“WHAT do you think?”
Tiningnan ko naman ang ginawa ni Angel.
“Good. Kulayan na lang natin dito tapos dito rin,” sabi ko habang tinuro and side kung saan hindi pa nakukulayan. Gumagawa kami ngayon ng collage about sa nangyaring camping sa school. With the group of two, we would present our collage in front of our classmates. As always expected, magkasama na naman kami ni Angel.
Well, everything was great dahil may talent si Angel sa drawing at magaling din siya sa color combinations. Siya na ang bahala sa output ng collage samantalang ako naman ang bahala sa magiging explaination namin.
“Feeling ko nag-iba ang aura mo ngayon. I mean iba na ang aura mo ngayon kasya aura mo noon.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko rin alam pero gusto ko yata ang aura mo ngayon kaysa dati.”
Napailing-iling naman ako sa pinagsasabi ni Angel.
“Ate Mary! Puwede ba akong humiram ng libro? Dito lang ako sa kwarto mo magbabasa.” Bigla namang pumasok sa kwarto ko si Katie. Hindi naman agad ako nakapagsalita.
“Sige,” tanging sabi ko.
Agad na napatingin naman ako kay Angel nang sikuhin niya ako.
“May hindi ka ba sinasabi sa akin? Close na yata kayo ng stepsister mo,” pabulong na sabi ni Angel sa akin.
“Hindi naman kami magkaaway,” sabi ko naman at nagpatuloy sa pagsusulat ng explaination.
“Talaga ba? Kung ganoon ay masaya ako sa ‘yo, Mary. Sana ay tuloy-tuloy na ang pagiging anghel mo.”
“Bakit? Demonyo ba ako sa ‘yo?”
Narinig ko naman ang pagtawa niya.
“Biro lang naman.”
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagsulat. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at nagpatuloy na rin sa ginagawa niya.
"Mary? Nandito ba si—Katie! Come on! We need to go now. Mary, ikaw na muna ang bahala sa bahay. We would be back by Monday. Mag-iingat ka rito," sabi ni Mom nang bigla siyang pumasok sa kwarto ko.
"Okay," tanging sabi ko.
Aalis sila para dalawin ang stepdad ko sa Pagadian city. They wanted me to come pero ayoko.
"Saturday pa lang ngayon, ayos lang sa 'yo na maiwan mag-isa rito?" tanong ni Angel.
Nakaalis na sina Mom and Kati sa kwarto ko.
"Hindi na, nasanay na ako."
"Paano kung may biglang pumasok? O pagtangkaan ang buhay mo? O gahasain ka?"
Napailing-iling naman ako sa pinagsasabi ni Angel at tiningnan siya.
"Kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Hindi mangyayari iyan dahil secured ang bahay namin. Wala namang akyat bahay rito except lang kung magpapapasok ka ng kung sino-sino saka mangyayari ang pinagsasabi mo," sabi ko naman.
"Syempre, nag-aalala lang naman ako sa 'yo."
"Hindi mo na kailangang mag-alala dahil ayos na ayos ako, okay?"
"Oo na, alam ko naman na alam mo na kung ano ang ginagawa mo."
Katahimikan na naman ang namayani sa amin nang hindi na ako nagsalita pa.
Mabilis din na lumipas ang oras at natapos din kami sa ginawa namin. Nagkaroon pa kami ng pagkakataon ni Angel na manood ng palabas sa tv namin.
Umuwi na rin siya nang unti-unti nang dumilim ang kalangitan.
"Ayos ka lang ba talaga na mag-isa rito? Baka puwede kitang samahan?" tanong ni Angel habang palabas kami sa gate ng bahay.
"Ang kulit mo talaga. Ayos lamg ako, okay? Sige na, alam kong mas kailangan ka sa inyo. Magkita na lang tayo sa lunes," sabi ko naman. Saturday pa ngayon at bukas ay mukhang magkakaroon talaga ako ng sapat na panahon para magpahinga. Ang dami rin kasing nangyari sa linggong ito.
"Sige. Tawagan mo ako anytime. Bye-bye!"
Hinintay ko naman na makalayo si Angel bago naisipang pumasok sa loob ng bahay para magluto ng hapunan. Pagkapasok ko ay dumeretso naman agad ako sa kusina.
Marunong ako magluto dahil madalas akong tinuturuan ng Dad ko noon. Minsan din ay si Mom ang nagtuturo sa akin.
Tiningnan ko ang orasan na nakadikit saay dinging ng kusina. Six o'clock na ng hapon. Ang bilis ng oras.
Naghanda naman ako ng mga ingredients at kinuha ang mga kakailanganin sa pagluluto. Hinugasan ko na rin ang isda na nakita ko sa refrigerator. Mabuti na lang at mahilig mag-stock ang Mom ko ng mga pagkain. Tinolang isda ang lulutuin ko ngayon.
Agad na nabitawan ko naman ang isda nang makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano. Kinuha ko ang isda na nahulog sa lababo at saka itinabi iyon. Hinugasan ko muna ang kamay ko bago lumabas sa kusina at tinungo ang labasan ng bahay para tingnan kung ano ang nangyari. Mukha sa labas yata ng bahay nanggaling ang pagkabasag na narinig ko.
Nang makalabas ay tinungo ko naman ang gate. Nang makalapit at napakunot ang noo ko nang makakita ng kumpol ng mga tao sa kabilang side sa harap ng bahay namin.
"Anong ginagawa niyo? Gabi na ah?" biglang sabi ko habang nasa loob lang ng gate. Gawa sa grills ang gate namin at may sapat ma ilaw rin sa may poste sa gilid ng bahay namin kaya medyo nakikita ko sila. Hindi ko nga lang mamukhaan at mabilang kung ilan sila.
"May tao! Hali na kayo!"
"Hayaan niyo na siya! Hindi na 'yan kikilos!"
Mas lalo namang napakunot ang noo ko sa mga sigaw na narinig ko mula sa kanila. Akmang sisigaw na sana ako nang bigla na lang silang kumaripas ng takbo.
Napailing-iling na lang ako at akmang tatalikod na sana para bumalik sa ginagawa ko nang may maaninag akong anino ng tao na nakasandal sa gilid ng isang kotse. Kotse? Kotse nina Chase ba 'yon?
Binuksan ko naman ang gate at naglakad para lapitan ang taong nakasandal sa may kotse. Nang papalapit ay napansin ko naman ang basag na side sa pinto ng kotse. Bumungad naman sa akin ang pamilyar na mukha na puno ng dugo na lalaki nang makalapit ako ng tuluyan sa may kotse.
"Chase?" may bahid ng pagkagulat na sambit ko sa pangalan niya.
Agad naman akong umupo at sinuri siya.
"Hoy! Patay ka na ba?" tanong ko at niyugyog siya.
"C-Could you stop that? You're hurting me..." halos pabulong na sabi niya.
Napangiwi naman ako nang magsalita siya. "Buhay pa pala," bulong ko.
Napabuntong hininga naman ako at tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at hinanap ang number ng hospital sa contacts ko.
"D-Don't... call... hospital..."
Napahinto naman ako sa sinabi ni Chase.
"Tapos ano? Hahayaan na lang kita na mamatay riyan? O ako na naman ang gagawin mong doktor? First aid lang ang magagawa ko."
Wala naman akong narinig pa sa kanya. Patay na ba siya?
"Aish!" may pagkainis na sambit ko bago inilagay ang cellphone sa bulsa ko.
Labag man sa loob ay dahan-dahan kong itinayo si Chase mula sa pagkakaupo.
"Wala pa ba ang parents mo?" tanong ko.
"Wala p-pa," sagot naman niya.
Wala na akong choice.
Kinaladkad—I mean tinulungan ko naman siya at inakay papunta sa bahay namin. Ang malas ko naman talaga! Pangalawang beses na 'to!
Nang tuluyan na kaming makapasok sa gate ay sinara ko muna iyon pagkatapos ay naglakad na naman kami papasok sa mismong pinto ng bahay at isinara ko na naman iyon bago ko tinulungan si Chase na makaupo sa sofa namin sa sala.
Kinuha ko naman ang first aid kit ko sa kwarto at kumuha muna ng ice cube sa refrigerator na ilalagay sa bimpo bago binalikan si Chase sa sala.
Nakaupo naman siya sa sofa habang nakasandal ang likuran niya sa sandalan nito at nakapikit ang mata. Tumabi naman ako sa kanya at sininulang linisin ang dugo na kumalat sa mukha niya. May nakita naman akong kaunting daplis sa pisngi niya at ang pasa niya sa labi ay mas lumala pa kung saan nanggaling ang dugo na nagkalat sa mukha niya.
Nanatili siyang nakapikit hanggang sa malinis ko ang sugat niya at malagyan ng band aid ang daplis sa pisngi niya. Inayos ko naman ang bimpo na nasa mesa sa harap ng sofa.
"Ikaw na ang maglagay nito sa mukha mo," seryosong sabi ko at tumayo na. Hindi naman siya nagsalita hanggang sa umalis ako para ibalik ang first aid kit ko sa kwarto ko.
Nanatili siya sa sofa habang ako naman ay bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa kong pagluluto.
Ilang minuto rin ang lumipas ay natapos din naman ako kaya mabilis akong naghain sa mesa dahil nagugutom na ako. Nang makahain ay bigla namang pumasok si Chase sa kusina kaya nagkatinginan kami.
"Kain na," sabi ko at itinuloy ang paghain ng pagkain sa mesa.
Nakita ko naman siyang naglakad ay umupo sa bakanteng upuan. Umupo na rin ako nang matapos kong ihain ang niluto ko. Magkaharap kami ni Chase at wala ni isa sa amin ang nagsalita kaya bahala siya.
Kumuha naman ako ng kanin at inilagay sa plato ko. Kumuha rin ako ng ulam at nagsimula nang kumain.
"Why did you helped me? Bakit mo ako dinala rito kung puwede mo naman akong iwanan sa labas?"
Napahinto naman ako sa tanong niya. Bakit nga ba?
"Siguro dahil sa sinabi ng Dad ko na palaging bukas ang aming tahanan para sa nangangailangan," seryosong sagot ko naman sa tanong niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Was that really the reason?" tanong na naman niya kaya tiningnan ko siya. Ilang sandali pa bago ako nagsalita.
"You know what? I hate people who usually engaged into troubles. At sa unang kita ko pa lang sa 'yo—you looked like a troublemaker and I guess, I was right. Palagi na na lang nasasangkot sa gulo."
“But you still helped me...”
Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya at nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Ilang sandali lang ay iniwas ko ang tingin ko at tumayo. Kinuha ko ang pinagkainan ko at inilagay sa lababo.
“Hangga’t hindi ako nasasangkot sa g**o, tutulong ako...” tanging sabi ko at akmang aalis sa kusina nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko.
Nilingon ko naman si Chase at nakitang nakatayo siya sa may likuran ko. Sinilip ko naman ang mesa kung nasaan ang pagkain at nakitang walang laman ang plato niya.
“Ayaw mong kumain?” tanong ko.
“Huwag mo muna akong iwan,” pabulong na sabi niya.
Naglakad naman ako pabalik sa mesa at bumalik sa inupuan ko kanina. Ilang sandali lang ay bumalik din siya sa pagkakaupo sa harap ko at tahimik na nagsimulang kumain.
Nakatingin naman ako sa kanya.
Anong naman kaya ang binabalak niya? Akala niya ba ay magiging magkaibigan kami dahil tinulungan ko siya? Hindi ko pa rin siya masyadong kakilala at ayoko pa rin sa mga taong palaging nasasangkot sa g**o.
“They were trying to rob our car. Bumaba ako nang makita ko ang ginagawa nila mula sa itaas sa bintana ng kwarto ko. I was about to stop them when someon grabbed me and punched me on my face. Hindi ako nakalaban dahil marami sila. They also started to smashed the car hanggang sa dumating ka.”
“Puwede kang tumawag ng pulis,” sabi ko naman.
“I didn’t have their number. Wala akong matawagan.”
“You still have a choice to avoid being punched and engage with trouble again. May pasa ka na nga, ang lakas pa ng loob mo na dagdagan pa iyan,” seryosong sabi ko.
Huminto naman siya sa pagkain at inangat ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan naman kami.
“I wish I could find that choice you were saying,” sabi niya habang nanatili ang tingin sa akin.
Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.
“I thought that you believed that we have different perspective and sensitivity. Were you just saying that to escape the fact that you’re an insensitive person?”
Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
“Kung ‘yan ang iniisip mo tungkol sa akin, wala na akong magagawa pa. At kung ayaw mo sa akin, bukas ang pintuan, puwede kang lumabas anytime,” seryosong sabi ko.
“Ako na ang maghuhugas ng pinggan. Puwede mo na akong iwanan dito,” sabi niya at tumayo.
Sinundan ko naman siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa lababo at nagsimulang maghugas ng pinggan.
“Ano ba talaga ang balak mo? May kailangan ka ba sa akin? Kung ano man ang plano mo, huwag mo na lang ituloy,” sabi ko.
“You were the one who keeps helping me and you’re blaming me now? How rude,” sabi niya habang naghuhugas pa rin ng pinggan.
Sabagay, sino nga namang matinong tao ang aamin na may masama silang balak sa biktima nila? Saka malay ko, baka sinasadya niyang mangyari ang mga nangyari para kaawaan ko siya at matulungan ko siya.
“Anong balak mo ngayon? Don’t tell me na makikitulog ka rin dito sa bahay namin.” Ang kapal naman yata ng pagmumukha niya.
“Why not? Akala ko ba ay bukas ang tahanan niyo sa mga nangangailangan?”
Muntik naman akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Aba’t—talaga nga namang! Kainis!
“Puwede mo akong tulungan kung talagang ayaw mo sa akin,” seryosong sabi niya at hinarap ako. Tapos na rin yata siya sa ginagawa niya.
“Ano ako? Siraulo? Ayoko nga sa ‘yo tapos tutulungan na naman kita? At talaga nga namang ang kapal-kapal ng mukha mo ‘no?
“If you would help me, I would be living this province. Babalik ako sa Pampanga.”
Mabilis naman akong umiling sa sinabi niya.
“At ano? Tatakas ka? Tapos masasangkot ako sa g**o mo? Hindi na! Magtiis ka sa lugar na ito at titiisin ko na lang din ang pagmumukha mo.”
“That’s not it. My parent would let me go back if I could build a good relationship with you,” sabi naman niya.
Tinuro ko naman ang sarili ko gamit ang kamay ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya.
“Ako? Good relationship sa akin? No. That’s imposible.”
“I also thought that, but we were already talking right now casually so maybe it was possible.”
“No. May makukuha ka pero ako wala. It’s a no.”
Nakita ko naman siyang natahimik sa sinabi ko at hindi na nagsalita. Umiba ang ekspresiyon ng mukha niya na para bang may magkahalong lungkot at dismaya na nakaukit sa mga mata niya.
“B-Bakit mo ba gustong bumalik sa pinanggalingan mo?” tanong ko sa kanya.
“I didn’t want to hurt more people...” sagot naman niya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na naman.
“I was a troublemaker, you were right about that.”
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Was I too mean to him? Kaya nasabi niya na insensitive akong tao? I didn’t mean that. I just—I don’t know.
“Puwede ba na makitulog dito? Kahit ngayon lang?”
Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa tanong niya. Tumango naman ako at agad na tumayo. May guest room kami na nasa unahan ng kwarto ko. Naglakad naman ako paakyat sa second floor at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Chase sa akin.
Nilagpasan namin ang kwarto ni Katie at ang kwarto ko. Narting namin ang guest room at sa may unahan pa ay ang kwarto nina Mom at ng stepdad ko.
“Guest room namin ‘to. Kung may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako,” sabi ko naman.
“Kinakaawaan mo na ba ako ngayon?” rinig kong tanong niya mula sa likuran ko. Nasa may tapat ako ng pinto ng guest room habang siya ay nasa likuran ko lang.
“Bakit? Kailangan ka bang kaawaan?” pabalik na tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon.
Ilang sandali lang ay naglakad naman ako papunta sa kwarto ko at hinawakan ang doorknob ng pinto. Nilingon ko si Chase at nakitang nanatili siyang nakatayo habang nasa pinto ng guest room ang tingin.
Magsasalita sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko at napailing-iling na lang bago binuksan ang pinto at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto ko.
Hangga’t hindi ako nasasangkot sa g**o, tutulong ako pero... hindi ko alam—hindi ko masasabi na matutulungan ko si Chase lalo na’t isa siyang tao na madalas nasasangkot sa g**o.
Mangyari ang dapat na mangyari. Bahala na.