“A-Are you. . . serious?” kandautal na tanong ni Bettina kay JE. She saw him nodded, bago s’ya hinila papunta sa backstage, dere-deretso sa isang sulok. May hinugot ito sa likurang bulsa ng pantalon at iniabot iyon sa kan’ya. “This is my personal calling card. Nariyan ang address ng studio na pag-aari ko. But it was not the same studio na ginagamit ng buong banda sa mga recordings and practices namin. More private. Alam kong hindi ko na kailangan pang idetalye ang tungkol sa bagay na iyon sa iyo. You do your research long time ago,” makahulugang tugon nito. Namula ang mukha niya. Totoo iyon. Kung avid fan ka ng The Hermits, alam mo ang lahat ng bagay tungkol sa kanila. Mula sa standalone agency ng mga ito, na si JE mismo ang CEO, kung saan ang address niyon, kung sino ang PA ng bawat i

