Chapter 6

1231 Words
Chapter 6 Raven’s PoV “Raven… anong ginagawa ni Trisha rito?” Nanginginig ang boses ni Zeb nang makita niya kami ni Trish na nag uusap ng masinsinan doon mismo sa kama namin. “Ah Love, ano eh—” pilit kong mag palusot kuno. “No! Don't tell me–” “Love, I will explain –” Nangingilid ang luha niya habang nakatingin kay Trisha. Lalong sumiklab ang galit ko dahil alam ko naman na kay Trish siya nasaktan at hindi sa akin. Si Trish ang mahal niya at hindi ako. Nakakanginig ng laman dahil pakiramdam ko, ako ang lumalabas na kabit dito at hindi si Trish. Ako ang kabi sa mismong pamamahay ko? Pero imbis na ipakita ang galit ko, gagamitin ko ito para maghiganti. Hindi pa sapat ang nakikita ni Zeb. Kulang pa ang sakit. Kumbaga ay galos pa lang ang natatanggap niya. Nagsisimula pa lang ako. “Love, ganito kasi…” “What!” hiyaw niya at tuluyan nang umiyak. Pinilit kong magmukhang malungkot at kunwari ay guilty kahit na sa kaibuturan ng puso ko ay masayang masaya ako dahil nakita ko na ang pagluha ng babaeng nanakit sa’kin. “Love… bakit ka ba nagagalit? Ano bang iniisip mo? Gusto ko lang manghingi ng suggestion kay Trish kung paano ka isu-surprise ngayong birthday mo,” sabi ko at niyakap siya. Nakita ko pa sa mga mata niya bago ko siya yakapin, na kumalma na siya. Stupid, naniwala naman agad. Pero mas estupido pala ako dahil mas madali niya akong nauto, niloko ng ilang taon, at patuloy na niloloko. Paunti-unti siyang lumambot at hindi na nanlaban pa. Kumalas na ako sa pagkakayakap. Hindi ko na kasi siya matagalan. Parang napapaso na ako sa balat niya at mapaglinlang na pagkatao. Pinawi ko pa ang luha niya sa kanyang mga mata kahit na gusto ko na siyang sakalin. “Na-surprise talaga ako, Love,” sabi ni Zebbie na humihikbi pa. “Anyway, thank you, Love. I got my gift na. Ok lang ba na Porsche Macan ang pinili ko?” Bigla na lang nawala ang hikbi niya at napalitan ng kislap ng mata nang maalala ang kotse na binili niya gamit ang pinag hirapan kong pera. Porsche pa talaga ang pinili. Wow, ang tindi, almost four million worth iyon. Ok lang sana kahit gaano pa yan kamahal hanggat kaya ng budget pero ang hindi ok ay yung ginagago niya ako tapos may gana pang limasin ang pinaghirapan ko. Certified gold digger. Bakit hindi ko nakita ‘yon? Ganun ba ko naging bulag sa pag-ibig? Well, sa akin naman talaga ang kotse na 'yon, siya lang ang pumili. lyon siguro ang surprise ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumisi. “Wala ba akong kiss diyan?” Napa sulyap siya kay Trish. Hindi niya na tuloy alam kung anong gagawin. Pilit kong kinubli ang galit ko. Kailangan ko pa magtimpi. “Kiss lang naman. Ayaw mo yata. Bawiin ko na lang yung kotse.” Kumunot ang noo niya at umirap. “Raven! Nakaka-inis yang ganyang biro.” Hawak ko pa rin ang mukha ni Zebbie nang magtagpo ang mga mata namin. Pinulupot ko ang bisig ko sa kanyang bewang pero gusto niyang makawala. Kaya hinalikan ko siya. Pumalag siya, pilit akong tinutulak palayo, pero lalo ko pang nilaliman ang halik, siniguradong makikita ni Trish ang bawat segundo nito. Gusto kong malaman kung may mararamdaman siya. Kung masasaktan siya. And I'm pretty sure, she is. "Raven, ano bang ginagawa mo?!" galit na singhal ni Zebbie nang tuluyan niya akong naitulak. Mabilis niyang pinahid ang labi niya, parang naduduwal sa ginawa ko. Tsk. Mas nandidiri ako. “What's the problem with that? Halik lang naman yon. Si Trish lang naman “yan.” Pinunasan ko ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki, pagkatapos ay dahan dahan na lumingon kay Trish. Doon siya nakatayo, walang imik, pero kita ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay. Napangisi ako. Ayos. Ganyan nga. Pinagloloko niyo ako. Mag gaguhan tayo. "Anong problema, Trish?" tanong ko, pa-inosente kahit na alam kong naiparating ko na sa kanya ang pang iinis ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga, pero imbes na sumagot, mabilis siyang tumalikod at lalabas na ng kwarto. “Oh, labas na ko. Mukhang gagawa na kayo ng baby.” Napa kunot ang noo ni Zeb, parang gusto niya pang sundan si Trish para suyuin at magpaliwanag. Hinila ko ang braso ni Zeb at tumitig sa kanyang mga mata ng matiim, tila ba nagbababala. Nakipag titigan siya sa akin, hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin. “Happy birthday, Love.” Binitawan ko na ang braso niya at medyo bumaba na ang tensyon sa pagitan namin. Ngumiti na rin siya kahit na pilit. Gusto ko pa sana sirain ang birthday niya pero dahan dahan lang, kalma, nagsisimula pa lang. “Ayaw mo bang irampa yung bagong kotse? Test drive ba. . .” sabi ko at bigla niyang naalala na may bibisitahin na pala siya. “Yes, Love. Oo nga pala. May get together kami ng mga friends ko. Of course gonne flex my new baby,” masaya niyang sagot at aligaga pa dahil bigla niyang naalala ang mga kaibigan niya. Buti pa yung kotse mas gusto pa i-flex kaysa sa akin. “Pwede ba akong sumama?” anong ko pero alam ko naman ang sagot kaya bago pa siya makapag salita ay inunahan ko na siya. “Ah puro nga pala kayo babae. Sige next time na lang. Enjoy your day, Love.” Nilabas ko ang wallet ko mula sa aking bulsa at kinuha ang debit card. Muli ko na naman nakita ang kinang ng kanyang mga mata. Hindi na nag tagal sa kamay ko ang card dahil dali dali niya itong hinablot. Hinalikan niya ako sa pisngi at agad na lumabas ng kwarto. Pasimple ko lang siyang sinundan. Dumiretso siya sa guest room. Syempre yayayain niya si Trish na sumama sa kanya para magparty party kasama ng friends niya, gamit ang perang pinaghirapan ko, Wow naman, sige lang. Huling birthday naman niya na na may mahuhuthot siya sa akin. Nasa malayo pa lang ako ay rinig ko na ang galit na boses ni Zebbie. Lover's quarrel? Napangisi na lang ako. Pero deep inside, sa likod ng ngiti ko ay ang mapait na katotohanan na niloloko ako ni Zebbie, napakasakit. Hindi yata sila nagkaunawaan at mula sa malayo ay nagtago ako sa likod na pinto sa kabilang kwarto. Padabog na lumabas si Zebbie ng guest room. Bumaba na siya ng hagdan at dali- daling pumunta sa garahe at pinaharurot na pinaandar ang kotse. Sinilip ko pa siya mula sa veranda papalayo. Sinundan ko ng tingin ang kotse na minamaneho niya hanggang sa wala na siya sa paningin ko. Naiwan kami ni Trish sa bahay. Naglakad ako papunta sa guest room na ilang hakbang lang. Palabas na sana si Trish ng pintuan nang hinarang ko ang sarili kong katawan para hindi siya makalabas ng kwarto. “Rav, tumabi ka nga…” Tinulak tulak niya ang dibdib ko para bigyan ko siya ng daan. Pero imbis na umatras ako ng hakbang ay hindi ako natinag at nanatili lang sa aking kinatatayuan. Pinulupot ko ang bisig ko sa kanyang bewang. “Sarap ng sx natin kagabi. Tamang tama, dalawa lang tayo ngayon,” bulong ko sa kanyang tenga. . ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD