CHAPTER 12

2601 Words
"MARY! Good news! Perfect tayo sa collage presentation!" halos pasigaw na sabi ni Angel mula sa kanilang linya. "Congrats," tanging sabi ko. "Iyan lang ang sasabihin mo? Porke't nasa bakasyon ka na ngayon? Kinakalimutan mo na—" Pinutol ko naman ang kadramahan niya. "I'm doing fine here, Angel. Maganda ang pakikitungo nila sa akin. And it doesn't mean na kakalimutan kita, 'wag kang magdrama. Ingat ka riyan kahit wala ako. Baka kung ano na naman gawin mo," mahabang sabi ko. "Nagmamalasakit ka ba o nang-iinsulto?" "Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin." "Oo na! Papatayin ko na muna ang tawag. Text kita mamaya. Sige bye!" Binaba niya rin ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyon. Itinabi ko naman ang cellphone ko at napahiga na lang sa kama. Tumingin ako sa kisame at unti-unting gumihit ang ngiti sa labi ko. Masaya ako sa mga nangyayari ngayon, sana tuloy-tuloy na. "Mary? Gising ka ba?" rinig kong boses mula sa labas ng pinto ng kwarto. Napaupo naman ako sa kama. "Puwedeng pumasok?" "Sige, bukas 'yan," sabi ko naman. Bumukas ang pinto at pumasok si Jasper. Isinara niya rin iyon nang tuluyan siyang makapasok. "Magkandado ka nga ng pinto. Kahit tayo-tayo lang dito at hindi pa rin maganda sa babae ang hindi nagkakandado ng pinto." "Oo na. Nakalimutan ko lang. Tumawag kasi bigla si Angel." "Sa susunod 'wag mong kakalimutan 'yon. By the way, kamusta? Komportable ka ba rito sa kwarto?" Tumango naman ako at saka tinapik ang kama ibabang bahagi ng kama ko. Naglakad naman siya papalapit sa akin at umupo sa kami. "Salamat, Jas. Hindi mo na naman ako kailangang asikasuhin ng sobra. Ayos na ako." "Nangako ako sa Dad mo na aalagaan kita at nangako ka rin sa kanya na hahayaan mo akong alagan at bantayan ka. Kahit wala na ang Dad mo at kahit ayaw mo, gagawin ko pa rin 'yong pangakong iyon," mahabang sabi niya. Napanguso naman ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya makukumbisi kaagad. Kung ano ang nais niyang gawin ay hindi ko basta-basta mapipigilan. Tumayo naman ko mula sa pagkakaupo sa kama at bumaba roon. Tinungo ko ang cabinet at may kinuha roon na may kaliitang box. Bumalik ako sa posisyon ko kanina at hinarap si Jasper. Inabot ko sa kanya ang may kaliitang box. "Para sa 'kin?" tanong niya kaya tumango naman ako. Tinanggap niya naman iyon at binuksan. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. "Dati pa 'yan. Ngayon ko lang naibigay. Galing 'yan kay Dad at sa 'kin. Sana magustuhan mo," sabi ko. Nanatili naman ang tingin niya sa relo na nasa may kaliitang box. Plano namin ni Dad na ibigay iyon sa birthday niya kaya lang hindi ako nakapunta dahil nga sa nangyari kay Dad. It was a Jaeger-LeCoultre blue watch. "Huwag mong sabihin na hindi mo gusto? O ayaw mong tanggapin?" nakakunot noong tanong ko. "No. I'm just overwhelmed about this. Hindi ko inaasahan..." halos pabulong na sambit niya. Kinuha ko naman ang box sa kamay niya. Kinuha ko ang relo mula roon at saka inabot ang kaliwang kamay ni Jasper. Isinuot ko sa kanya ang relo. "Ayan, bagay na bagay. Huwag mong iwawala 'yan." Ngumiti naman siya, isang tunay na ngiti. Itinaas niya ang kanang kamay niya at inilagay sa ulo. Ginulo niya ang buhok ko habang nanatili pa rin ang ngiti sa labi niya. "Thank you." Ako dapat ang magpasalamat sa kanya dahil sa dami na nang nagawa niya sa akin. I owe him a lot. "You don't have to say thank you. You deserved more than that," sabi ko at nginitian din siya pabalik. Ibinaba niya naman ang kamay niya. "I wouldn't hope more. As long as you're okay, I too would be okay." "Jasper! Mary! Baba na kayo! Ready na ang hapunan!" rinig naming sigaw na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Ash galing sa baba. "Right. Tatawagin pala sana kita para maghapunan na. Come on." Tumayo naman si Jasper at naglakad papunta sa may pinto. "Sige. Susunod ako, mauna ka nang bumaba," sabi ko. Tumango naman siya at hindi na umangal pa. Nang makalabas si Jasper ng kwarto ay napahiga naman aki sa kama at napatingin sa kisame. Gaya ng naipangako ko sa sarili ko noon, I would gave him the watch kapag handa na akong harapin siya. And I did it. Bumangon ako at napagdesisyon na sumunod na sa baba. "ANG presko talaga ng hangin dito," rinig kong sabi ni Lucy. Nasa labas kami ng rest house ni Jasper. May bonfire sa harap namin. Si Ella at Kyle ay nasa loob mukhang natutulog na yata. Nakaupo kami malapit sa bonfire pero malayo ang pagitan namin. Katabi ko si Jasper. Magkatabi naman sina Ash at Lucy. Sina Chase at Ryne rin ay nasa may 'di kalayuan at mukhang seryosong nag-uusap. "Mary! May problema ba?" "Ha? May sinasabi ka?" tanong ko kay Jasper at nilingon siya. Nakita ko namang nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo niya. Ilang sandali lang ay tumingin naman siya aa gawi kung nasaan si Chase at Ryne. "May gusto ka bang ikuwento sa akin?" Medyo malayo kami sa ibang kasamahan namin kaya nasisiguro ako na hindi nila kami naririnig ni Jasper at hindi rin namin naririnig ang mga pinag-uusapan nila. "May gusto ka bang malaman?" pabalik na tanong ko. "The last time I remember, you hated him. And now, it's different. Would you mind sharing it to me?" Napabuntong hininga naman aki dahil sa sinabi niya. Yes, I couldn't lie to Jasper easily pero noon iyon. Nag-iba na ako at nasanay na rin na itago kung ano man ang masa loob ko sa pagsisinungaling. "Hindi. Naniniguro lang ako na wala siyang gagawing g**o. Hindi ba't umamin siya mismo sa camping na troublemaker siyang tao. Alam mo naman na ayokong nasasangkot sa g**o," mahabang sabi ko naman. "At sinabi ko na rin sa 'yo noon oa man na hindi mo maiiwasan ang g**o ng ganoon kadali. In case that you'll engage into troubles, you could always call me." Nginitian ko naman siya sa sinabi niya. One call away lang naman talaga si Jasper pero mas gusto ko na huwag na siyang tawagan kung ano man ang mangyari, naiistorbo ko na kasi ang buhay niya. After my Dad died. I learnt that I shouldn't relay more on people because at the end of the day, I was still the only one who could help myself. "Thank you, Jas. Makakabawi rin ako sa 'yo." "No need, Mary. Hindi mo kailangang bumawi." "Okay, sabi mo e," tanging sabi ko. "Gusto mo ba na pumasok na sa loob? Baka nilalamig ka na. Gabi na rin, matulog ka kaya?" Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa upuan dito sa labas ng rest house. "Mabuti pa nga. Inaantok na rin kasi ako. Ikaw? Hindi ka pa matitulog?" tanong ko. "No. Ihahatid na lang kita sa kwarto mo." "Hindi na kailangan, Jas. Malaki na ako, okay? Saka hindi ako maliligaw sa loob. Sige, papasok na ako. Goodnight," nakangiting sabi ko. "Okay. Goodnight," sabi naman niya. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa rest house. Hindi na ako nagpaalam sa ibang kasama namin dahil busy pa rin sila sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Habang papasok sa loob ay hinawakan ko naman ang labi ko. Natututo na akong ngumiti ng madalas ngayon. I was slowly moving forward, Dad. Kung nasaan ka man ngayon, I'll make you proud of me. MABILIS lumipas ang oras. Slowly, I found myself laughing and enjoying my vacation with the student council members. "Ano na? Game ba kayo?" excited na tanong ni Lucy. Nasa sala kaming lahat at may laro na naisip si Lucy. "Pass the bowl?" pag-uulit naman ni Kyle sa larong sinabi ni Lucy. "Yes. Simple lang ang larong ito. Maglalagay tayo sa bowl ng tig-isang truth and dare. We would play music and pass the bowl to the left. Kapag huminto ang music ay hihinto rin tayo sa pagpasa ng bowl. Kung sino ang makakahawak ng bowl after mahinto ang music ay kukuha ng isang papel sa bowl. It could be truth or dare, dapat sagutin at gawin talaga," mahabang pagpapaliwanag ni Lucy. "At sino naman ang magpapahinto ng tugtog? Ikaw?" tanong naman ni Ash. "Nope. I found a music na automatic na humihinto. Hindi ko iyon inusisa, I would never cheat." "Weee? Ang boring naman ng laro mo, Lucy. Wala na bang iba?" sambit na naman ni Kyle. "Well, write a difficult dare or personal question para may twist. Dapat bawal ang killjoy. Ano? Game?" sabi naman ni Lucy. "Let's try that game pero kapag sumobra na ang mga tanong o ipapagawa ay ititigil natin," sabi ni Jasper na nasa tabi ko lang. Nakaupo kaming lahat sa couch at kasya naman kaming lahat dito. "Deal," may ngising sabi ni Lucy. Nagsimula naman silang magsulat ng isang truth at isang dare sa may kaliitang papel. Ako naman ay nakatingin lang sa dalawang maliit na papel na hawak ko. Ano ang isusulat ko? Itinaas ko naman ang tingin ko at nakita si Chase na nakaupo sa kaharap na couch ng inupuan ko. Nakatingin din siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ilang sandali lang ay may naisip naman agad akong tanong at dare. Sinulat ko iyon sa magkaibang papel nirolyo iyon bago inilagay sa bowl na nasa mesa sa harap naming lahat. Tiningnan ko naman ulit si Chase at nakitang nagsusulat pa siya. May naramdaman akong mga mata na nakatingin sa akin kaya inilipat ko ang tingin sa babaeng katabi ni Chase. Huling-huli ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Ryne sa akin. "Wala na? Tapos na ba lahat? Simulan na natin!" Kinuha ni Lucy ang bowl na puno ng mga maliit na papel na nakatiklop. Binuksan naman ni Ash ang bluetooth speaker na nasa mesa at deretso naman itong kumonekta sa cellphone ni Lucy na siyang gagamitin para sa pagpapatugtog. Inayos naman nila lahat hanggang sa sinimulan na nga namin ang laro raw na sinasabi ni Lucy. Tumawa naman nang malakas si Lucy nang huminto ang tugtog at napunta ang bowl sa kamay ni Kyle. “Kaya pala parang kinabahan ako. Ang unfair naman, paano kapag sa susunod ay sa akin na naman mapunta ang bowl?” angal ni Kyle. “Edi ang malas mo,” natatawang sabi naman ni Lucy. Bumunot naman si Kyle ng papel sa bowl at hindi na nagsalita. Seryoso siyang nakatingin sa papel na nabunot niya. “Ano ang nakasulat?” tanong ni Lucy at sinilip ang papel na hawak ni Kyle. “Kiss the person on your left side...” pagbasa ni Lucy. Si Ash ang nakaupo sa right side sa tabi ni Kyle samantalang si Lucy naman ang nasa left side. Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa. Napatawa naman si Ash. “Tingnan mo nga naman. Ang tadhana na ang naglalapit sa inyo,” nakangising sabi ni Ash. “T-Teka! Sandali!” “Akala ko ba bawal ang killjoy?” natatawang tanong naman ni Ella. “A-Ano... ikaw ba, Mary? Gagawin mo rin kung ikaw si Kyle? Kahit katabi mo si Chase?” tanong ni Lucy sa akin. Ba’t ako? Nananahimik nga lang ako rito. “Siguro, bawal daw ang killjoy e,” sagot ko naman na siyang nagpatawa kay Ash. “Oh ano na? Kiss! Kiss!” natatawang sabi ni Ash. Mabilis naman ni hinawakan ni Kyle ang pisngi ni Lucy at hinalikan ito sa noo. “Next na!” sabi ni Kyle. Natawa naman si Ash a Ella pati na rin si Ryne. Si Lucy naman ay hindi na umimik pa. Nagpatuloy na rin ang laro. Huminto ang tugtog at napunta sa akin ang bowl. Kumuha naman ako ng papel doon at binuklat ang papel para mabasa ang nakasulat doon. "What is the craziest thing you’ve ever done and would you do it again?" pagnasa ko sa nakasulat papel. It was a truth question and not a dare. "I helped someone and almost got myself into trouble..." sabi ko. Katahimikan naman ang namayani sa buong paligid. "...you know how much I avoided engaging into troubles,kahit noong buhay pa ang Dad ko. Even if he always reminded me that troubles were part of life's experience and that I must not afraid of facing it, but I still couldn't." "Kailan iyon?" rinig kong tanong ng katabi kong si Jasper. "Hindi ko naman iyon masyadong inalala pa. At sa tanong kung uulitin ko pa ba ang ginawa kong pagtulong kahit muntik na akong masangkot sa g**o ay hindi ko alam. Hangga't hindi ako nasasangkot sa g**o, siguro... tutulong ako." "Hindi mo rin kailangan na sarilihin 'yan, Mary.We were still to help you kapag may kailangan ka," sabi naman ni Kyle. Ngumiti naman ako. "Salamat..." "Okay! Next na! Baka mag-iyakan pa tayo rito e," sambit ni Ash. Nagpatuloy naman ang laro hanggang sa huminto na naman ang music at ang bowl ay napunta kay Jasper.Kumuha siya ng isang papel sa bowl at binasa ang nakasulat doon. "In the group, who do like the most?" pagbabasa niya. Mukhang truth din ang napili niya at hindi dare. "Mukhang alam na namin ang isasagot mo, Jas. Hindi mo ma kailangan sagutin pa 'yan," sabi naman ni Ash saka kinuha ang bowl ma hawak ni Jasper. "Sino? Wala akong ideya?" nakakunot noong tanong ni Ella. Hindi siya masyadong madaldal ngayon dahil kumakain na naman siya ng fries. "Mary..." sabi naman ni Jasper kaya napatingin ako sa kanya. "See? Kahit 'di sabihin alam na alam na," sabi naman ni Kyle. Tumahimik naman ang paligid. "Kasi parang kapatid na ang turingan namin," sabi ko at tumawa ng peke. "Wala namang malisya, 'di ba, Jas?" tanong ko kay Jasper. Tiningnan naman niya ako at ngumiti. "Sino namang may sabi na mayro'n?" pabalik na tanong niya. "See? Sige na. Next na ulit," sabi ko at nilingon si Ash. Nanatili naman silang tahimik hanggang sa tinaasan ko ng kilay si Ash na may hawak ng bowl. "Sige, next na!" sabi niya. Palihim na napabuga naman ako ng hangin dahil sa awkwardness na nangyari. "Let one of the group go through your phone's gallery. Choose anyone." Napalingon naman ako sa gawi ni Chase nang marinig ang boses niya na nagbabasa. It's a dare. "Game! Bawal ang killjoy ah? Pili ka na sa amin!" excited na sabi ni Ella. "Piliin mo 'yong mapagkakatiwalaan mo, bro. Pumili ka ng tama," paalala naman ni Ash. Medyo na-curious naman ako dahil kakilala pa lang ni Chase sa student council members kaya paniguradong mahihirapan siya sa pagpili ng mapagkakatiwalaan. Well, kung wala namang sekreto sa gallery niya ay puwede siyang pumili kahit sino sa mga kasama ko. Saka alam ko rin na mapagkakatiwalaan silang lahat. "May consequences ba kapag hindi ko ginagawa ang dare?" tanong ni Chase. "Walang consequences kasi kailangan mo talagang gawin ang dare o sagutin ng truth ang tanong. Dapat wala talagang killjoy since tayo-tayo lang naman dito," sagot naman ni Lucy. "Okay," tanging sabi ni Chase. Nakita naman namin siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa bulsa ng pants niya at saka tiningnan kami isa-isa. Ilang sandali lang at huminto ang tingin niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay hanggang sa makitang naglakad siya papalapit sa akin. Inabot niya ang cellphone niya sa akin. "A-Ako?" may gulat kong tanong sa kanya. Ako?! As in, ako? Seryoso ba siya? "Make sure na ikaw lang ang makakakita," sabi niya. Napakurap naman ako ng ilang beses habang nanatili ang tingin sa cellphone niya na nakaabot sa akin. "Kunin mo na, Mary!" rinig kong sabi ni Ella. Hindi naman ako nagsalita at kinuha na nga ang cellphone ni Chase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD