CHAPTER 11

2614 Words
"READY na ba lahat? Baka may kulang pa," sabi ni Mom. "Ready na lahat, Mom." "No worries, Tita. I'll take good care of Mary. You could always count on me," may ngiting sabi ni Jasper. Sinara niya ang trunk ng kotse niya kung saan ko nilagay ang gamit ko. I'll be on his care for five days. "I know that, Jasper. Sinisigurado ko lang. You already knew that I'm always grateful for you. And I was really happy knowing that Mary was now slowly coming back to the way she was from the past," may ngiting sabi ni Mom. "Ako rin po, Tita. Sana magtuloy-tuloy na." Tinaasan ko naman sila ng kilay nang tingnan nila ako parehas. Ilang sandali lang ay sabay naman kaming napatingin tatlo nang biglang may nagbukas ng trunk ng kotse ni Jasper. "Let's go?" yaya ni Chase at sinara ulit ang trunk ng kotse nang maipasok niya roon ang maleta niya. "I'm so glad na sasama ka sa kanila, Chase. Go now. Mag-iingat kayo!" sabi na naman ni Mom. "Sige, Tita. Ingat din po kayo. We'll take care of Mary," sabi ni Chase. Feeling close? "Let's go." Tinanguan ko naman si Jasper nang binuksan niya ang pinto ng front seat ng kotse. Pumasok ako sa loob at isinara niya naman iyon. Umikot siya sa kabilang side ng driver's seat at pumasok na sa loob. "Saan tayo magbabakasyon?" rinig kong tanong ni Chase mula sa backseat ng kotse. Oo nga. Saan nga ba? "Buntod Aninaw. Remember that? Dinala na kita noon doon, Mary." Buntod Aninaw? Oo! Naalala ko na! "Sa Camanga ba iyon?" tanong ko kay Jasper. "Yes." Sinimulan niya namang paandarin ang kotse. "Out of town?" tanong na naman ni Chase. "No. Camanga was still part of Tukuran. Mga nasa twenty minutes ang biyahe at malayo sa maraming tao. Buntod Aninaw was located up in the mountain of Camanga and we have a rest house their own by my grandparents," pagpapaliwanag ni Jasper. Oo, naalala ko nga noon. Dinala ako ni Jasper sa rest house nila dahil may kinuha siya pero saglit lang iyon. Hindi ako masyadong nakapag-ikot sa paligid. Ang hindi ko lang malimutan ay ang kagandahan ng view mula sa rest house nila na kitang-kita ang mga punong kahoy at halaman sa babang parte rito. May presko rin na hangin ang lugar na iyon. Katahimikan naman ang namayani sa aming tatlo. Itinuon ko na lamg din ang atensiyon ko sa bintana ng kotse. Kahit nakasara ang salamin ng kotse ay kitang-kita ko pa rin ang labas nito. "You okay?" "Siguro..." "Tell me the truth, Mary. You shouldn't force yourself if you still—" "I'm okay, Jasper. I felt better than before... it's just—hindi ko alam. Naninibago? Masyado akong nagpakulong sa sakit noon kaya siguro ganoon," halos pabulong na sabi ko. "Then you're moving forward. That's the most important thing, Mary. And I know for sure that your Dad was proud of you, he was always proud of you." "I hope so..." tanging bulong ko habang nasa labas pa rin ng bintana ng kotse ang atensiyon. "ANG ganda!" sambit ko nang makalabas ng kotse. Narating din naman namin ang Buntod Aninaw sa maikling biyahe. Si Chase at tulog na tulog sa backseat ng kotse. Gigisingin ko sana pero pinigilan ako ni Jasper kaya hindi ko na naituloy, sayang nga e. "Mary! We're glad at nadala ka ni Jasper dito," masayang bungad na sabi ni Lucy na kakalabas lang mula sa rest house. She was the treasurer of the student council.l and currently a third year college student. "Salamat," sabi ko. Maganda talaga ang rest house nina Jasper. It looks like a small mansion outside. "May dala kayong gamit? Tawagin ko lang sina Kyle at Ash para maipasok ang gamit niyo," sabi naman ni Ryne na secretary ng student council. She was a fourth year college student. As the president and vice president of the student council, expected na talaga na maganda ang pakikitungo ng ibang members sa amin. We were their superior daw kasi. Umalis naman si Ryne at pumasok sa loob para nga tawagin si Kyle—the peace officer of the student council, currently a second year college student and Ash—the public information officer of the student council. He was also a fourth ywar college student. "Mary! Finally! I missed you!" Dinambahan naman ako ng yakap ni Ella. Siya ang pinakamakulit at madalas nakadikit sa akin noon kapag nagtitipon kami ng mga student council members. She leads the student council committee and currently a second year college student. "I missed you too," sabi ko naman at niyakap siya pabalik. "Come on, pumasok na muna tayo sa loob," yaya ni Lucy. Nauna siyang pumasok. Sumunod naman ako at si Ella na nakahawak sa bisig ko. Si Jasper naman ay nasa likuran namin. Namangha naman ako sa kabuoan ng loob ng rest house. May mga antique akong nakikita na gamit sa paligid. May mga aesthetic painting din na nakasabit sa pader at malawak din ang espasyo nito. Hindi ako nakapasok sa loob nito noon dahil pinaghintay lang ako ni Jasper sa labas. Sobrang ganda talaga ng loob. "Halika, ituturo ko 'yong magiging kwarto mo," sabi ni Jasper saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. Nabitawan naman ako ni Ella nang hilain ako ni Jasper. "Maraming kwarto rito? tanong ko. Binitawan niya ako nang marating namin ang second floor ng rest house. Ang gara naman talaga. "Hindi naman pero I did reserved you a room para maging komportable ka. 'Yong iba ay sumang-ayon naman na maghati sa isang kwarto," sagot niya naman. Hindi naman ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya sa paglalakad hanggang sa narating namin ang pinakadulong kwarto. Huminto siya roon kaya huminto rin ako. "Nandito na ang gamit mo, Mary. Ayos lang ba na rito ko na ilagay?" Tinanguan ko naman si Ash. "Salamat, Ash." "Walang anuman! Baba na muna ako," may ngiting sabi niya. "Hindi naman siguro sila galit sa akin, hindi ba?" Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa kaya napatingin ako kay Jasper. Huminto rin siya sa pagtawa nang tingnan ko siya. Umiling-iling siya. "No. Hindi sila galit sa 'yo. They were all happy when I told them that you'll be here." Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Maybe they were really happy to see me pero... nakokonsensiya ako sa paglayo ko sa kanila. Tapos na rin iyon, hindi ko na mababalik pa. At kahit magsisi ako, walang magbabago. "Huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano. Alam kong alam na alam nila ang pinagdaanan mo kaya naiintindihan na ng lahat. We were here to spend more time to each other at hindi para mag-isip ng negatibo." "Oo na. Nangangaral ka na naman e," sabi ko at kinuha ang maleta ko na may laman na sapat na gamit ko for five days. Ngumiti naman siya. Nako talaga nga naman! Kaya kahit na strikto ang pagmumukha, mawawala iyon kapag ngumiti na siya. "Kwarto ko na ba 'to? Mag-aayos muna ako ng gamit saka ako bababa. Ayos lang?" "Syempre naman. Take your time. Call me whenever you need something," sabi niya. Tumango naman ako bago binuksan ang pinto ng kwarto na nasa harapan ko at pumasok na sa loob. Sinara ko rin agad ang pinto. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Sobrang linis at walang kagamit-gamit ang kwarto. Gawa sa antique wood ang cabinet, drawer, at kama na nasa kwarto. Puting-puti rin ang kulay ng bed sheet ng kama na nakapaibabaw mattress foam nito. May nakikita rin akong aesthetic painting na nakasabit sa dingding ng kwarto. Mahilig siguro ang family nila ng mga aesthetic paintings. Oo nga pala, medyo mayaman sina Jasper. May bahay at rest house sila rito sa Tukuran at may bahay rin sila sa Pagadian city. Gusto ni Jasper na dalhin ako sa bahay nila sa Pagadian city pero dahil medyo busy kami noon, hindi naituloy. Itinabi ko naman ang maleta ko sa may kabinet at nagpasyang umupo sa kama. Ang lambot din ng kama nila. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinimulang ilagay ang gamit ko sa kabinet. Mabilis din akong natapos dahil hindi naman gaano ka g**o at karami ang gamit na dinala ko. Napagpasyahan ko nang bumaba matapos kong ayusin ang gamit. Nilisan ko ang kwarto at naglakad hanggang sa makababa ako ng hagdan. Mula sa kinaroroonan ko ay naaaninag ko naman ang iba na nakaupo sa couch at nanonood ng palabas sa tv na nasa harapan lang nila. Nagkululitan din 'yong iba. "Halika, Mary! Sabayan mo kami!" sabi ni Ella. Ngumiti naman ako ng tipid bago naglakad papalapit sa kanya at umupo sa espasyo sa tabi niya. "Sina Jasper, Lucy, at Ash ay nasa kusina, nagluluto ng makakain," sabi ni Ella nang makaupo ako sa tabi niya. "Ayusin mo, huwag ganyan," rinig kong sambit ni Ryne. Napatingin naman ako sa gawi niya. Nakita ko si Chase na seryosong nakatingin sa cellphone na para bang naglalaro yata ng mobile game. "Iyon na. Panalo ka na!" sabi na naman ni Ryne. "Iyon lang? Wala bang mas mahirap?" tanong ni Chase. Napailing-iling naman ako. Mabuti at may nakakasundo na siya rito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Ella nang tumayo ako. "Sa kusina, maghahanap ng makakain. Sama ka?" Mabilis naman na tumayo si Ella. "Tara!" sabi niya at nauna nang maglakad. Sumunod naman agad ako sa kanya. Medyo naghahanap ng makakain ang tiyan ko e. Malapit na rin pa lang magtanghalian. "May pagkain na ba? Nagugutom na kami ni Mary," bungad na sab ni Ella nang makapasok siya sa kusina. Nakasunod naman ako sa kanya. "Fries!" masayang sambit na naman ni Ella at agad na tinungo ang mesa kung nasaan ang sinasabi niyang fries. "Check the oven. May siomai roon na pinapainit ko. Nasa mesa rin ang sauce no'n," sabi ni Jasper sa akin. Nagningning naman ang mata ko sa sinabi niya at agad na tinungo ang oven. Binuksan ko iyon ay may siomai nga roon. Tiningnan ko iyon kong ayos na ba ang pagkakainit at nang masiguro na ayos na ay kinuha ko na iyon doon. Inilagay ko sa mesa ang mainit na siomai at umupo sa may bakanteng upuan doon. Nakaupo na rin si Ella at kumakain na ng fries. Favorite ko talaga ang siomai at dali, madalas ini-spoiled ako ng siomai at pagkain ni Jasper. "Iba talaga mag-alaga ang president ng student council 'no?" rinig kong sabi ni Ash na sinabayan ng pagtawa. "Tumahimik ka baka masapak ka niya. Ayusin mo nga ginagawa mo, baka pumangit ang lasa niyan maging kasing pangit mo," saad naman ni Lucy. "Naiinggit ka lang e." "Ako maiinggit? Heh! Ang epal mo lang kasi." "Ang aga pa, nag-aaway na naman kayong dalawa," sabi naman ni Ella. "Unahin niyo muna ang pagluluto saka na kayo magbangayan," sabi naman ni Jasper dahilan para matahimik silang dalawa. "Baka may maitulong ako—" Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko nang may nakita akong tinidor papunta sa kinakain kong siomai. "Delicious." Tiningnan ko naman ng masama si Chase dahil kumuha siya ng siomai at sinubo sa bibig niya. Nakangisi pa siya na nakatingin sa akin. Nang-aasar ba siya? "What?" painosenteng tanong niya at akmang kukuha na naman sana nang tapikin ko ang kamay niya. "Wala ka yatang galang," seryoso kong sabi sa kanya. "Sa 'yo ba 'yan?" tanong niya. "Oo, sa akin 'to. May angal ka?" mabilis na sabi ko. "Sabi ko nga sa 'yo 'yan." "Maraming binili na siomai si Jasper. Kuha ka ng plato, Chase. Mukhang ayos na 'tong nilagay ko sa oven," singit naman ni Ryne. Nakita ko naman si Chase na umalis para kumuha nga ng plato. "Labas kayo pagkatapos, ang dami niyo na rito sa kusina," sabi naman ni Lucy. Kinuha ko naman ang plato ko ma may laman pa na siomai at tumayo. Akmang aalis na sana ako sa kusina nang pigilan ako ni Jasper. "Dito ka lang, Mary. Ikaw titikim ng niluto namin," sabi ni Jasper. Tumango-tango naman ako syempre pagkain na na 'yong pinag-uusapan e. "Sige, walang problema," sabi ko at bumalik sa pagkakaupo. "Ella! May tawag galing sa members mo. Iniwan mo ang cellphone mo sa couch!" pasigaw na sambit naman ni Kyle mula sa labas ng kusina. "Coming!" sabi naman ni Ella saka kinuha ang plato na may lamang fries at mabilis na lumabas ng kusina. Ang busy naman yata talaga nila habang ako ay kumakain lang. Saka lang naman ako nagiging busy kapag busy rin si Jasper. Minsan ako sumasalo sa gawain niya o kaya ay siya talaga madalas nagpapagawa ng mga bagay-bagay sa akin na related sa school. Napakunot naman ang noo ko nang makita si Chase na may dalamg plato na may lamang siomai at umupo sa katabing upuan ko. "Dalhin mo na lang sa labas 'yang iba," sabi niya kay Ryne. Hindi naman nagsalita si Ryne at lumabas na habang dala-dala ang tupperware na may lamang siomai. "Bakit ka nandito? Samahan mo sila sa labas," sabi ko. "May sinasabi ka?" Sinubo ko naman ang tinidor na may siomai habang nakatingin sa kanya ng masama. Kapag ako napuno sa kanya, baka masakal ko na talaga siya. "Mary, come here." Tumayo naman ako habang nakatingin pa rin ng masama kay Chase. Tiningnan niya ako at ngumiti. Ang kapal ng mukha. Lumapit ako kay Jasper at hinarap niya naman ako na may palayok na hawak. Sa palayok ay may sabaw na mukhang mainit pa pero matapos niyang hipan ay tinikman ko agad. "Masarap?" tanong niya. Mabilis naman akong tumango. Nilagang baboy ang niluluto niya at gaya nga ng inaasahan ko ay magaling pa rin siya sa pagluluto. "Tikman mo rin 'to, Mary," sabi naman ni Lucy kaya lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang kutsara na binigay niya at tinikman ang adobong manok na niluto niya. "Mmm! Masarap! Magaling ka pala magtimpla, Lucy," sabi ko. "Syempre naman! Ako kaya ang tagaluto sa amin. Saka dati rin akong nagtitimpla ng pagkain natin 'no!" proud na sabi niya. "Hoy—teka, Chase! Mainit 'yan!" rinig kong sabi ni Ash. Tiningnan ko naman ang kinaroroonan ni Chase at nakitang naghahain si Ash sa mesa. Kitang-kita ko rin kung paano kainin ni Chase ang niluto ni Ash. "What was this called?" tanong ni Chase. "Ngayon ka lang nakakain ng ganyan?" manghang tanong ni Ash. Tumango naman si Chase. "Tulapho 'yan. It was just a crispy fried pork. Masarap ba?" "Yeah. It's good," sagot naman ni Chase habang ngumunguya pa. "Everything's seems ready. Tawagin niyo na ang iba. Maghahain na tayo," sabi ni Jasper. "Ako na ang tatawag sa kanila," sabi naman ni Lucy. Umalis na siya at pinalitan ko naman siya sa puwesto niya. Marunong ako magluto pero hindi ako mahilig magluto kung saan-saan. Kumuha ako ng pinggan na siyang lalagyan ng adobong manok. Sina Ash at Chase naman ay nakita kong hinahanda ang mga plato, baso, at kutsara sa mesa. Mabilis din naman kaming natapos na maghain at saktong-sakto lang dahil pumasok na ang ibang kasama namin sa kusina. Kanya-kanya na rin kami ng upo sa mga bakanteng upuan katapat ng mesa kung saan nakahanda ang mga pagkaing luto na. Tiningnan ko naman sila na nag-aasaran na at nagkukuwentuhan. "Manalangin muna tayo," sabi ni Kyle kaya naman unti-unti tumahimik ang paligid. I was really lucky being a part of the student council. Tama nga ang sinabi ni Dad noon sa akin na pagsumali ako, hindi ako magsisisi. The student council was not just all about the tasks related to the school... it was also all about understanding each members, creating memories together, and treasuring the good relationship to each other. Maybe... it was also depends on how the president of the student council lead the other members.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD