TORETE

1315 Words
At ganoon pala ang ma-starstruck sa iniidolo. Bigla ay nablangko ang isipan ni Bettina at parang sasabog ang kaniyang dibdib sa lakas ng t***k ng puso niya. Halos hindi s’ya humihingang napatitig na lang dito, lalo na na’t maging ito ay ganoon din ang ginawa. They stayed staring at each for a moment. Tila may kung anong mahikang bumalot sa mga katauhan nila at ni pagkurap ay hindi nila magawa. At kung hindi pa s’ya siniko ni Rene ay hindi pa yata babalik ang isip niya sa kasalukuyan. Nahihiyang binawi niya ang mga mata rito at wala sa sariling napakapit sa tali ng kaniyang bag, sabay kagat sa ibabang labi. Pakiramdam niya anumang sandali ay bigla na lang bibigay ang kaniyang mga tuhod, dahil sa epekto ng lalaki sa kan’ya. And Bettina couldn’t help but felt very anxious nang maramdaman niyang hindi pa rin inaalis ni JE ang mga mata nito sa kan’ya. Halos manuot ang mga titig nito sa kaniyang kaloob-looban. Kaya naman hindi niya maiwasang tignan itong muli. And when their eyes met again, parang tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo. For the second time around, she got mesmerized by his gorgeous look na tila hindi yata nababawasan sa pagdaan ng panahon. “Nasaan na ang camera mo, hija?” Ang pukaw sa kan’ya ni Rene. Napaigtad siya at natatarantang kinuha ang camera sa bag. Iniabot niya iyon nang walang imik kay Rene. “O, sige na. Tumabi ka na kay JE,” anito sabay tutok ng camera sa kanila. Napatingin s’ya sa lalaki na tila wala yatang balak alisin ang mga mata sa kaniya. Seryosong-seryoso ito at hindi man lang ngumingiti. Nag-aalangang dahan-dahan s’yang tumabi rito. She made sure na may space pa rin ang mga katawan nila dahil baka hindi naman gusto ng lalaki na may ibang madikit dito. “Okay! Ready. . .” ani Rene. Napatingin naman s’ya rito. “Okay! One. . . two. . . three. . .” At kasabay ng pagkislap ng camera ay naramdaman niyang dumikit sa kan’ya si JE na labis niyang ikinagulat. Awang ang mga labing napatingin s’ya rito. Hindi naman ito nagsalita. “Okay. One more!” muli ay si Rene. Lumunok muna s’ya bago muling humarap sa camera. Ang init na nagmumula sa balat ng lalaki ay naghahatid nang milyong-milyong boltahe nang maliliit na kuryente sa kaniyang buong katawan. At lalong pinabibilis niyon ang abnormal na t***k ng kaniyang puso. Matapos silang picturan ni Rene ay lumapit na ito sa kanila. “Ah, JE. . . baka naman pwede mong pirmahan itong mga CD’s ni—” Lumingon ito sa kan’ya. “Ano nga palang pangalan mo, hija?” tanong nito. “H-Ho? Ahmm. . . Bettina po. Bettina de Leon,” nahihiyang tugon niya at hindi makatingin ng deretso kay JE. Walang imik na kinuha ng lalaki ang mga CD’s sa kan’ya. Sandali pang nagtama ang mga kamay nila na bahagya pa niyang ikinapitlag. Halos hindi rin s’ya humihinga habang hinihintay na matapos ito sa pagpirma. At halos mabaliw-baliw na s’ya ng masamyo ang napakabango nitong amoy. Pinaghalong mint at woody iyon na nagpalakas pang lalo sa taglay nitong kagwapuhan. “Anything else?” sa wakas ay tanong nito na sa kaniya nakatingin. Muntik pa s’yang mapapikit nang marinig ang normal nitong tinig. Parang wala namang ipinagbago. Musika pa rin iyon sa kaniyang pandinig. “Hija?” untag sa kan’ya ni Rene nang manatiling nakatitig lang s’ya sa lalaki. Nagulat pa s’ya at namumula ang pisnging tiningnan ang mga ito sa nagtatanong na mga mata. Bahagyang natawa si Rene. “Iba talaga ang hatak mo sa mga fans mo JE! Natutula ang mga bagets kapag kaharap ka!” biro nito. Lalong namula ang kaniyang mga pisngi. “Kung wala ka ng kailangan, I’ll be back on my tent,” anito bago sila tinalikuran. Habol ang tinging marahan lang s’yang tumango. Nakaramdam s’ya ng panghihinayang sa dibdib nang tuluyang mawala ito sa paningin. “O, hija, quits na tayo. Mamaya ko na lang ibabalik sa ’yo ang mga hiniram ko. And you could stay here if you want o doon sa gilid ng stage. Marami pa akong gagawin kaya maiwan na muna kita rito,” ani Rene. “Sige po,” nakangiting tugon niya rito. Nanatili pa s’ya sa backstage nang ilang sandali. Maya-maya pa ay nakita niyang lumabas na sa kani-kanilang mga tent ang limang myembro ng banda para sa paghahanda sa ikalawang set. At hindi niya napigilan ang sariling obserbahan ang mga ito. Si Pete na s’yang drummer ay palaging nakangiti at very approachable sa mga fans. Si Gino na siyang lead guitarist ay medyo may pagka-punk kung manamit at umasta. Si Felix na bassist ng grupo ay may pagkatahimik, pero ito ang itinuturing na pinakamabait sa lahat. Si Aira naman na s’yang nasa keyboard ay ubod ng ganda at sexy. Kaya nga ito ang prinsesa ng grupo. Pinakabata rin ito sa lahat. And of course, ang pinakainiidolo niya—si JE. Ang vocalist ng banda na tinitilian ng maraming kababaihan, bata man o matanda. He garnered a lot of fans from different ages, because of his charismatic look and his beautiful voice; na hindi nakasasawang pakinggan. Mapapapikit ka talaga kapag ito na ang kumanta. Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya napigilang tingnan si Aira, pagkuwa’y ang sarili niya. Napakalayo ng itsura nilang dalawa kung ihahambing sila sa isa’t isa. The woman was very sophisticated while she was just a typical probinsyana girl. Nakasuot s’ya ng lumang maong na pantalon, naka-t-shirt, lumang sneakers at nakaipit nang hindi maintindihan ang kaniyang may kahabaan na buhok. Nakasuot din s’ya ng salamin sa mata na para sa kan’ya ay nakababawas ng ganda. Ni wala s’yang kahit anong kolorete sa mukha kundi polbo. While Aira on the other hand was wearing spaghetti strap shirt, na pinaibabawan ng bulaklaking polo. Naka-shorts ito nang maiksi, naka-heels, maganda ang pagkaayos ng buhok, naka-makeup, at mukhang kaybango-bango at fresh na fresh tingnan. Parang hindi man lang ito pinagpawisan sa naging performance ng mga ito kanina. Nasisiguro niyang kung madidikit s’ya rito ay magmumukha s’yang alalay nito. Di hamak naman kasi na mas maganda ito sa kan’ya. At hindi nalalayong magugustuhan ito ni JE. At muling bumalik sa isipan ang nasaksihan kanina. Nagkukutkot ang kaloobang tumalikod s’ya sa mga ito nang mapansing nakatingin sa gawi niya si JE. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung makatitig ito sa kan’ya. Para bang may nagawa siyang malaking kasalanan dito na hindi niya maintindihan. Mariin niyang ipinilig ang ulo at pinili na lang magtungo sa gilid ng stage, upang panoorin ang mga ito. Hindi naman lumipas ang sandali ay lumabas nang muli ang lima mula roon. And everyone was having the best time of their lives. Talon dito, talon doon. Kanta dito, kanta doon. At hindi rin magkamayaw ang sigawan sa buong paligid Si Bettina naman ay laging nakatutok ang mga mata kay JE. And every time he looks on her side ay para siyang sira na kilig na kilig. Kasi feeling niya, sinasadya talaga iyon ng lalaki. “I would like to thank everyone who came here tonight in a very short notice,” ani JE sa manonood na saglit na natahimik at matamang nakinig dito. “Kung hindi n’yo ho naitatanong ay mahal na mahal ko ang lugar na ito. Everybody knows that my roots came from here, kaya hindi ako magsasawang balik-balikan ang lugar na ito. At kung nabitin kayo ngayong gabi, huwag ho kayong mag-alala, because I plan to hold another concert here,” dagdag pa nito at malakas namang nagsigawan ang lahat ng tao sa paligid. “At itong huling kakantahin namin ngayon ay ang bagong single namin na kalalabas lang last week. The title is called Somewhere. And if you know the song, please sing with us. . . Let’s go!” At pumikit ito kasabay nang pagtipa sa gitara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD