Ang malamyos niyang tinig ang sumalubong kay Bettina pagbaba niya sa may studio. Kanina pa sila sa bahay ni JE, pero wala pa rin yatang balak na lumabas ang lalaki. Ang sabi naman ni Marlon sa kanila ni Trina ay hindi raw umalis ang lalaki. He just stayed on his studio since this morning. When she finally reached the last stairs, she saw him sitting on a chair while holding a guitar. Nakasuot ito ng headphone kaya hindi siguro nito narinig ang pagdating niya. Idagdag pa na pinatutugtog din nito ang recording na ginawa niya kahapon. Matagal niyang pinagmasdan ang lalaki mula sa likuran. Pero kahit pala nakatalikod lang ito, he could still capture anyone’s heart. He could still capture her heart. Naramdaman siguro nitong may nagmamasid dito kaya napalingon ito sa kinatatayuan niya. Kim

