Chapter 28

900 Words
Chapter 28 Trisha’s PoV Hindi ko mapigilang ngumiti habang hawak ko ang papel ng dean’s list certificate. Naiyak ako dahil alam kong matutuwa si Mama Len dahil ito ang goal namin. Dali dali akong umuwi para iparating kay Mama Len ang magandang balita. Nasa kusina siya at pag pasok ko ay bumungad agad ang masayang ngiti ni Mama Len at sa hapag naman ay napakaraming pagkain. Nag abala pa talaga siya na mag handa. “Ma, may bisita po ba kayo?” tanong ko. “Wala. Para sa ating dalawa yan. O kung may kaibigan ka pa o classmate, school mate na gustong invite, sabihan mo na.” “Wala naman po, Ma. Alam niyo naman na introvert ako, malala.” Ngumiti lang siya at niyaya na akong kumain. Ngunit nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Nangingilid ang aking luha at agad itong napansin ni Mama Len. Lumapit siya sa akin at sinuri ang aking mukha. "may masakit ba sa iyo, Anak?” Bigla ko siyang niyakap. ”Salamat po sa lahat, Mama Len. OK lang po ako. tears of joy. pasensya na po at dean's lister lang ang naabot ko,” bulong ko sa kanyang tenga. Tinapik-tapik lang niya ang likod ko at tumawa. “Ano ka ba naman anak. Mataas nang karangalan iyan, I'm so proud of you. Hindi ko naman hinahangad na maging president's lister ka dahil nangangamuhan ka sa akin. Tahan na anak at kumain na tayo. Let's celebrate.” “Sorry po, Mama Len. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Sobrang saya lang na may natutuwa sa achievement ko. Inaalay ko po sa inyo ang anumang tagumpay ko.” = = = = = = = = = = = = = “Mama Len, totoo ba ‘to? Pwede akong pumunta sa university nina Raven?” tanong ko, nangingilid ang luha ng saya. Kasi naman kinaumagahan, ang bumungad agad sa akin ay ang letter ni Mama Len na nagsasabing gumala naman kami. Hindi lang natatapos doon, palagi naman kaming namamasyal at kumakain sa mall kapag may oras at extrang pera. Pero ang supresa niya ay papasyal kami sa university nila Raven. After a year na hindi kami nagkita ay makikita ko siyang muli. Tumango si Mama Len bilang pag kumpirma sa tanong ko, hinaplos ang aking buhok. “Oo, anak. Reward ko ‘yan sa sipag at tiyaga mo. Alam kong matagal mo nang gustong makita si Raven.” Kumabog ang puso ko. Hindi ko na mapigil ang excitement. Nagbihis ako ng maayos, nag-ayos ng buhok, at siniguradong okay ang itsura ko. Ini-imagine ko na kung paano siya magugulat kapag nakita ako. Iniisip ko pa nga kung ano ang sasabihin ko. “Hi, Raven! Long time no see!” o kaya ay “Raven, na-miss kita.” But I doubt kung masabi ko iyon. Nakangiti akong naglakad papunta sa university nila. Malapit lang, sabi ni Mama Len, kaya wala pang isang oras, nandoon na ako. Kasama ko si Mama Len. Sa tapat ng campus, nakita ko agad ang pamilyar na bulto niya. Kahit na isang taon kaming hindi nagkita. Malalaman at malalaman kong siya yon. Ang height niya, ang gupit ng buhok niya, ang paraan ng pagtawa niya, hindi ako maaaring magkamali. Si Raven nga. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang babagsak ang mga bitbit kong paper bag na laman ay binili namin ni Mama Len. Pero bago pa ako makalapit, biglang may lumapit na isang babae sa kanya. Ang ganda. Maputi, mahaba ang buhok, naka-uniform pero mukhang sosyal. Napatingin ako habang tinatapik ni Raven ang ulo ng babae, sabay tawa. Niyakap pa siya nito mula sa gilid. Parang may biglang bumagsak sa dibdib ko. Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada, hindi makagalaw. Ang saya na kanina kong nararamdaman, biglang nawala. Ang mga planong linya na sasabihin ko sana na memorize ko sa isip ko ay biglang naglaho. Naumid ang aking dila. Ang mga iniisip kong eksena, na magugulat siya, matutuwa, at yayakapin ako ay biglang lahat nag-laho na parang bula. Nakangiti siyang nakatingin sa babae, hawak ang balikat nito. Hindi ko pa nakitang ganoon kalambing si Raven kahit kailan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May kirot sa lalamunan ko, pababa sa aking puso, parang hindi ako makahinga. Bitbit ko pa rin ang paper bag sa kamay ko, pero ngayon, mabigat na parang bato ang laman ng mga ito. Tumingin ako sa paligid. Gusto kong umatras. Gusto kong bumalik kay Mama Len na nasa faculty room dahil may bibisitahin siyang kaibigan. Gusto kong sabihin sa kanyang nagkamali ako. Na mali ang umasa. Na mali ang umasa pang may puwang pa ako sa puso ni Raven. Huminga ako nang malalim, pinilit kong ngumiti kahit na ramdam kong nangingilid na ang mga luha ko. “Ayos lang ‘to, Trish,” bulong ko sa sarili. “Reward lang ‘to. Hindi mo naman sinabi kay Mama Len na gusto mo ng fairy tale ending.” Pero kahit anong tapang ang ipakita ko, hindi ko maitatanggi ang totoo na winasak ni Raven ang puso ko. Pero hindi natapos doon ang pag ibig ko kay Raven. Akala ko nga ay makaka move on na rin ako. Pero hindi pala. Lalo lang lumala ang pagnanasang siya ay maangkin kaya tinuloy ko ang plano ko. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . . SALAMAT PO SA PAG SUBAY BAY AT MGA NAG BABASA. Comment PLS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD