NAPANGANGA naman ako nang makita ang loob ng bahay nina Chase. Sobrang ganda at sobrang linis. Kung ikukumpara sa bahay nina Jasper ay mas maganda 'tong sa kanila pero mas malaki nga lang ang espasyo ng bahay nina Jasper. "Gusto mong kumain?" Sinundan ko naman ang boses ni Chase hanggang sa marating ko ang kusina nila. Nakita ko naman siyang inilagay ang ulam na dala ko sa loob ng refrigerator. "Kakakain lang natin kanina. Mukha ba talaga akong patay gutom?" "Wala akong sinabing ganyan. Marami rin naman kaming pagkain dito," sabi naman niya. Hindi na naman ako nagsalita pa at lumabas sa kusina para tingnan ang palibot ng bahay nina Chase. Sakto lang pala ang espasyo ng bahay nila. Mas malaki ito kaysa sa amin at mas tahimik din. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Chase sa tabi ko

