CHAPTER 10

2556 Words
NAGISING ako dahil sa narinig kong ingay mula yata sa baba. Anong oras na ba? Kinapa ko naman ang cellphone ko na nasa gilid lang ng kama ko sa itaas ng drawer at tiningnan kung anong oras na. Six o'clock umaga?! Agad naman akong napatayo nang makarinig na naman ng ingay mula sa baba. Agad na bumangon ako at bumaba. Sinundan ko kung saan nanggaling ang ingay at nakarating ako sa kusina. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" inaantok sa sambit ko at naghikab. Nakita ko naman si Chase na pinulot ang kutsara sa sahig. Mukhang nagluluto yata siya ng kung ano. "Alis nga diyan. Baka sunugin mo pa ang bahay namin—" Pinutol niya naman ang sasabihin ko at hinarangan ako na akmang papalitan siya sa puwesto niya. "Kaya kong magluto. Ako na ang bahala rito. Pasensya na kung nagising kita. Hindi lang ako sanay sa kusina niyo," sabi naman niya dahilan para mapatigil ako. "May problema ba?" tanong niya nang mapansin yata ang pagtigil ko. Umiling-iling naman ako at tumalikod para bumalik sa kwarto ko. "Puwede naman pa lang magsalita ng straight na tagalog e," bulong ko habang paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Nang makarating sa kwarto ay agad na nagligo ako at nagbihis. Hindi ako aalis ng bahay, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Siguro ay magtutulog ulit ako mamaya. Papaalisin ko muna si Chase. Matapos magbihis at mag-ayos ng sarili ay bumaba ulit ako. Mabilis na tinungo ko ang kusina dahil baka kung ano na ang ginawa ni Chase sa kusina namin. "Finally done. Come on," sabi niya nang makapasok ako sa kusina. Tumaas naman ang kilay ko at tiningnan ang breakfast na nakahanda sa mesa. May itlog, hotdog, bacon, at prutas sa mesa. "Hindi porke't pinayagan kitang matulog dito ay magkaibigan na tayo," sabi ko at tinungo na ang bakanteng upuan saka umupo roon. "Wala akong sinabi," sabi naman niya at umupo sa harap ko. Hindi naman ako umimik at nagsimula nang kumain. Infairness, ayos naman pala siya magluto. Hindi sunog at hindi rin hilaw, sakto lang. Well, kung palagi ba naman siyang magluluto ng pagkain, baka—baka lang naman na magkasundo kami sa future. "How was it?" "Ulam pa rin naman. Simpleng breakfast lang naman ang niluto mo. Hindi mo mapapahanga ang isang tao sa simpleng breakfast lang," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. "Oo nga pala. Magpapahinga ako ulit, baka naman puwede ka nang umalis. May bahay naman kayo," sabi ko. "Mayro'n nga wala namang tao..." pabulong na sabi niya pero narinig ko iyon. Medyo nakonsensiya naman ako sa pagtataboy ko sa kanya. Baka kasi masangkot na naman siya sa kung anong g**o at masali ako. Napabuntong hininga na lang ako. "Stay whenever you want. I didn't care. Just don't disturb me," sabi ko at nagpatuloy ulit sa pagkain. Natapos naman agad ako kaya tumayo na ako at hinugasan ang pinggan ko bago iniwan si Chase sa kusina. Bumalik ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay narinig ko naman ang cellphone ko na tumunog sa kama ko kaya kinuha ko iyon. Tumatawag si Jasper. Ano kayang kailangan niya? "Hello?" bungad ko. "Bakit ang tagal mo sagutin? Was everything alright?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. "Yeah? Bakit? May problema ba?" Pabalik na tanong ko. "Malapit na ako sa bahay niyo. May sasabihin lang ako sa 'yo at aalis din." Agad na napahinto ako at napakurap ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa makarinig ako ng doorbell na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa gate ng bahay namin. Mabilis na pinatay ko ang tawag at tumakbo palabas ng kwarto ko pababa ng hagdan at palabas sa pinto ng bahay papunta sa gate. Hingal na hingal ko naman na tiningnan ang lalaking nakatayo na sa gate namin at unti-unting binubuksan ang nakasarang gate. "Chase?" Napasampal ako sa noo ko nang bumungad sa labas ng gate ang mukha ni Jasper. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkalito at mukhang galit pa nga. "What are you doing here?" seryosong tanong niya kay Chase. Agad na inayos ko naman ang sarili ko dahil mukhang hindi nila ako napansin. "Jas! You're here! Pasok ka," sabi ko na may pilit na ngiti. Lumapit ako sa gate at itinulak si Chase sa kung saan para harapin si Jasper. "Anong ginagawa niya rito?" tanong na naman ni Jasper. "Her parents told me to guard her for the meantime. Wala kasi sila rito," sagot naman ni Chase. Siniko ko naman siya sa kasinungalingan niya. "Pasok ka muna, sa loob tayo mag-usap," sabi ko kay Jasper at nauna nang pumasok sa loob. "Bakit walang sinabi ang Mom mo sa akin na ikaw lang mag-isa rito?" tanong ni Jasper habang papasok kami ng bahay. Yes, my Mom always informed Jasper kapag ako lang mag-isa sa bahay para mabantayan niya ako. Not to the point na matutulog si Jasper dito sa amin, he would just call me every hour until my Mom comes back. Gaya ng sabi ko, malapit kami ni Jasper dati at malapit na rin siya sa family ko. He was like an older brother to me. When my Dad died, I treated him as a stranger since hindi naman talaga kami blood related. Si Dad at Jasper ay malapit din noon kaya alam kong nasaktan din siya sa pagkawala ni Dad. He always told me dati to fight and stand again dahil iyon ang nais ni Dad pero hindi ako nakinig sa kanya hanggang sa unti-unti ko na siyang nilalayuan. "Baka nakalimutan lang. Masyado na rin kasi siyang busy ngayon," sabi ko naman. Umupo naman kami sa sofa sa sala at nakita ko rin si Chase na umupo sa kasama namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ano pa ang ginagawa niya rito? Hindi ba talaga siya aalis? Aist! Sinabi ko nga pala na puwede siyang manatili hangga't kailan niya gusto. Kainis naman! "And how did he ended up here?" tanong na naman ni Jasper. "Binugbog siya kagabi diyan sa labas. Wala ang parents niya at nakita ko siya kaya siya nandito," sagot ko naman. Wala akong plano na magsinungaling sa kanya. "I see." Nakita kong tiningnan ni Jasper si Chase. Bakas pa sa mukha ni Chase ang galos at pasa na natamo niya yata kagabi kaya alam kong naniniwala na si Jasper. Alam na alam niya rin na hindi ako magaling magsinungaling. "Ano ang kailangan mo kay Mary?" tanong ni Chase. Ang sarap niyang sakalin, nanggigigil ako e. "About that... I want you to come with me—I mean with us. The faculties made a decision to put the student council members into vacation. We have one week and I wanted us to hangout with the other members," sabi ni Jasper habang nakatingin sa akin. "Kailan? Ngayon na ba?" tanong ko. "Bukas. I'll pick you here." "Sasama ako." Sabay naman kaming napatingin ni Jasper sa nagsalita. Nakita ko si Chase na prenteng nakaupo at nakatingin sa amin. "I was also a member of the student council. Hindi ba ako kasama sa exemption?" Tiningnan ko naman si Jasper. Sana umiling-iling siya at sabihin na hindi kasama si Chase. "Yeah. Makakasama ka kapag nakumbinsi mo ang ibang members na kasali ka kasi magiging unfair sa members mo kung ikaw magbabakasyon tapos sila hindi. Convince them then I will also let you go with us tomorrow," mahabang sabi ni Jasper. Nakahinga naman ako ng maluwag. Alam kong hindi niya kaagad mapapapayag ang members niya lalo na si Angel. Hindi rin basta-basta sasang-ayon iyon na magbakasyon ako o malayo sa kanya ng isang linggo lalo na't magkasama na kami noon pa— "I already told them about that and they let me. Pasasalamat na rin daw nila iyon sa pagpili ko sa kanila na masali sa student council." Napapikit naman ako dahil sa sinabi ni Chase. Mahigpit na hinawakan ko ang unan na nasa tabi ko lang habang nakatingin kay Chase. Akala ko pa naman ay malalayo ako sa kanya kahit na sa konting panahon lang pero trip niga yata talaga akong buntunan kahit saan ako magpunta. Magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto. "Kuya Jasper!" masiglang sabi ni Katie at tumakbo papunta kay Jasper. Oo close sila. Dumadalaw rito madalas si Jasper matapos mamatay ang Dad ko pero kahit kailan ay hindi ko siya kinausap hanggang sa months later huminto na rin siya sa pagdalaw dahil na rin siguro sa naging busy siya sa pagiging president ng aming student council. "May mga bisita ka pala, Mary. Alam niyo, rito na kayo maglunch. Magluluto ako since namili ako ng maraming ingredients sa Pagadian city," sabi ni Mom habang hila-hila ang isang may kalakihang market cart. "Tulungan na kita, Tita." Nakita ko namang kinuha ni Chase ang cart at siya na ang naghila papunta sa kusina. "Kamusta ka na?" "Ayos na ayos, kuya! Nagkakasundo na kami ni ate Mary!" masayang sagot naman ni Katie. "Really?" manghang tanong ni Jasper at nilingon ako. Nginitian ko naman siya ng tipid. "Wala ka bang aasikasuhin? Sabi mo kasi kanina ay aalis ka agad pagkatapos mo akong kausap," sabi ko kay Jasper. Si Mom ay sumunod na kay Chase sa kusina. "Akala ko kasi nagpapahinga ka kaya 'yon ang sinabi ko. Was it okay if I accept your Mom's offer to have lunch here?" "Oo naman. Bakit naman hindi?" "Well, I was just worried. Baka awkward sa 'yo." "Awkward? Hindi 'yan, kuya! Ate Mary was just busy that's why she couldn't entertain you. She doesn't feel awkward on you at all. Hindi ba, ate Mary?" "Oo naman," pagsang-ayon ko at ngumiti. "I'm really glad..." rinig kong pabulong na sabi ni Jasper habang nakatingin sa akin. "... sana tuloy-tuloy na," dagdag niya. NAPAHIGA ako sa kama at napatingin sa kisame. It's already three o'clock in the afternoon. After maglunch ni Chase at Jasper dito ay nakipagkulitan muna sila kay Katie. Si Mom naman ay busy sa kwarto niya habang ako ay nakatingin lang sa pinaggagawa nila Chase, Jasper, at Katie. After an hour ay umalis din ang dalawa. Naiwan ako kay Katie at nanood kami ng movie na pinangako kong panuorin kapag may free time ako. After some minutes ay nakatulog siya. Nilipat siya ni Mom sa kwarto niya at pinatay ko na rin ang movie. Ngayon ay nakahilata naman ako sa kama ko at feeling ko sobrang pagod na pagod ako sa mga nangyari kanina. Pumayag na rin si Mom sa bakasyon na sinasabi ni Jasper bukas kaya maghahanda na ako maya-maya. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko na iniwan ko sa kama. Sino na naman kaya ang tumatawag? Sinagot ko agad ang tawag na hindi tinitingnan kung sino iyon. "Mary?! Ano? Sana all may bakasyon. Huhuhu magsisisi na ba ako?" bungad ni Angel sa kabilang linya. "Buti nakapagload ka," sabi ko naman. "Iyan talaga ang una mong sasabihin? Mamimiss kita! One week? Ang haba naman no'n!" "Kasalanan mo rin kasi. Akala ko hindi ka papayag na sasama si Chase. Baka nga maipalusot pa kita na sumama sa amin pero sumang-ayon ka na kay Chase kaya wala na," walang gana kong sabi. "Sorry naman! Kasi almost of us agreed and tama nga naman sila. Pasasalamat na rin namin iyon kay Chase. Sumang-ayon na rin ako dahil sa mga ibang comments. Alam mo try to open your social media para updated ka sa website ng school. "No need. Updated naman ako palagi." "Sinabi mo e. Basta mag-iingat ka sa bakasyon niyo. Kwentuhan mo ako pagkatapos. Papatayin ko na ang tawag. I-tetext na lang kita mamaya o buhay. Bye-bye!" Pinatay na rin niya ang tawag kaya inilagay ko na ang cellphone ko sa drawer. Ipinikit ko ang mata ko at unti-unti nang nilamon ng antok. NAGISING ako dahil sa narinig kong tunog ng cellphone ko. May tumatawag? Kinapa ko namam gamit ang kamay ko amg cellphone ko na nasa drawer sa may gilid ng kama at agad na sinagot ang tawag. "I'll see you tomorrow," rinig kong sabi ng kabilang linya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Jasper iyon. "Okay," tanging sabi ko at pinatay na niya ang tawag. 'Yon lang? Humikab naman ako at umupo sa kama. Nakatulog pala ako, anong oras na ba? Sox o'clock ng hapon? Akala ko umaga na e. Tumayo ako at ibinaba ang cellphone sa kama bago tinungo ang pinto ng kwarto para lumabas. Bumaba naman ako sa sala at nakita si Katie na nanood ng barbie na movie roon. "Ate Mary! Gusto mo manood ulit tayo? Si Mommy ay nasa kusina, nagluluto ng dinner," sabi ni Katie. Tinanguan ko naman siya. "Okay. Just give me a minute," sabi ko at naglakad papunta sa kusina. Nakita ko naman doon si Mom na nagluluto nga ng pagkain para panghapunan siguro. "Naghanda ka na ba para bukas?" tanong ni Mom. "Mamaya na lang. Nakatulog kasi ako," sabi ko habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. "Sige. Pakisamahan mo muna si Katie sa sala. Malapit nang maluto ito," sabi na naman niya. Hindi naman ako magsalita pa. Pagkatapos uminom ng tubig sa kusina ay pinuntahan ko naman si Katie at umupo sa tabi niya. Pinalitan niya rin ang pinapanood namin. Tahimik lang kaming nanood ng movie ni Katie hanggang sa tumunog ang doorbell ng gate namin. "Mary, tingnan mo nga kung sino ang nasa labas. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon," rinig kong utos ni Mom mula sa kusina. "Huwag mo na lang i-pause. Babalik din ako agad," sabi ko kay Katie at tumayo mula sa pagkakaupo. Tinungo ko ang labasan at ang gate. May naaninag naman akong bulto ng tao pero hindi ko masyadong makita dahil medyo madilim sa bandang gate namin. "Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ko at hindi muna binuksan ang gate. Baka kasi masamang tao. "May pinapabigay na ulam si Mom," sabi ng pamilyar na boses. "Akala ko m******s," pabulong na sabi ko at binuksan ang gate. Nakita ko naman si Chase na may inabot na tupperware sa akin. Kinuha ko naman iyon. "Salamat," tanging sabi ko at agad na sinara ang gate. "Sasabay ako bukas sa inyo ni Jasper," sabi niya. "Gawin mo kung ano ang gusto mo," sabi ko naman at tumalikod na. Naglakad ako papasok sa bahay namin at dumeretso sa kusina. "Sino 'yon?" tanong ni Mom. "Si Chase, naghatid lang ng ulam," sagot ko naman. Inilagay ko sa mesa ang ulam at akmang aalis na nang magsalita si Mom. "Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa." "Si Chase ang sinabihan mo na mag-isa lang ako at hindi si Jasper?" tanong ko. "Yes, I did that. Ayoko na munang madisturbo si Jasoer dahil palagi na lang siya ang nauutusan ko na magbantay sa 'yo—" Pinutol ko naman ang sasabihin niya. "Mas gusto ko pa na si Jasper ang disturbuhin mo kaysa kay Chase. Hindi porke't magkaibigan kayo ng parents niya ay magiging kaibigan ko na rin siya." "You should open your heart to him, Mary. Iyon lang ang nais ko. Don't hate him. Alam kong alam mo na kahit gaano pa kasama ang isang tao, may kwento sa kabila ng kung sino sila na hindi natin inaasahan. And Chase seems a good guy." Hindi naman ako nagsalita pa at umalis na sa kusina. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Katie at umupo roon. I didn't like him nor hate him. Kaibiganin? Ayoko pero... who knows.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD