A Maiden In The Water

1948 Words
Valencia, Bukidnon, Philippines. Kasalukuyang panahon. Alas-dos ng hapon. Draven automatically opened his eyes when a strange fragrance filled his nostrils. Kanina pa siya sa bahaging iyon ng gubat at naaliw siya sa panonood ng iba’t ibang klase ng ibon at hayop habang nakahiga. Malapit na siyang makatulog nang bigla siyang mapukaw sa kakaibang samyo na tila biglang pumuno sa malawak na kagubatan. Kagabi lang sila dumating ni Athan Danilov sa bahagi nang maliit na bansang ito sa silangang Asya. Dumiretso sila agad sa malawak na lupain na nabili ng pamilya niya. Doon ay may itinayong malaking bahay na animo ay kastilyo ang kayarian dahil iginaya ito sa magaganda at makasaysayang mga kastilyo sa kanilang bansa, ang Romania. Narito sila ng kapwa bampira na si Athan para sa isang misyon. Sa pakikipagkuwentuhan nila sa katiwalang si Mang Jaime, nalaman nila na Matala ang pangalan nang maliit na baryong iyon ng Valencia, Bukidnon. Tumayo siya upang sundan ang pinanggagalingan ng halimuyak hanggang humantong siya sa isang malawak na ilog. Lalong sumidhi ang bango kung kaya kumbinsido siya na malapit na malapit na siya sa pinanggagalingan nito. Sinuyod ng mga mata niya ang malinaw na tubig na nagmumula sa isang mataas na talon. His eyes widely opened when he saw a naked woman carelessly bathing in the river. Kahit kitang-kita niya ang kabuuan ng babae bagamat ilang metro ang layo sa kinatatayuan niya ay hindi niya napigilan ang udyok na lapitan ito at nang mabistahan pa lalo ang alindog nito. Sa edad niyang tatlumpo’t anim ay aminado siya na hindi na mabilang kung ilang mga babae na ang nakasiping niya, iyon nga lang puro iyon mga bampira. Only his age could change but not his face and physique. Taglay ang kakayahan ng isang bampira, napanatili niya ang kabataan at kakisigan sa loob ng maraming panahon. Normal para sa kanya ang init na nararamdaman kapag nakakakita ng tipo niyang babae. At alam na alam niya ang isang libo’t isang kaligayahan na kayang iparanas ng isang lalaki sa kanyang kapareha gamit ang iba’t ibang estilo sa pakikipagtalik. And he, Draven Gualtieri could do anything and everything in his country to satisfy his s****l tryst. There’s no reason for him why he shouldn’t do the same in this place. Gamit ang kakayahang makalipat ng puwesto nang hindi gumagawa ng ingay, ngayon ay malapit na malapit na si Draven sa kinaroroonan ng babae. Ginamit niya ang malalapad na dahon ng mga halaman upang hindi siya mapansin nito. Ngayon ay alam na niya kung saan nanggagaling ang kakaibang halimuyak na naamoy niya kanina. Sa maalindog na babaeng ito. Ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit nagtataglay ang babaeng ito ng kakaibang samyo. Bagay na hindi niya naamoy sa napakaraming babae na nakahalubilo na niya sa kanilang bansa. Ano’ng meron ang babaeng ito upang maakit siya sa taglay nitong bango? Draven feasted his eyes on the alluring body of the woman. Hers was the most beautiful body he had ever seen. Nakatayo ang babae habang nakalubog sa tubig ang kalahati ng mga hita. Morena ito. Mapusyaw lang nang kaunti sa kanyang kulay na minana niya sa kanyang Pilipinong ama. Makinis at balingkinitan ang katawan nito at medyo kulot ang itim at hanggang baywang na buhok. His eyes focused on the sexiest part of the woman’s body. Her breasts. They were firm and round. Hindi ordinaryo ang laki ng mga iyon na lalong nagpabilog sa kanyang mga mata. May mga tuktok ito na maliliit at mapupula na tila nag-aanyaya sa kanya na damhin ang taglay na tigas at lambot ng mga ito. Napatikom ang kanyang mga kamay nang maramdaman niya ang kagustuhang gawin ang nasa isip niya. He swallowed several times. Unti-unting bumaba ang kanyang mga paningin sa tiyan at baywang ng babae. Napakaliit ng baywang nito na binagayan nang manipis na tiyan at malapad na balakang. Bumaba pa ang kanyang mga mata hanggang sa puson nito hanggang sa bahaging nalalatagan nang manipis na buhok. Halos ayaw na niyang ikurap ang mga mata sa takot na mawala ang mapanuksong tanawin na iyon sa kanyang mga paningin. Napakaganda ng bahaging iyon. Ngayon ay alipin na siya nang tuksong himasin ang parteng iyon ng babae at damhin ang lambot ng balat sa ilalim nang manipis na buhok na tumatabing dito. Nanigas ang kanyang panga. Nanuyo ang kanyang bibig. Nanginig ang kanyang laman kasabay ng paninigas ng isang bahagi sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Damang-dama niya ang init. Nagsunod-sunod ang kanyang paglunok. Panaka-nakang lumulubog ang babae sa tubig pagkuwa’y muling lilitaw. Pagkatapos ay itataas nito ang dalawang kamay upang hawiin ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha. She was becoming more seductive in her every move causing his hardness grew bigger and hungrier. Palakas nang palakas ang udyok ng kanyang pananabik. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang kunin ang babae at isagawa ang nasa utak niya ngayon. But no. He was not that type of man. Pinalaki siyang marangal ng kanyang ina at hinubog sa mabubuting aral ng kanyang lolo. Hinding-hindi siya gagawa ng ano mang bagay na pagsisisihan niya pagkatapos. Aangkinin niya ang babaeng ito na hindi kailangang gamitan ng dahas o panlilinlang. Sa ngayon ay alam niya kung paano lulutasin ang namumuong problema sa bandang puson niya. Mabilis niyang ibinaba ang zipper ng suot na pantalon at inilabas mula roon ang naghuhumindig niyang p*********i. Buhay na buhay ito at napakainit. Agad niyang ibinalot dito ang malaking kamay saka marahang hinagod. His breath turned heavier and slower. Hindi na bago kay Draven ang ginagawa niya ngayon. Madalas ay ginagawa niya ito pagkatapos niyang magbasa ng mga pornographic magazines o kaya naman ay pagkatapos manood ng mga porn flicks. Minsan naman ay kapag trip lang niya na mag-enjoy ng walang ibang babaeng kasama sa kama. At nasisiyahan siya sa ganoon. He never thought that there would be more exciting than those sexcapades. At iyon nga ay ang panoorin ng lihim ang isang magandang babae sa isang napakaerotikong tagpo na tulad nito habang pinaliligaya niya ang sarili. Ah, nothing could be more exhilarating than this one. Patuloy na naglunoy sa malinis na tubig ang walang kamalay-malay na babae habang siya naman ay walang tigil sa ginagawa. He was now approaching the most anticipated climax. Para na siyang nilalagnat sa sobrang init. Ano mang oras ay sasabog na ang lahat ng pagtitimpi niya. Kaunting hagod na lang. Kaunting pisil na lang. Napapikit siya nang mariin. “Arabella?” Napakislot si Draven pagkarinig sa tinig na iyon. Mabilis siyang tumigil sa ginagawa at nagpakatago-tago sa likod ng mga halaman. Nakita niya ang isang babae na nakatayo sa pampang ng ilog. Medyo may edad na ito, may kaliitan at maitim. Sumisigaw ito habang nakatingin sa babaeng naglulunoy sa ilog. Arabella. Inulit ni Draven ang narinig na pangalan sa sariling utak. “Ano ka ba, Arabella? Hindi ba’t ang usapan natin ay sasamahan kitang maligo dito sa ilog? Ano’t iniwan mo na naman ako?” inis na sigaw ng bagong dating. Matinis na humalakhak ang babae na tinawag na Arabella. Dahan-dahan itong naglakad patungong pampang. “Arabella pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan.” bulong ni Draven na naantala sa ginagawa. “Alam ko namang susundan mo ako rito, Aurea. Kaya para ano’t hihintayin pa kita?” Nakangiti si Arabella habang palapit kay Aurea. Lalong nabistahan ni Draven ang kabuuan nito. Magaganda rin ang hubog ng mga hita at binti nito. At matangkad kumpara sa karaniwang Pilipina. Saglit niyang nakalimutan ang ginagawa upang panoorin ang kabuuan ng babae. “Gusto mo talagang napapagalitan ako ng lolo mo, ano?” inis na wika ni Aurea habang iniaabot sa dalaga ang malaking tuwalya. “Hindi ka na nasanay kay lolo,” sagot ni Arabella habang binabalot ng tuwalya ang buong katawan. Napabuntong-hininga si Draven nang matabingan na ang kanina lang ay pinapantasyang tanawin. “Saka eighteen years old na ako. Hindi na ako kailangang bantayan palagi.” “Ano ngayon kung eighteen ka na? Alalahanin mong nag-iisa kang kapamilya ng lolo mo. Natural lang na pangalagaan ka niya.” “Ang sabihin mo, praning lang masyado si lolo. Feeling niya lagi ay may aagaw sa akin mula sa kanya.” “Hindi mo siya masisisi, Arabella. Ilang beses na siyang nawalan ng mga mahal sa buhay. Una ay ang unang asawa niya at anak. Sumunod naman ay ang iyong lola at ina.” “Ah, basta. Hindi talaga normal ang pagiging overprotective niya sa akin. Minsan ay nasasakal na ako sa kaniya,” parang batang pagmamaktol ni Arabella. Napailing na lang si Aurea sa pagmamatigas ni Arabella. “Halika na. Bata ka, hindi ka ba natatakot sa lugar na ito at ang lakas ng loob mong pumunta rito nang mag-isa?” “Wala namang ibang pumupunta rito, Aurea. Saka nasa hangganan ng lupain ni lolo ang lugar na ito. Ibig sabihin, bago sila makarating dito, kailangan muna nilang dumaan sa napakalawak na teritoryo ng mga Duarte,” pangangatwiran ni Arabella habang tinutuyo ang buhok gamit ang mas maliit na tuwalya. “Iyan ang akala mo,” inis na sabi ni Aurea. “Paano kung sa kabila ng ilog sila dumaan? Hindi na teritoryo iyon ng mga Duarte kungdi sa mga Garteri na.” “Gualtieri, Aurea,” natatawang wika ni Arabella. “Gualtieri na kung Gualtieri. Aber, paano nga kung doon dumaan ang ibang tao na nakabalita na sa ganda ng talon na ito at makita ka? Sa ganda mong iyan, siguradong mapapahamak ka.” “Ano ka ba, Aurea? Paano naman makakadaan ang mga tao sa lupain ng mga Gualtieri ay napapalibutan iyon nang matataas na bakod? “Eh, paano kung iyong nakatira mismo sa loob ng bakuran na iyon ang maligaw dito?” Muling humalakhak si Arabella. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Alam nating lahat na walang nakatira sa malaking kastilyo roon. At ni minsan ay hindi yata dumalaw doon ang may-ari. Isa pa ay alam mo namang kayang-kaya kong ipagtanggol ang aking sarili, hindi ba?” “Iyan ang akala mo.” Umingos pa si Aurea. “Pero alam mo bang kaninang nasa palengke ako ay narinig kong usap-usapan doon ang tungkol sa pagliliwanag ng buong kastilyo kagabi? Inisip ng mga tao na malamang ay dumalaw din doon ang may-ari sa wakas.” “Baka naman si Mang Jaime lang iyon, iyong katiwala,” parang walang anomang tugon ni Arabella. “Hindi tumitigil doon si Mang Jaime sa gabi. Natatakot yata o kung ano man,” giit ni Aurea. “Eh, di tanungin si Mang Jaime kung dumating na ang may-ari ng kastilyong iyon.” “Iyon nga ang plano ng mga tsimoso’t tsismosa sa palengke. Ang siste, ilang araw nang hindi nakikita si Mang Jaime. Wala pa naman iyong pamilya o kamag-anak dito kaya wala ring mapagtanungan ang mga tao.” “Kinikilabutan naman ako sa kuwento mong iyan, Aurea. Mabuti pa ay umuwi na tayo.” Dinampot ni Arabella ang hinubad na damit na nakapatong sa malaking bato at mabilis na lumakad palayo kasunod si Aurea. “Basta huwag mo nang uulitin ito, ha? Mangako ka kung ayaw mong pugutan ako ng ulo ng lolo mong masungit.” “Opo,” parang batang tumakbo si Arabella papasok sa kahuyan. Humahalakhak pa ito. Walang nagawa si Aurea kundi habulin ito habang humahalakhak din. Maya-maya pa ay tuluyan nang mawala sa paningin ni Draven ang dalawang babae. He just heaved a sigh. Mukhang hindi maganda ang unang araw niya sa lugar na ito. Bukod sa hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkilala kay Arabella ay nabitin pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD