ako dahil alam kong tungkol sa pagbulusok ng grades ko at poor class interactions. Ganun pa man, hindi naman ako sobrang takot na takot dahil si Ma'am Alcoba ay mabuting guro. Hindi lamang siya isang adviser kundi ramdam mo talaga na may malasakit siya sa aming mga estudyante niya. May katandaan na ang edad niya at malapit na siya mag retiro. Kaya nang nasa harapan na ako ng pinto ng faculty room ay humingang malalim muna ako bago ako kumatok ng tatlong beses at pumasok sa loob. Naroon si Ma'am Alcoba naka-upo sa desk station niya, nag hihintay sa akin at nakangiti. Ang sabi nila, siya ang pinaka terror teacher noon, strikta, at masungit. Iyon ay sabi sabi lang ng mga naunang batch. Sa akin kasi ay mabait siya. Siguro dahil magre-retire na siya kaya ganun. Sawa na siyang ma-high blood at ma-stress sa mga estudyante niya. “Maupo ka, Trisha,” sabi niya at tinuro ang upuan sa tapat ng desk niya. Walang ibang tao sa silid kundi kami lang dalawa. Sumunod naman ako kahit medyo nahihiya ako. Hindi kasi ako sanay ng kinakausap. Lalo pa ng mga nakakatanda. Parang may mabigat akong kasalanang nagawa, iyon ang lagi kong pakiramda. Pilit na ngiti lang ang bati ko sa kanya at pinilit na tumingin sa kanyang mga mata kahit na ang gusto ko sana ay yumuko na lang. “Good- good m-morning po, Ma'am. Ano pong nagawa ko, Ma'am?” “Relax ka lang. Kumain ka na ba?” tanong niya. Ngumiti lang ako dahil hindi pa ako kumakain. Ayaw kong magsinungaling. Ayaw ko rin naman magsabi ng totoo dahil baka humaba pa ang usapan namin at kaawaan niya ako. Binuksan niya ang drawer niya at nilabas niya ang isang paper bag. May tatak ito ng sikat na ihawan. Ang bango bango ng amoy ng inihaw na manok o barbeque. Nakakagutom. “O sa'yo na 'to Anak. Kainin mo pagtapos natin mag-usap.” Nagulat ako at kusang napangiti. Ang bait ni Ma'am Alcoba. “Thank you po, Ma'am,” sagot ko. Hindi na ako nahiya pa at tinanggap ko na. Para kasing binili niya talaga iyon para sa akin. “Ito po ba, Ma'am? Kaya po ninyo ako pinatawag?” nahihiya kong tanong pero napatawa na lang siya. “Ah no, no. Gusto lang kitang maka-usap.” Seryoso na ang mukha niya at parang bigla akong kinabahan. Mukhang totoo nga ang mga sabi sabi na siya ay terror. Nakakatakot ang mga mata niyang matalim kung tumitig. “Trish, may problema ka ba, anak?” Napa lunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot. Kung problema ang tanong niya ay napakadami kong problema. Problema ko ang buong buhay ko. “Sayang ang talino mo.” Napa tikom na lang ang aking bibig. Mukhang tama nga ako ng hinala tungkol sa mababa kong grades ang concern niya. “Sayang ang grades. Sayang ang future. Bakit pababa nang pababa ang grado mo? Ano bang problema? Araw araw ka naman pumapasok. Tahimik na nakikinig. Masipag ka gumawa ng projects at assignment pero bakit ngayon kung kailan last period na ay saka ka naman tumigil mag improve?’ Hindi ko siya sinagot Paano ko naman kasi 'yun sasagutin? Hindi ko naman pwedeng sabihin na ipinapaubaya ko na ang lahat kay Raven. Ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil kay Raven. “Anak, sayang. Alam kong iniwan ka na ng mga magulang mo. Hindi rin maayos ang trato sa'yo ng tita mo. Alam kong madalas kang walang baon. . .” Napangiti ako ng mapait. Alam pala iyon ni Ma'am Alcoba. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Para kasing napakalaking kasalanan ang ginagawa ko. “Makinig ka, Anak. Tumingin ka sa akin. . .” Nang sinabi iyon ni Ma'am Alcoba ay hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Para kasing nangongonsensya niya ang mga mata niya. Parang naawa siya sa akin na tila ba ako ang pinaka nakaka-awang nilalang sa mundo. Alam ko namang masyado lang akong madrama at sensitive pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Higit sa lahat, tinatawag niya akong anak na para ko siyang nanay na kinakausap ako ng heart to heart. “Anak, pilitin mong mag aral ng mabuti. Pilitin mong maging valedictorian dahil bukod sa financial assistance na matatanggap mo, may privilege kang ma-grant ng full scholarship sa prestigious state universities na gusto mo. Magagamit mo ang credentials mo pag nakapag tapos ka na at makaka kuha ka ng magandang trabaho at makaka-ahon ka na sa hirap. Ngayon pa lang, pagsikapan mo nang maging valedictorian. Dahil isa lang ang slot para sa full scholarship at may bonus pang monthly allowance—” “Pero Ma'am,” sabat ko at natigilan siya. Lumunok muna ako para malinaw kong masambit ang gusto kong sabihin. “Ma'am. Si Raven. . .” Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Raven. kaya agad akong nagsalita para linawin. 'Ma'am, mas deserve ni Raven ang maging valedictorian, ang scholarship. . . May pamilyang umaasa na magiging valedictorian siya. May nanay, tatay, mga kapatid siya na matutuwa kapag nakuha niya ang mga bagay na 'yan. Ako wala. Wala namang makaka appreciate ng medal, ng mataas kong grades, Ma'am. Mag-isa lang ako, Ma'am—” Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng mga luha ko. Ngayon ko lubos na naramdaman ang katotohanan ng buhay ko na mag-isa lang ako. Para saan pa at magpakahirap para abutin ang pagiging una sa klase kung ako lang naman ang matutuwa? Hinawakan ni Ma'am ang kamay ko at pinisil ito. Ngumiti lang siya sabay sabing “ako, Anak. Matutuwa ako kapag nagsikap ka at makikita ko na successful ka na sa buhay. Kaya huwag kang susuko Anak. Huwag mong iisipin na nag-iisa ka.” Sa wakas at may naniniwala sa akin at pinapahalagahan ang buhay ko. Pero desidido na ako. Pinaubaya ko kay Raven ang pagiging valedictorian. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para suklian ang kabutihan ng pamilya niya sa akin. Hindi lang ang pagiging valedictorian ang sinuko ko para kay Raven. Kundi pati ang pagka babae ko. Pagkatapos ay si Zebbie lang pala . . . Si Zebbie pala ang mahal niya at pinag alalayan niya ng lahat ng meron siya. Ang babaeng hindi siya pinahalagahan. Kaya simula noon ay nagbago na ako. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD