Chapter 29 Trisha’s PoV END OF FLASHBACK. . . “Ano na nangyari after no'n? I won't deny it. Talaga namang head over heels ako kay Zebbie back then.” tanong ni Raven matapos kong ikwento ang intro ng kung paano kami nagkakilala ni Zebbie. “Nang makita kita sa university na kasama si Zebbie na sobrang sweet, hindi ko inaasahan na ganun pala kasakit na makita kang kasama ang ibang babae. Parang . . .parang gumuho ang mundo ko.” Nahihiya akong aminin kay Raven yon, lalo pa at narinig ko ang mahina niyang hagikgik. “Sobrang flattered naman akong marinig 'yan direkta galing sa'yo.” “Oo na. Ganun ka kagwapo,” sabi ko na may kasama pang irap. “Bakit naman may irap pa?” “Kasi…” mahinang sabi ko. Naging seryoso na ang paligid. Nakakahiya naman kasing sabihin na naiinsecure ako ng malala k

