“At saan ka pupunta? Hindi pa naman kayo tapos mag-usap,” nakataas ang isang kilay ni Trina habang pigil-pigil sa braso si JE. “Wala na kaming dapat na pag-usapan pa. Because right now, all I ever wanted is to get, you two, out of my sight!” mariing tugon nito. Pero sa halip na pakawalan ni Trina si JE ay hinatak pa nito ang lalaki sabay batok sa ulo. Napatda si Bettina sa ginawa ng kaniyang kaibigan. At nakadama s’ya ng takot nang makitang naglabasan ang mga ugat sa leeg ni JE, kasabay nang paniningkit ng mga mata nito. “And who the hell are you to do that on me?” nag-iigting ang mga bagang na baling nito kay Trina. Ngunit hindi nagpatinag si Trina. Nakahalukipkip na hinarap nito ang binata. “Gusto ko lang namang alugin ’yang utak mo, dahil sobrang kakitiran ay nawawala na sa katwi

