Chapter 26

1017 Words
Chapter 26 Trisha's PoV “Gusto ko focused ka lang sa pag aaral. Kalimutan mo na si Raven.” Paulit-ulit 'yon sa isip ko sa mga oras na 'yon. Hanggang ngayon na nakapag tapos na ako ay nasa alaala ko pa rin iyon. END OF FLASHBACK. . . “Ok ka lang ba, Trish? Kanina ka pa natutula.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Raven. Oo nga pala, nasa kalagitnaan kami ni Raven sa pag kain ng dinner. Ang layo na ng nilakbay ng isip ko. Ang dami ko na palang pinag daanan. Ang daming nag flashback dahil lang sa kinakain naming spaghetti, fried chicken, at nuggets. “Ah ok lang, Rav. Ang dami ko kasing naaalala,” pag-amin ko. “Gaya ng?” “Noong mga bata pa tayo. Saka si Ma'am Alcoba. Kilala mo pa ba siya?” “Oo naman. Adviser natin noong fourth year. Ano meron sa kanya?” “Wala naman. Naaalala ko lang siya.” “Ok. Hindi mo talaga siya malilimutan. Favorite ka niya eh. Teacher's pet.” Napatingi na lang ako. May katotohanan naman ang sinabi niya. “Oo nga pala, ang huling balita ko sa'yo noon, inampon ka niya. Ano na nga palang nangyari? Bakit. . . Bakit naging ganon?” Nag-aalangan siyang itanong ang tungkol doon. Alam ko kung ano ang gusto niyang itanong. Tungkol pa rin kay Zebbie. “Kung ano ang nangyari sa akin nang naging guardian ko si Ma'am Alcoba?’ “Ahm oo…Saka kung ano pa nangyari noon—” “Kung paano kami nagkakilala ni Zebbie? Ganun ba?” Tumango lang siya at naunawaan ko naman. Tumayo na ako dahil tapos naman na kami kumain. “Halika na, uuwi na ako.” Tumayo na rin si Raven at sinundan ako palabas ng fast food. Tumayo ako sa pintuan ng kotse niya, doon sa passenger's seat. Hinintay ko na buksan niya ang pinto. Hinintay ko rin siyang pumasok sa loob ng kotse nang naka upo na ako sa tabi niya. Bago niya buhayin ang makina ng kotse, tinanong muna niya. “Trish, bago kita ihatid sa tinutuluyan mo, can I take you somewhere serene? Yun bang tayong dalawa lang sa mundo, makakapag usap?” Kung saan man iyon ay bahala na siya. Pumayag na lang ako. = = = = = = = = = Inabot kami ng isang oras sa byahe. Malayo layo ang nilakbay namin. Mukhang nag out of town kami. Long ride, hindi ko inaasahan. Wala sa plano pero ok na rin. May oras kami ni Raven na mag unwind at mag-usap na kami lang dalawa. Dinala ako ni Raven sa isang maliit na kubo sa gilid ng lawa, malayo sa ingay ng lungsod. Tahimik ang paligid, tanging mga huni ng ibon at banayad na hampas ng hangin sa mga dahon at puno ang maririnig. Ang hangin ay malamig, may kasamang bango ng damo at tubig. Naupo kami sa isang lumang bangkong kahoy, at sandaling dinama ang katahimikan na matagal ko a rin gustong maramdaman. “Dito mo ba dinadala si Zebbie kapag gusto mong mapag-isa,” biro ko, pilit tinatakpan ang kaba at selos sa dibdib ko. Nilingon niya ako, seryoso ang mukha. “Hindi… ikaw lang,” mahina niyang sambit. Napalunok ako. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o sa mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang ako lang ang babae sa mundo. Huminga ako nang malalim at nagsimulang magsalita. “Alam mo bang bata pa lang ako, ang dami ko nang dinanas na sakit at hirap?” Kinuyom ko ang kamao ko, pilit hinahanap ang tamang mga salita. “Broken family. Bullied. Pinaasa. At hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin yun.” Tahimik lang si Raven, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa tabi ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Tuloy-tuloy lang akong nagsalita, dahan-dahang inilalabas ang mga kwentong matagal ko nang kinikimkim. “Pinaasa? Ako ba 'yan?” Napa ngisi na lang ako. Ngayon niya lang ba talaga yon nalaman? Sobrang manhid. Ah, hindi, sadyang minahal niya lang talaga si Zebbie. “Ayaw mo ba talagang ikwento kung ano ang nangyari sa'yo after high school?” Bumuntong hininga na lang ako dahil mukhang determinado talaga si Raven na malaman ang nakaraan. “Sige. Makinig ka sa kwento ko.” Pinisil niya ang aking kamay at pinagmasdan namin ang mga bituin sa malawak na kalangitan. “After ng graduation, inalok ako ni Ma’am Alcoba na mangamuhan sa kanya. Pumayag ako pero meron siyang kondisyon..” “Anong Kondisyon?” “Na kakalimutan daw kita.” Napatingin si Raven sa akin nang marinig niya iyon. “Paano naman nalaman ni Ma'am. . . I mean, anong kinalaman ko . . .” “Kasi ganito “yon. . .” Huminga ako ng malalim bago ko aminin ang matagal ko nang tinatago at akala ko ay habambuhay na ibabaon sa nakaraan. “Raven, kinausap ako noon ni Ma'am Alcoba na kailangan kong pagbutihan para maka graduate ng valedictorian dahil maraming benefit kapag ako ang naging valedictorian. Pero . . .” “Pero?” “Naalala mo noon pinaki-usapan mo ako na gumawa ng assignments, projects, reports mo? Simula no'n, tinigil ko na ang magsikap. Pina-ubaya ko na ang pagiging valedictorian. Alam yon ni ma'am kaya ganun ang naging kondisyon niya. Alam niyang distraction ka sa pag.aaral ko—” “Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Well, I'm flattered na ganon pala ang tingin mo sá’kin. Ganoon mo ako pinahalagahan.” Pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. “By the way, salamat sa lahat, Trish. Sorry -” “OK na yon, that was already in the past. At saka may kapalit naman. Naging guardian ko si Ma'am Alcoba at nakapag tapos naman ako.” “So, apparently ang sagot mo sa kondisyon niya ay ‘oo’?” “Hindi naman. . .” “Paano nga kayo nagkakilala ni Zebbie?” “Ito na nga iku-kwento ko na, sabat ka kasi nang sabat.” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD