Wala sa sariling sinundan ni Bettina ng mga mata ang itinuturo ni Jessica. Napatayo pa s’ya at lumapit sa may bintana upang makita iyon nang husto. Kaya't ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita kung sino ang naroon na kumakausap sa inay niya. Agad niyang nabitawan ang hawak na cell phone at hindi malaman kung ano ang gagawin. “T-Totoo ba ang nakikita ko, Ate? O nananaginip lang ako?” hindi pa rin makapaniwalang tanong sa kan’ya ng kapatid, bago binalingan ang malaking poster na nakadikit sa dingding ng kanilang silid. “Pero imposible naman iyon, Ate. Bakit kamukhang-kamukha naman yata siya nitong idolo s***h crush mo?” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya at sa poster. Ngunit, tila wala s’yang naririnig sa sinasabi nito. Wala sa sariling napaatras s’ya sa kinatatayuan nang

