Muli ay naghiyawan nang malakas ang mga tao. At ang lahat ay nakapokus ang tingin sa paggigitara ni JE.
JE is a very talented person. He can sing, play any instruments, compose and write songs, and sometimes he even dance. May nag-o-offer din dito na gumawa ng teleserye at pelikula pero tinatanggihan ang mga iyon ng lalaki. Para kasi rito, mas matimbang pa rin ang tawag ng musika sa puso nito.
“Ohh. . . ohh. . . hmmm. . .” paghimig ni JE habang nakapikit.
Nangingislap ang mga matang napatitig na lang dito si Bettina. And when JE opens his eyes, he directly looks at her.
Bigla naman siyang kinabahan nang husto. Pakiramdam niya may nais ipakahulugan ang mga titig nitong iyon. Para bang may nakikita siyang assurance doon. And something like recognition.
Ngunit, para saan?
But that thought immediately fade away when he started singing the first stanza, while still looking at her.
“One day I dreamed of you,
Lying beside me and hold me through,
I don’t really know if I hold on this too,
Cause I want to believe that you are true.
Yeah. . . hmmm. . .
It’s hard to believe that I am longing,
Amid to this beautiful world I am hiding,
And waiting for you has never been so easy,
Because it kills me, deep down inside of me.”
JE continued singing habang sinasabayan ng mga manonood. And she’s so impressed how he can dominate the crowd with a song they just recently released.
“Let me see you,
Let me feel you,
Let me hold unto you,
Yes, Baby. . . it’s only you. . .
Somewhere, Baby. . .
I know you’re out there,
Waiting the right moment to appear,
But Baby make it fast, cause I’m scared,
Scared of this loneliness
I might face forever. . .
If you could see me as I am,
Will you be afraid?
If you could see me as I am,
Will you dare to love me?
Cause I know I am willing to sacrifice everything,
Just for you to be with me, Baby. . .”
At nang matapos na ang buong kanta ay malakas na nagpalakpakan ang mga tao.
“Thank you! Thank you so much everyone!” malakas na sabi ni JE bago nag-bow kasama ang mga kabanda nito sa harap ng maraming tao, na ang iba ay sumisigaw pa ng isa pa.
Halos wala namang patid sa pagpalakpak si Bettina sa gilid ng stage, habang pinagmamasdan ang grupo ng mga ito hanggang sa makababa. Nang mawala ang ito sa kaniyang paningin ay nangingislap ang mga matang tumingin siya sa napakagandang kalangitan na magkalapat ang mga kamay sa dibdib.
“Salamat po. Maraming-maraming salamat po talaga. . .” parang sirang wika niya. Wala kasing pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya nang mga sandaling iyon. And this kind of opportunity for her is worth being thankful for.
May ilang sandali rin s’yang nanatili sa ganoong posisyon nang may kumalabit sa kan’ya. Paglingon niya sa kan’yang may bandang likuran ay nakita niya ang assistant ni Rene na si Sandy. May kasama itong isang lalaki na mabilis niyang nakilala. Ito ang P.A. ni JE na si Marlon.
“Salamat nga pala rito,” nakangiting wika ng babae at iniabot ang mga hiniram ng mga ito kanina.
“Walang anuman,” aniya at kiming ngumiti sa mga ito.
Tumango ang dalawa sa kaniya bago nagpaalam. S’ya naman ay tumalikod na rin para umuwi. Natitiyak niyang madaling-araw na siyang makauuwi sa kanila.
Pero bago umalis sa venue ay isang sulyap muna ang ginawa niya roon. Baka ilang araw din s’yang hindi makakatulog dahil sa napakagandang pangyayaring iyon sa kaniyang buhay. This will become her most memorable experience so far and it will be on top of her lists.
Nakangiting huminga s’ya nang malalim bago binuhay ang makina ng scooter. And, maybe, she was really blessed that evening, dahil sa tapat pa niya mismo dumaan ang van na pagmamay-ari at s’yang sinasakyan ni JE. And the window was wide open kaya kitang-kita niya ang lalaki sa loob niyon.
Habol-tinging inihatid niya ang papalayong sasakyan bago niya nakuhang paandarin ang scooter habang pasipol-sipol.
“Ahh. . . !” malakas niyang sigaw na may halong kilig.
High na high pa rin siya sa mga kaganapang iyon ng buhay niya, at hindi na niya mahintay pang ikwentong lahat iyon kay Trina.
“Siguradong mamamatay sa inggit ang isang iyon,” ngingiti-ngiting sabi niya.
*****
“Hello. . . ?” namamaos ang tinig na wika ni Trina mula sa kabilang linya. Halatang nagising ito mula sa tawag niya.
“Trina. . .” nagpapanic na sambit niya.
“Betty?” tanong nito na tila tuluyan ng nagising.
“Oo. . . ako nga ito. Anong gagawin ko ngayon, Trina? Tumirik ang scooter ni Kuya Joey,” nag-aalalang wika niya habang palinga-linga sa kinaroroonan. Maghahating-gabi na at wala na halos dumadaang sasakyan doon.
“Ano!?” bulalas nito. Narinig pa niya ang mabilis nitong pagbangon sa higaan. “Bakit tumirik? Siniguro naman ni Kuya na ayos iyan bago natin gamitin, ah.”
“Eh, hindi ko rin alam. Wala naman akong alam magkumpuni ng ganito.”
Huminga nang malalim ang kanyang kaibigan.
“Okay. . . huminahon ka,” anito at sandaling natahimik. “Teka, nagpa-gas ka ba kanina?” tanong nito.
“Gas? Hindi. Wala ka namang sinabi, eh.”
Napataltak naman ito.
“Hay, naku! ititirik ka nga niyan. Kalahati na lang kasi ang laman niyan kanina, kaya malamang wala ng gas ’yan. Alam mo namang malayo ang San Mateo kaya natural na masasagad ang laman niyan,” nanenermong saad nito.
Napakamot s’ya sa ulo.
“Eh, anong gagawin ko ngayon?”
“Nasaan ka na ba?”
“Malapit pa lang sa boundary ng San Mateo,” tugon niya.
“Boundary! Ang layo mo pa pala!” palatak nito.
“Alam mo naman siguro kung paano ako magmaneho.”
Alam niyang napapailing na lang ang kaniyang kaibigan mula sa kabilang linya, habang nakikinita sa isip ang mabagal niyang pagpapatakbo.
“Hay naku, Bettina de Leon! Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa ’yo o maaawa, eh.”
“Maawa ka na lang, please. . .” nakikiusap na sagot niya. “Maghahating-gabi na at malilintikan ako kapag hindi ako nakauwi nang maaga sa amin. Tapos wala pa naman gasinong bahay sa lugar na ito,” nagpapaawa pang dagdag niya.
“Kuh! Makukurot talaga kita pag uwi mo rito mamaya!” kunwa ay naiinis na wika nito.
Pero alam niyang alalang-alalang na rin ito sa kan’ya.
“O, sige, ganito na lang. . . hanap ka ng bahay d’yan. Malayo pa ang gasolinahan d’yan sa lugar mo, kaya mas maigi pang makahanap ka ng pwedeng matutuluyan ngayong gabi. Siguro naman may maaawa sa’yo kahit isa, dahil mababait naman ang mga tao rito sa ’tin. Delikado kasi kung sa daan ka magpapaumaga,” paliwanag nito.
Napabuntonghininga s’ya.
“Ano pa nga bang magagawa ko?” aniya bago luminga sa paligid.
“O, s’ya, sige na. Bago ka pa lalong gabihin d’yan sa daan. Humanap ka na ng aampon sa ’yo ngayong gabi. Ako na bahalang magpaliwanag kay Kuya Joey. Pero dapat agahan mo ang uwi, dahil baka hindi pa sumisikat ang araw ay naririto na si Mang Pedring. Pareho tayong malilintikan ‘pag nagkataon,” paalala nito.
Tumango naman s’ya.
“Sige. . . Bye. Good luck sa akin,” aniya.
“Good luck talaga sa iyo. Pero mag-iingat ka, ha. Bye. . .” At pinatay na nito ang telepono.
Ibinalik ni Bettina ang cell phone niya sa dalang bag, bago dahan-dahang itinulak ang scooter sa gilid ng daan. Mabuti na lang at kahit probinsya ay may mga poste naman ng ilaw ang gilid ng kalsada. Ang problema na lang talaga niya ay maghanap ng bahay na magpapatuloy sa kan’ya sa gabing iyon
“Lord, sana naman ay may tumanggap sa ’kin. Mabuti naman ho akong tao, hindi ba?” malakas na dalangin niya habang palinga-linga sa paligid.
At mula nga sa di-kalayuan ay nakatanaw siya nang isang bahay. Abot-abot ang dasal niyang sana ay mabait ang may-ari niyon.
Pagtapat niya sa gate ay nag-aalangan pa siyang tumawag. Baka kasi tulog na ang mga tao roon at makagambala pa siya. Ngunit bukas naman ang ilaw sa buong paligid, pati na sa loob ng bahay kaya lakas-loob siyang tumawag.
“Tao po! Tao po!” malakas niyang tawag.
Ilang sandali siyang nakiramdam pero wala namang lumalabas doon.
“Tao po! Tao po!” muli niyang tawag.
Ngunit ganoon pa rin. Wala pa ring lumalabas na kahit na sino sa loob ng bahay na iyon. Kaya naman laglag ang mga balikat na dahan-dahan siyang naglakad papalayo roon.
Subalit, hindi pa man siya masyadong nakalalayo ay narinig niyang bumukas ang gate na bakal. Napatigil s’ya at nakangiting mabilis na humarap pabalik sa pinanggalingan.
At ganoon na lang ang pagkatigagal niya nang makita kung sino ang nakatayo roon.