"GOOD morning!" masayang bati ni Angel habang papasok sa loob ng classroom namin. Medyo napaaga talaga ako ng punta rito. "Ang aga mo yata? May hinihintay ka ba? Inaasahan? Mukhang alam ko na yata kung sino?" tanong naman niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang aga-aga kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niya. "Morning!" Agad akong napalingon sa may pinto ng classroom nang makarinig ng pamilyar na boses. "Morning..." halos pabulong na sambit ko habang nanatili ang tingin sa papasok na si Chase. "Hindi halata, Mary. Hindi talaga. Tingin pa lang may something na e." Nilingon ko naman si Angel na nasa likuran ko lang. Nakita ko naman siyang ngumiti ng malapad saka kumindat sa akin. "Bakit absent ka kahapon?" tanong ko nang maramdamang umupo si Chase sa tabi ko. "Bakit? You

