Chapter Seven

2126 Words
INIS na ipinatong ni Ethan ang hawak na cell phone sa lamesa matapos niyang makipag-usap kay Celine. She really pissed him off. "Problem?" tanong ni Lance sa kanya. Kasalukuyan silang nasa birthday party ng isang sikat na fashion designer na kapwa nila kaibigan. "Si Celine." "What about her?" Inubos muna niya ang laman ng hawak na bote ng beer bago sinagot ang tanong ng kaibigan. "Celine suddenly accepted work abroad without telling me. Kababalik lang niya tapos umalis na naman." "Nagkaayos na ba kayo?" tanong pa ni Lance. "Isa pa 'yan. Pinagseselosan n'ya si Daena. Hindi man lang muna niya pinakinggan ang paliwanag ko bago umalis." "I heard my name. Ano ulit iyon?" tanong ni Daena na biglang lumipat sa table nila mula sa kabilang table. "Pinagseselosan ka raw ni Celine," tugon ni Lance. "Wow! Ang ganda-ganda ko naman para pagselosan ng isang supermodel," manghang sabi nito. "Lasing ka na yata, Daena," puna niya Ethan sa babae. "I'm just enjoying the night." "Nakaalis na ba ang pinsan mo?" pag-iiba niya ng usapan. "Noong isang gabi pa po. Hindi mo ba napanood sa news?" Nagkibit-balikat siya. "Hindi siya babalik this year o kahit pa sa susunod na taon kung iyan ang gusto mong malaman." "Bro, totoo bang naging classmate n'yo ni Kuya Fran si Tamara?" curious na tanong ni Lance bago pa siya makapag-react. Si Daena ang mabilis na sumagot. "Yes, and more than that." Humagikgik si Daena. "Pareho pa nilang first love ang isa't-isa." "Really?" gulat na sambit ni Lance. "Oh, you didn't know. Naglilihiman na pala kayong magkaibigan ngayon." Hindi nagustuhan ni Ethan ang narinig. Hinarap niya ang kaibigan, hinawakan sa braso. "I think you better go home, Daena. Lasing ka na. Ihahatid na kita." "Killjoy, c'mon let's dance. Gawa tayo ng news para lalong magselos girlfriend mo." Napasunod na lang siya hilahin siya ni Daena patungo sa dance floor. "See you around, Lance. Mamaya mo na ako isayaw, ha?" pahabol pa nitong sabi bago siya binalingan at binulungan. "Come with me, may sasabihin ako sa'yo." Salubong ang mga kilay na nagpahila siya kay Daena. Kailangan nga nilang mag-usap nang sarilinan para sitahin ito. Nilagpasan nila ang dance floor. Lumabas sila sa pinto hanggang sa makarating sa malawak na hardin. May mangilan-ngilang bisita ang naroon pero hindi nila pinansin ang mga ito. Pumuwesto sila sa pinakadulong bahagi ng hardin. "What about it, Daena?" nayayamot niyang tanong. "I saw Lance and your girlfriend kissing," walang pasakalyeng sabi nito. Nabigla siya sa narinig. Hindi kaagad nakapagsalita. "Si Lance and Celine?" "Yes." "Lasing ka na talaga." "Tipsy lang ako pero hindi pa ako lasing. I had to be like this para magkalakas-loob akong sabihin ang nakita ko." Humugot nang malalim na hininga si Daena bago nagpatuloy. "I saw them kissing the other night. Nakita ko sila sa labas ng unit ni Celine. Magkatabi lang ang unit namin, 'di ba? Para silang walang mga pakialam kung may makakita sa kanila sa ginagawa nila dahil ang tagal nila roon sa labas. They went inside the unit later on. And you may think what happened next." Napailing siya. "That's impossible." Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?" "Hindi magagawa ni Lance na traydurin ako," mariin niyang sabi. Lalo siyang nainis dito. "Nagawa na niya, Ethan. At bakit naman ako magsisinungaling? Matagal na tayong magkaibigan. Alam mong hindi ako nag-aaksya ng oras sa walang kuwentang bagay. Concern lang ako sa 'yo dahil nagmu-mukha ka nang tanga sa panloloko ng girlfriend at ng kaibigan mo." Umiling-iling si Ethan. "Imposible." "Ang ibig mong sabihin, hindi ka niniwala sa sinasabi ko. At gumagawa lang ako ng kwento, ganoon ba?" "Daena, siguro nagkamali ka lang ng interpretasyon sa nakita mo. O baka hindi sina Lance at Celine ang nakita mo. O baka lasing ka rin noong gabing iyon." "Sigurado ako sa nakita ko, Ethan. Hindi ako magpapakababa nang ganito para lang sa kasinungalingan. Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala," mataas na ang boses na sabi ni Daena. "I'm sorry, Daena. Pero mas matagal kong kaibigan si Lance." "Huwag kang mag-sorry sa akin, Ethan. Dahil mas nalulungkot ako para sa 'yo. Hindi magtatagal mawawalan ka na ng girlfriend at best friend o kahit pa ako," galit na sabi nito at iniwan siya. Sinundan lang ng tingin ni Ethan ang papalayong kaibigan. Hindi siya mag- aaksyan ng panahon na habulin ito. Daena was just concern. Pero sigurado siyang nagkamali lamang ito sa nakita nito. Madalas ay ginagabi ito sa trabaho at pagod na pagod na kung umuuwi. Hindi pa man ganoon katagal ang relasyon nila ni Celine, tiwala siyang hindi siya magagawang lolokohin nito. Ganoon din si Lance. "I UNDERSTAND, Daena. I'll just wait you here in two days. Bye," sabi ni Tamara sa pinsan. Ginulat niya si Daena nang tawagan niya ito at yayaing sumunod sa kanya sa Palawan para magbakasyon. Pero dahil sa trabaho ay dalawang araw pa bago ito makakasunod sa kanya. Okay lang iyon dahil isang linggo pa naman siyang mananatili sa Club E Resort. At biglaan din naman ang imbitasyon niya. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang pakitaan siya ni Laura ng plane tickets patungong Pilipinas. At sa ayaw at gusto niya ay sasama siyang magbakasyon dito sa isang private resort sa Palawan. Laura loved the beaches in the Philippines. Tatlong buwan na ang nakalilipas magmula nang magtanghal siya sa Pilipinas at katatapos lang din ng tour niya sa Latin America kaya wala siyang naidahilan para tumangging sumama. Going back in the Philippines was not a big deal to her after all. Hindi man sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap ni Ethan noon, at least nalaman niya na nakapag-moved on na ito dahil sa pagkakaroon nito ng girlfriend. At siya ay isa lamang baliw na patuloy pa ring nagmamahal dito. But she can go on from there. And she will not going to see a shrink. Sa paglipas ng panahon, naniniwala siya na magagawa rin niyang makalimutan si Ethan Escobar. Kailangan lang niyang itigil ang panonood sa show nito. Much better kung iiwas muna siya sa internet. Laura was there to help her, too. Pati na rin si Johannes na naghihintay lang na muli niyang bigyan ng atensyon. Kahapon lang sila dumating ni Laura sa resort na iyon ngunit kinailangan nitong umalis kaninang umaga at umuwi sa Germany dahil naaksidente ang daddy nito. Gusto sana niyang samahan ang kaibigan ngunit tumanggi ito dahil ligtas na naman daw sa panganib ang daddy nito at gusto lang itong makita. Iginiit ni Laura na manatili siya sa lugar. Iminungkahi nitong tawagan niya si Daena para may makasama siya. At iyon nga ang kanyang ginawa. Ibinaba ni Tamara ang hawak na cell phone at inilibot ang tingin sa paligid. Indeed, the place was such as paradise. Hindi pahuhuli sa ganda ang lugar sa mga resort na nabisita niya sa ibang bansa. Pinagsawa muna niya ang mga mata sa magandang tanawin bago nagpasyang bumaba para kumain sa restaurant ng resort. Mabilis na dumating ang in-order ni Tamara na Filipino dishes. Kaagad siyang kumain. The food was superb. Na-enjoy niya nang husto ang pagkain kahit na nag- iisa. May ilang napapatingin sa gawi niya. Halatang nakilala siya ng mga ito kahit na medyo naiba na ang hitsura niya. Ang dating brownish niyang buhok na maikli ay pinaitiman niya at nilagyan ng extension. Pinaahitan din niya ang kanyang mga kilay kaya nagmukha siyang mataray. Bago siya matapos kumain ay may ilang tila hindi na nakatiis na lumapit para magpa-picture at humingi ng autograph na malugod niyang pinaunlakan. Nilibot niya ang lugar pagkatapos. Nang sumunod na araw ay pinagsawa niya ang sarili sa paglangoy sa beach, pagbabasa ng baong mga libro at pagtulog. Ikalimang araw na niya sa resort nang lumapit sa kanya ang isang matangkad at guwapong lalaki. "Oh my God! I can't believe it. Is that really you, Tammy?" Nagulat siya at hindi kaagad nakapagsalita. Iilan lang ang tumatawag sa kanyang "Tammy." The guy must be her former friend. He was actually very familiar. Tinitigan niya ito nang husto. Nagliwang bigla ang mukha niya nang makilala ito. "Fran?" "Great, naalala mo pa ako," halos hindi makapaniwalang sabi nito. "Yes, it's me, Franzen Jason Ocampo. Classmate tayo noong high school." "Exactly!" natutuwa niyang sabi. Naging malapit silang magkaibigan noon dahil mabait si Fran at matalik na kaibigan ni Ethan. Magaling din itong tumugtog ng gitara. Madalas silang mag-jamming noon tuwing vacant period nila. Pabirong tinapik pa niya ito sa balikat "Your face almost didn't change. Guwapo ka pa rin. Ilang babae na ba ang pinaiyak mo?" Natawa si Fran. "A compliment from the music goddess. Thanks, but no one. Good guy ako alam mo 'yan." Nakangiting tumango si Tamara. "What are you doing here anyway? Sino'ng kasama mo?" "I'm on vacation here, alone. Pasunod pa lang kasi si Daena. At ikaw sino ang kasama mo? Naging kayo pala ni Daena, ah." Noong high school sila ay hindi man lang niya naisip na magkakaroon si Fran ng relasyon sa pinsan niya. Close na ang dalawa noon pa man at lumalabas silang apat nina Ethan pero talagang magkaibigan lang ang turingan ng dalawa sa isa't-isa. "Intrigera ka na rin ngayon, huh? Oo, naging kami nga ni Daena. She was my last girlfriend before I married my wife. Hiniwalayan kasi ako ng pinsan mo tapos nakilala ko si Angela. I'm happily married now with kids." "Halata namang masaya ka, eh. Kasama mo ba ang asawa mo?" "Yes. Nagbabakasyon din kami rito. Nasa kuwarto pa siya at nagso-shower. Anyway, I'm sorry. We didn't get a chance to watch your concert here. Dinalaw kasi namin noon sa Germany ang parents ng asawa ko. But we watched one of your concerts in London. You were great." "Talaga? Thanks!" Matagal pa silang nag - usap ni Fran. Nang imbitahan siya nitong mag - lunch kasama ang asawa nito ay hindi siya tumanggi. NAISIPAN ni Ethan na dumiretso na sa condo unit ni Celine pagdating niya mula sa Tagaytay. Kaninang umaga lang ito dumating mula sa series of shows nito sa Italy. He missed her so much and he couldn't wait to see her. Sa unang pagkakataon ay ginamit niya ang ibinigay na duplicate key ng nobya para sorpresahin ito. Bukas ang ilaw ng living room nang makapasok siya sa loob ng unit. Napakunot-noo siya nang makita ang magulong pagkakaayos ng mga furniture. Basag din ang base na nagkalat sa carpeted na sahig. Kaagad siyang nag-alala na baka napasok ng magnanakaw ang unit. Humakbang pa siya ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang nagkalat na damit sa sahig na mahuhulaang bigla na lang hinubad ng kung sino. May bumundol na kaba sa kanyang dibdib nang makita ang isang pamilyar na T-shirt. Pinulot niya iyon nang mabasa ang naka-print na O21. O21 o Offsprings 21 ang pangalan ng barkada nila nina Lance. May T-shirt din siya na katulad noon na may iba't-ibang kulay pa. Ipinagpatuloy niya ang paghakbang. Nakakita rin siya ng damit-pambabae sa gilid ng pinto ng silid ni Celine. Hindi na niya pinulot ang damit. May hinala na siya kung ano ang makikita niya sa loob ng silid na nakabukas ang pinto. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Tila gumuho ang mundo niya nang makita mismo ng kanyang mga mata ang sinabi ni Daena na hindi niya pinaniwalaan. Magkayakap na natutulog sa kama si Celine at ang traydor niyang kaibigang si Lance. Nakabalot ng kumot ang katawan ng mga ito. Gayunman, madaling hulaan kung ano ang ginawa ng dalawa bago ang tagpong iyon. Nakakuyom ang mga kamaong napatimbagang siya. Nakapag-isip pa naman siya nang maayos sa kabila ng natuklasan. Nagawa niyang kontrolin ang sarili at hindi magwala. Oo, niloko siya. Pero kahit basagin pa niya ang mukha ni Lance at wasakin lahat ng kasangkapan sa unit na iyon, hindi pa rin mabubura ang masakit na katotohanan na ginago siya ng dalawang mahahalagang tao sa buhay niya. May ibang paraan para makaganti. Halos wala sa sarili na nilisan niya ang unit. Pagdating sa elevator, muntik niyang mabunggo si Daena. Tulad niya ay pasakay rin ito sa nakabukas na pinto. Halos hindi sila nagpansinan nang mga nakaraang buwan. Kung mag-usap man sila, laging may kinalaman sa trabaho. Naunang pumasok sa loob ng elevator si Daena. Hinayaan niya na ito ang pumindot ng ground floor button. Nagdaan sa kanila ang nakabibinging katahimikan nang sumara ang pinto. "You were right," sabi niya nang hindi makatiis na magsalita. Napalingon si Daena sa kanya. "I saw them with my own eyes. Nakita ko ang kataksilan nila, Daena," mariin niyang sabi. Nakakuyom pa rin ang mga kamay. "Oh, Ethan! sambit ni Daena. Naunawaan kaagad nito ang ibig sabihin niyang sabihin. "Huwag kang maawa sa akin, Daena. Hindi ko 'yon kailangan." "Pero, Ethan - " Tumunog ang elevator palatandaan na nasa ground floor na sila. Kaagad siyang nagpatiuna sa paglabas. Tinawag siya ni Daena pero hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa parking lot, sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD