At gaya nang napag-usapan ni Bettina at ng kaniyang ina, ito na mismo ang nagpaalam sa kaniyang Itay tungkol sa part-time niya. Hindi man ito pumayag noong umpisa, ngunit nang malaman nito na kay JE siya magtatrabaho ay napahinuhod na rin ito. Iyon nga lang, sa kondisyong kasa-kasama niya si Trina. Walang pag-aatubili namang pumayag ang kaniyang kaibigan nang malaman iyon. Kaya heto sila ngayon, magkasamang bumabyahe patungong Maynila. “Hindi ka pa abswelto sa ginawa mong pambubuking sa akin. Akala mo ba nakalimutan ko na iyon?” paingos na wika niya rito. Malapit na sa bus station sa Maynila ang sinasakyan nila, kaya’t ilang saglit na lang ay mararating na nila ang studio ni JE. Pero kibuin-dili niya ito, dahil hindi pa rin mawala-wala sa isip niya kung paano siya nito ipinagkanulo. “B

