CHAPTER 13

2643 Words
SCROLL. Scroll. Scroll. May nakikita akong pictures ng mga view ng mga lugar na hindi ko matukoy sa kung saan. May mga picture rin ni Chase na kung saan ay desente siyang tingnan. Para siyang model dahil sa mga pose niya sa pictures. Ilang scroll pa ang ginawa ko hanggang sa napahinto ako sa isang picture na nakita ko. Tiningnan ko naman si Chase na nasa tabi ko. Ang mga kasama naman namin ay nasa harap namin na nakaupos sa sofa kung saan hindi nila kita ang tinitingnan ko. "Hindi pa ba tapos?" rinig kong tanong ni Ryne. Ibinigay ko naman kay Chase ang cellphone niya at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Jasper. I saw my face on his gallery. "You okay?" rinig kong tanong ni Jasper. Tumango naman ako habang nasa ibaba ang tingin ko. Ano naman kayang ibig sabihin no'n? And why did he chose me to check his phone kung nandoon ang mukha ko? Baliw ba siya? "Lock yourself in the room and pick one of the group to be with you for just five minutes." Itinaas ko naman ang tingin ko nang marinig ang dare na mula sa akin, ako nga ang nagsulat ng dare na iyon. Tiningnan ko naman si Ryne na siyang may hawak ng bowl at may hawak din na papel na kung saan nakasulat ang dare. "I would pick Chase! Was it okay to you?" Tiningnan naman ni Ryne si Chase. "I didn't have choice," sabi naman ni Chase. "Okay! Ako ang magbabantay sa iyon sa labas ng kwarto," sabi ni Lucy at tumayo. "Sama ako!" sabi naman ni Ella at lumapit agad kay Lucy. Tumayo naman si Chase nang tumayo si Ryne. Tinapunan muna ako ng tingin ni Chase bago siya tumalikod at sumunod kina Lucy, Ryne, at Ella. "Hindi niyo ba nahalata? Parang gusto ni Ryne si Chase," biglang sabi ni Ash nang makaalis na silang apat. "Did you think so?" tanong ni Kyle. "As long as wala silang nasasaktan hayaan niyo sila. It's also good to know na nakikisalamuha sa atin si Chase," rinig ko namang sabi ng katabi ko. "Ang tahimik mo yata, Mary? If medyo awkward sa 'yo ang ginagawa natin, sabihin mo lang. Dapat lahat tayo ay mag-enjoy sa laro," sabi ni Kyle. "Hindi. Ayos naman ang laro, masaya ako na nagtipon ulit tayo," sabi ko at ngumiti. "May nakita ka ba na hindi maganda sa cellphone kanina ni Chase kaya ka natahimik?" tanong na naman ni Jasper. Tiningnan ko naman siya at umiling-iling. "Wala naman. Wala namang hindi maganda sa gallery niya. Siguro medyo nasanay lang ako na manahimik. Huwag kayong mag-alala, babalik ako sa dating ako," paniniguro ko. "Alam namin na alam mong hindi mo na kailangang gawin 'yan. Even though we missed the old you, we were still willing to embrace the new you. We were not just your friend, but also your family," may ngiting sabi ni Ash. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. Palagi nila akong pinapaalala at pinagsasabihan ng mga magagandang salita na alam kong totoo. Nagsisisi ako na lumayo ako sa kanila noon. Gusto kong makabawi sa kanila, hindi man ngayon pero balang araw. Friendship was indeed the greatest gift of life. NAKATAYO ako habang nakatingin sa pababang araw na makikita mula sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagdampi ng preskong hangin sa balat ko. Nandito ako sa labas ng resthouse ni Jasper, nagpapahangin. Tapos na ang laro kanina at hindi na ako nakabunot pa ng truth o dare. Pagkatapos ng laro ay naghanda naman sina Jasper, Ash, at Lucy ng pagkain para sa hapunan. Ang iba ay nasa loob habang ako naman ay nandito nga sa labas. Palubog na ang araw at magdidilim na rin ang kalangitan. "Puwede ka bang makausap?" Nanatili namang sa harap ang tingin ko nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa likuran ko. "May problema ba?" pabalik na tanong ko. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Ryne. Oo, si Ryne nga. "Mukhang close yata kayo ni Chase." "No. Hindi kami close," mabilis naman na sabi ko. "Really? Well, he seems nice. And I think I like him." "And? Bakit mo sa akin sinasabi iyan?" "Maybe, you could help me—" Pinutol ko naman agad ang sasabihin niya. "Hindi kita matutulungan sa feelings mo. Kung gusto mo siya, sabihin mo sa kanya. If he likes you, then that's great. But if not, well, wala akong magagawa roon." "Even if you say that you were not close, I couldn't believe that. Nakikita ko sa tingin ni Chase na parang may kakaiba sa inyong dalawa." "Mali ang nakikita mo. Maybe, he was just glaring at me because he hates me. We hated each other. Siya na mismo ang nagsabi no'n," seryosong sabi ko naman. "But you could still be friends right? Kahit gusto ko nga Chase, I couldn't confessed that easily..." Ramdam ko naman ang lungkot sa boses niya. Ryne was a silent, but kind person. Hindi kami masyadong close noon pero nag-uusap at nagkakatuwaan naman kami kapag nagtipon nga ang grupo namin. "Do you want me to help you on confessing your feelings to him?" tanong ko. "Thank you, Mary, but I would just keep this. Besides, I was not yet sure." Hindi naman ako nagsalita pa sa sinabi niya. Kahit ayoko kay Chase ay hindi naman ako ganoon kagalit sa kanya para siraan ko siya kay Ryne. Hahayaan ko na lang si Ryne na tumuklas sa ugali ni Chase. Saka siguro... ako lang ang nag-iisip na hindi mabuting tao si Chase. Maybe... I just didn't like him as he also claimed that he was really a troublemaker. "Naniniwala ka ba na kayang baguhin ng isang tao ang ibang tao?" Katahimikan ang namayani sa amin nang hindi ako makasagot sa tanong niya. "Siguro... dahil bigla na lang akong nagbago noong namatay ang Dad ko. It was not my intention, it just happened," halos pabulong na sagot ko. "Tama ka. Hindi talaga natin masasadyang magbago unexpectedly. I thought that Chase was a bad guy too in the first place. But he really wasn't. Sinabi niya sa akin sa kwarto kanina na sana maintindihan natin siya, 'yong ugali niya. Noong sinabi niya iyon, alam kong may kakaiba. Maybe he was in pain or he was suffering inside. Everyone of us has our own struggles kaya dapat siguro intindihin talaga natin ang bawat taong nakakasalamuha natin," mahaba niyang sabi. "Sa sinabi mo... parang nagiging masama na talaga ako." "Wala akong sinabi. Gusto lang kita na magising. You didn't know how much the student council suffered when you suddenly changed a lot. Lahat kami nasaktan dahil sa nakikita naming pagbabago sa 'yo... pero ang pinakanasaktan sa amin ay si Jasper. Kahit ganoon, he still treated you nicely ngayon. Hindi kita sinisisi, I was just concerned. He was my cousin after all. And I really want you back, the old Mary we knew from the start." Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. She was right. She was really right. Wala akong masabi. "Anong ginagawa niyo rito?" Napalingon kami parehas ni Ryne nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa likuran namin. "Nagpapahangin lang," sabi naman ni Ryne. "Kaya pala wala kayo sa sala. Ryne, tulungan mo muna si Ash. And Mary? May niluto ako tempura, come on." Nanatili naman ako sa posisyon ko habang nakatingin kay Jasper. He was too nice to me. "Sige mauna na akong pumasok," sabi naman ni Ryne saka umalis na. "May problema ba?" tanong ni Jasper at lumapit sa akin. "Palagi mo na lang 'yan tinatanong sa akin. Ikaw ba? May problema ba? Baka makatulong ako," sabi ko naman. "Wala naman. Ayos na ayos naman ako." "Mabuti naman kung ganoon," pabulong na sabi ko. Hindi ko talaga alam kung paano ako makakabawi sa kanya—sa lahat ng nagawa niya. "Nagdidilim na. Pumasok na tayo sa loob," sabi ko at naglakad papasok ng rest house. Wala na akong masabi sa kanya. Parang nahihiya na ako kay Jasper dahil binitawang salita ni Ryne kanina. "Mary! Come on! Ang ganda ng movie! Sabi nila adik ka raw manood ng movies dati. Halika! Sabayan mo kami nina Chase at Kyle!" masayang bungad na sabi ni Ella nang makapasok ako sa loob. "Kumain ka na muna ng pagkain na niluto ko sa kusina," rinig ko namang sabi ni Jasper na nasa likuran ko. "Mayro'ng pagkain?! Ako na ang kukuha!" sabi ni Ella at mabilis na tumayo bago tinungo ang kusina. "Hindi pa ba sila tapos magluto ng hapunan?" tanong ko at umupo sa tabi ni Kyle na seryosong nakatingin sa palabas sa tv. Nakita ko rin si Chase na seryoso rin na nakatingin sa pinapalabas na movie. "Hindi pa," rinig ko namang sagot ni Jasper. "Bukas baka puwede akong magluto ng breakfast para sa lahat," may ngiting sabi ko at tiningnan si Jasper. Nakita ko naman na napatigil siya at nanatiling nakatingin sa akin. Tumawa naman ako ng mahina. "Hindi ko naman susunugin ang rest house mo, marunong akong magluto," dagdag ko pa. "Kung iyon ang gusto mo. Wala naman akong sinabi na susunugin mo ang rest house namin. Medyo nagulat lang ako dahil—" "Let's make another memories together. Babawi ako sa inyo..." sabi ko at nginitian siya. "At hindi mo na ako kailangan pa na pagsabihan pa o alagaan na parang bata, okay? Tama na 'yong nagawa mo noon. Hayaan mo naman na ako naman ang bumawi sa 'yo. Huwag ka nang magreklamo at magsalita pa. Tingnan mo na 'yong mga nagluluto sa kusina. Tawagin mo ako kapag kailangan niyo ng tulong," mahaba-haba kong sabi. Nakita ko naman na tumawa siya dahilan para mapangiti ako. Sakto namang dumating si Ella na may dalang tempura. "Okay. I'll call you when the food would be ready." Umalis naman si Jasper after niyang sabihin iyon. "Ella, let's exchange sits." Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang boses ni Chase. Ilang sandali lang ay nakita ko na lang na nagpalitan nga sila. Katabi ko si Chase sa kanan ko habang si Kyle naman ay nasa kabilang dulo ng sofa. Medyo mahaba kasi ang sofa na inuupuan ko. Si Ella naman ay nasa isang sofa na hindi masyadong mahaba na nakapuwesto sa gilid na malapit sa tv. Ang sofa na inuupuan ko naman ay nakapuwesto sa harap ng tv. Umusog naman ako palayo kay Chase. "Pakilakasan mo nga 'yong volume, Kyle," rinig kong utos ni Ella kay Kyle na ginawa rin naman niya. "Bakit may picture ako sa cellphone mo? Balak mo ba akong kulamin?" tanong ko habang nasa palabas ang atensiyon. "You were standing in the school's field. The view was nice so I captured it. I didn't intentionally pictured you." "Delete that. Puwede kang mag-picture ulit sa field ng school dahil hindi naman iyon mawawala," sabi ko naman. "Yeah. I'll do that." Nakita ko naman ang kamay niya na inabot ang bowl ng tempura na nasa mesa sa harap namin. Kumuha siya roon at agad na kinain iyon. Tiningnan ko naman siya ng masama pero nanatiling nasa palabas ang atensiyon niya. Ibinalik ko na lang din ang atensiyon ko sa panonood at hindi na umimik pa. MABILIS na lumipas ang oras at namalayan ko na lang din ang sarili ko na unti-unti nang nakikipag-asaran sa mga kasama ko except kay Chase. Hindi pa rin kami close at medyo malabo sigurong mangyari iyon. Masasabi kong maganda talaga ang naisipang bakasyon ni Jasper. Mabuti na lang at mababait sa amin ang staff mg school. Kahit medyo tambak kami sa gawain ay binibigyan pa rin nila kami ng rest days. "After lunch, uuwi na tayo. Babalik na naman tayo sa pagiging student council. Nakakalungkot talaga..." pailing-iling na sabi ni Lucy. "Yeah right. Balita ko nga may bago na naman tayong task. Anonnga ulit iyon, Jasper?" sabi naman ni Ash at tiningnan si Jasper. Nasa kusina kaming apat, naghahanda ng tanghalian. Nasa labas ng rest house 'yong iba. Maya-maya ay mag-aayos na kami ng gamit dahil tapos na ang five days na bakasyon namin dito. Sabado bukas kaya may two days kami para magpahinga sa mga bahay namin. "Sa main campus iyon. May event na mangyayari tapos mukhang pipili sila ng representative sa atin tapos sasamahan sila ng student council members sa main campus para may makatulong sa kanila roon," sabi naman ni Jasper. "Kung ganoon tayo na naman? Actually, 'yong bad news diyan ay 'yong task dahil baka mahirap. 'Yong good news naman ay makakapagtipon na naman tayo! At isa pa, this would be our chance to visit Jasper's house in Pagadian city!" excited na sabi ni Lucy. The main campus of JHCSC was loacted somewhere in pagadian. Nakapunta na ako roon pero hindi ko nag-abala pa na alamin ang mga pasikot-sikot papunta sa main. At kahit nakapunta na ako sa pagadian city ay hindi pa ako nakakapunta sa bahay nina Jasper. May bahay sila sa pagadian city at may bahay rin sila rito sa tukuran. "You want to stay in our house?" tanong ni Jasper na nagpiprito ng isda. Tapos na ang pinakbet na niluto ko kaya hinubad ko na ang apron na suot ko at tinungo ang lalagyan ng plato para maghanda na sa mesa. "Kung hindi ba naman bawal, bakit hindi?" sabi naman ni Ash. "Okay, ihahanda ko ang bahay namin. Just be sure hindi kayo magkakalat doon." "Edi hindi isasama 'yong makalat," natatawa namang sabi ni Lucy. "Oo nga naman," pagsang-ayon ko habang inaayos ang plato sa mesa. Kinuha naman ni Ash ang kawali kung nasaan ang niluto kong oinakbet at inilagay iyon sa isang may kalakihang plato na nasa gitna ng mesa. "Kailan ba 'yan?" tanong ko naman. "Mga two weeks after pa o baka nga next month pa. I'll send you the details kapag na natanggap ko ang information mula sa main regarding the event," rinig ko namang sagot ni Jasper. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Tatawagin ko lang 'yong iba sa labas," sabi namam ni Lucy at nilisan na ang kusina. "Oo nga pala, Mary. May ibibigay akong task sa 'yo, nextweek na gagawin. Aayusin ko pa kasi ang details ng school camping, kailangan iyon sa main campus. Tutulungan kita kapag natapos na ako sa main." "Anong task?" tanong ko kay Jasper. "Don't worry, its just a simpoe task. Saka ko na ibibigay ang detalye kapag nakauwi na tayo sa mga bahay natin." "Okay," tanging sabi ko. Anonna naman kayang task iyon? "Ang bango naman!" rinig kong sabi ni Ella nang makapasok siya sa kusina. Sumunod naman ang iba pa at kanya-kanya na sila ng upo sa may bakanteng upuan. Nakita ko namang tinapik ni Lucy ang kamay ni Kyle nang akmang kukuha siya ng pritong isda. "Magdasal muna tayo, huwag masdayong bastos," sabi ni Lucy. "Grabe makasabi ng bastos 'no? Bakit? Perpekto ka?" sabi naman ni Kyle. "Tumigil na nga kayo, nasa harap kayo ng pagkain," sabi naman ni Lucy dahilan oara matahimik sila. Katahimikan ang namayani sa buong paligid. "Okay. I'll pray," sabi ni Lucy. "Father, In Your honor, we've assembled to share a dinner. Thank You for bringing us together as a family and for this delicious food. Lord, please bless our bodies. We appreciate all of the presents you've given to the people seated at this table. Assist each member of our family in putting their talents to good use for the glory of God. Direct our dinner conversations and our hearts toward Your plan for our lives. Amen, in Jesus' name." Sabay-sabay naman kaming bumanggit ng 'amen' bago magsimula nang kumain. "Family?" rinig kong tanong ni Chase. "Of course! We were all a family here. Masanay ka na, Chase! Kaya hindi ka na dapat mahiya sa amin, you should be comfortable with us," sabi naman ni Lucy. Hindi na ako nakinig sa kanila at itinuon na lang ang atensiyon sa pagkain. Masyado akong gutom para makinig ng usapan ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD