AMY "Sean!" Makaraan ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakatatanggap ng sagot mula sa kaibigan ko sa loob ng bar, na kanina ay walang hinto sa panghihingi ng tulong sa akin. "Anong gagawin natin? Hindi na nagsasalita 'yung kaibigan ko sa loob..." nanlulumong sabi ko pagkatingin ko sa lalaking hinila ko papunta rito. "Wala ka bang dalang susi riyan? Nagtatrabaho ka ba rito?" usisa niya sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nagtanong niyon. "Sa tingin mo ba eh manghihingi pa ako ng tulong sa iyo kung may dala rin lang naman akong susi?" pabalang na tugon ko sa kanya, hindi ko makontrol ang sarili kong bibig. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang paraan kung paano ko mailalabas si Sean sa kanyang kinaroroonan. "Hmm..." Nakahawak siya sa kanyang baba at tila ba'y nag-iisip na

