“Let’s go,” ani JE na nagpabalik ng mga tingin niya sa binata. “S-Saan?” Gulo ang isip ngunit, hindi naman niya tinanggihan ang kamay nito. At nang magsag-op ang mga palad nila, tila may kung anong kuryente na nanulay mula sa kamay nito papunta sa kan’ya. And it gives warmth to her heart. Kagat-labing tahimik na sumunod siya sa binata. She knew she was blushing. And she knew na alam iyon ng lalaki kahit na nakatalikod ito sa kan’ya. He was just being nice and trying to be a little gentle to her. Dahil alam nitong lalo siyang mahihiya rito. Binuksan ni JE ang salaming pintuan at pumasok sila roon. He grabbed the chair and let her sit there. Pagkuwa’y ito na mismo ang naglagay ng headphone sa kaniyang ulo. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi kiligin. Sino ba namang hindi kikiligin

