Chapter 27

1280 Words
Chapter 27 Trisha's PoV Ang sarap magkwentuhan sa ilalim ng malamig na kalangitan na puno ng bituin sa gabing tahimik kasama ang taong mahal mo at sana nagmamahal din sa'yo. Hindi naman ako umaasa na mamahalin din ni Raven gaya ng pagmamahal niya kay Zebbie. Tanggap ko naman. Kung sarili ko ngang mga magulang ay hindi ako minahal, ang ibang tao pa kaya. Ang presensya lang ni Raven ay sapat na para maramdaman ko kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Masaya na ako na hawak niya ang kamay ko at ang ulo ko kay naka sandig sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay payapa ang mundo. Masarap pa ring mabuhay. Pinagpatuloy ko ang pag kwento kay Raven kung ano ang nangyari pagkatapos ng graduation namin sa high school. Hindi na kasi kami nagkita pa noon. Naging abala kami sa mga preparasyon sa college. Lalo na si Raven dahil luluwas siya ng Maynila dahil naroon ang pinaka prestihiyosong kolehiyo sa bansa. May kalayuan ang Maynila sa lugar namin. Gustuhin man niyang mangupahan sa isang boarding house pero hindi niya maiwan ang kanyang pamilya. Kaya ang naisip niyang solusyon ay makitira sa tito niya pag may pasok at tuwing weekend ay uuwi siya sa bahay nila. Trisem pa naman ang kinuha niyang kurso na Engineering. Siksik na siksik ang schedule niya. = = = = = = = = = FLASHBACK . . . “Gusto ko focused ka lang sa pag aaral. Kalimutan mo na si Raven.” Ganun nga ang ginawa ko. Nag focus ako sa pag aaral gaya ng gusto ni Ma'am Alcoba. Pero ang kalimutan si Raven ay hindi ko magawa. Mahirap iyon gawin. Sobrang hirap. Pero dahil sa kabaitan ni Ma'am ay pinilit ko siyang sundin. Pina-intindi niya sa akin na hindi pa huli ang lahat. Bata pa ako. Marami pa ang naghihintay sa akin. Marami pa ang makikilala. Marami pang darating. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na binibigay niya sa akin. Bukod sa makakapag aral pa ako ng kolehiyo, makakawala pa ako sa pang aabuso ng tyahin ko. Higit sa lahat, may makakasama ako na nagmamahal sa akin. Give and take kami ni Ma'am Alcoba pero mas higit ang benepisyo ko. Naniniwala ako na guardian angel ko si Ma'am. Siya ang pinadala ng langit para kahit papano ay magkaroon ng direksyon ang buhay ko, may gagabay, may mag mamalasakit, may magmamahal. Sa totoo lang, hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga nangyari sa bahay ni Ma’am Alcoba noong kinupkop niya ako. Sixteen na ako noon, bagong graduate ng high school, nangamuhan bilang all-around kasambahay at caregiver sa kanya kapalit ng pagpapa-aral sa kolehiyo. Kahit mahirap ang buhay, hindi ko naramdaman na pinahihirapan ako ni Ma’am. Mabait siya, marunong makiramdam, marunong magpasalamat. Parang tunay na anak na nga ang turing niya sa akin. Dalawa lang kami sa bahay. Hindi kalakihan ang bahay pero maaliwalas, may maliit na garden sa harap at konting halaman sa loob. Madalas ay nag-aalmusal kaming magkasabay, tahimik lang, pero ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin. Hindi niya ako tinuturing na parang alila. Kahit ako ang naglilinis, nagluluto, namamalantsa, pero hindi ko naramdaman na alipin ako sa bahay niya. Kapag may free time ako, pinapaupo niya ako para magpahinga. Minsan pa nga, binibigyan niya ako ng libro o chocolate bilang maliit na regalo. Madalas din kami mag bake. Bonding na namin iyon. Tinuruan niya ako kung paano magluto ng masarap. Alam ko, swerte ako sa kanya. Iba ang naririnig ko sa ibang kasambahay na grabe kung sigawan o pagalitan ng amo. Kay Ma’am Alcoba, kung nagkamali man ako, kalmado siyang magpaliwanag. Hindi niya ako minura o sinaktan. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng respeto sa kanya at ginusto ko pang pagbutihin ang ginagawa ko. Kaya kahit na pagod ako galing school ay hindi ko pinapabayaan ang mga trabaho ko sa bahay. Kung noon nga ay pinapagod ko ang sarili ko dahil sa takot na baka bugbugin ako ngayon pa kaya na ginawa ko ang isang bagay out of love. Nagpapasalamat ako dahil habang nagsisikap ako para sa pag-aaral, ramdam ko na may kasama akong naniniwala sa akin. Madalas sa gabi, naiisip ko na sana makahanap din ako ng ganitong kabait na tao sa hinaharap, yung marunong tumanaw ng pagod at sakripisyo, at handang umalalay sa nangangarap. Kaya kahit minsan, kapag naiisip ko ang lahat ng pinagdaanan ko, bumabalik sa isip ko ang panahon ko kay Ma’am Alcoba. Doon ko unang natutunan na ang pagtitiis at pagsusumikap ay may kapalit na tagumpay at kaginhawaan. Ngayon, habang iniisip ko ang mga nangyari, hindi ko mapigilang ngumiti ng konti. Ang dami ko nang pinagdaanan mula noon. Pero siguro, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako basta sumusuko ngayon, ay dahil naramdaman ko noon kung paano maging ligtas sa isang bahay. malayong malayo sa naging buhay ko sa piling ng mga totoo kong magulang at sa tyahin. Kung sino pa ang hindi ko kadugo, siya pa ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Kaya bilang ganti, hindi ko man gusto ang kursong Nursing dahil ang nais ko talaga ay maging teacher gaya ni Ma'am Alcoba pero para sa kanya ay Nursing ang kinuha ko. Para na rin maalagaan siya ng tama kapag tanda niya, yun bang hindi na siya makalakad dahil sa katandaan. “In demand ang nurse sa ibang bansa. Isa pa, magaling kang mag alaga, bagay na bagay sa'yo. Isa pa, maraming gwapong nursing students. Baka makapangasawa ka pa ng gwapong doktor. Ay nakakakilig. Ayaw mo ba no'n?” pabirong sabi ni Ma'am Alcoba at humalakhak. Tuwang-tuwa siya at kilig na kilig. Palibhasa, ang yumao niyang asawa ay dating tricycle driver na lasinggero, nambubugbog. babaero. Kaya nakaka relate siya sa buhay ko. Gusto niyang protektahan ang gaya ko dahil sa sarili niya ay hindi niya ito nagawa. Ngiti lang ang tugon ko sa kanya habang nililinisan ko siya ng kuko. Hindi ko naman ito trabaho pero dahil mahal ko siya, this is my simple way of saying 'thank you' at ‘I love you'. “Mama Len, sa pelikula lang yan o kaya sa wa**pad ang mga ganyang istorya.” Mama Len na ang tawag ko sa kanya dahil ito ang gusto niya dahil siya naman ang guardian ko at iyon ang totoo niyang pangalan. “Hoy hindi ha. Maraming ganyan sa totoong buhay. Malay mo sa iyo na ang susunod.” Natawa na lang ako dahil hindi na ako umaasa pa. “Hindi ka ba naniniwala? Palibhasa, engineer kasi ang gusto mo.” Napakapit ako ng mahigpit sa knipper. Buti na lang at hindi ko naisagad sa kuko niya. Si Mama Len talaga, kung ano ano naiisip. “Mama Len! Muntik ko na ma-murder kuko mo! Bigla bigla ka na lang kasi nagsasalita ng ganyan. Si Raven ba 'yan? Ikaw yata ang hindi makalimot sa kanya.” Sabay na lang kaming tumawa. “Napaka gwapong bata, mabait, matalino. Hindi kita masisisi kung siya pa rin.” “Mama Len!” hiyaw ko dahil naiinis ako sa pang aasar niya sa akin. Kahit totoo naman. “Malilimutan mo rin siya. Kapag nakita mong may iba na siyang mahal,” seryosong sabi ni Mama Len at bigla na lang napalitan ng lungkot ang kaninang halakhakan namin. Hindi totoo ang sinabi niya na kung makikita ko si Raven na may iba nang gusto ay makakalimutan ko na ito. Dahil isang araw, nakita ko si Raven, kasama si Zebbie. . . Imbis na kalimutan si Raven, lalo lang siyang tumatak sa puso't isip ko. Kaya may nagawa akong mga bagay na hindi ko dapat gawin. Pero sa ngalan ng pag-ibig . . . Ginawa ko ang hindi dapat. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD