CHAPTER 19

2598 Words
"ANG ganda ng dagat!" masayang sigaw ni Katie nang makarating kami sa Baguio beach resort. "Salamat sa pagsundo sa amin," sabi ko kay Jasper. "Wala iyon. Ako naman ang bantay niyo ngayong araw kaya kahit anong kailangan niyo, sabihin niyo lang," may ngiti niyang sabi. "Kuya Jasper! Let's go see the ocean!" "Sure, Katie. Mary, just go straight then you'll some cottages there and makikita mo agad 'yong mga kasama natin. I'll just accompany Katie." Tumango naman ako sa sinabi ni Jasper. Hinila naman siya ni Katie papunta sa dagat. Naglakad naman ako papunta roon sa sinabi ni Jasper. Ilang sandali lang ay naaninag ko nga ang pamilyar na mga mukha ng student council members. "Mary!" Napakunot naman ang noo ko nang maaninag si Angel na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Agad naman niya naman akong niyakap at tumili sa saya. "I'm so glad na sinama ako ni Jasper!" sabi niya saka hinila ako papunta sa cottage kung nasaan ang iba pa naming kasama. Sakto lang ang cottage at gawa ito sa kahoy. Maganda rin ang simoy ng hangin dito at makikita mula sa kinaroroonan namin kung gaano kalinaw ang dapat. "Hindi niyo ba kasama si Chase? Hindi ba't magkapitbahay lang kayo?" tanong ni Ash. "Akala ko ay nandito na siya? Wala namang tao sa kanila," sabi ko naman. "Good morning, everyone!" Sabay naman kaming napalingon lahat sa likuran ko nang may pamilyar na boses na nagsalita mula roon. Hindi nga ako nagkamali, bumungad sa amin ang mukha ni Tiffany na may malaking ngiti sa labi. Bumati naman ang iba sa kanya pabalik maliban sa akin. "Hello! I'm Miguel by the way. Tropa ako ni Chase. Napadpad naman ako rito para sunduin si Tiffany at ang half sister ko na si Nicole," singit naman ng lalaking may blonde nga buhok na kasama nila. "Finally! Come on, Nicole. May sasabihin nga pala ako sa 'yo," biglang sabi naman ni Angel saka hinila si Nicole na nasa tabi ni Chase at dinala sa kung saan. "I'm Mary..." sabi ko nang mapatingin sa akin si Miguel. "You're Mary? Nice to meet you!" masayang sabi niya at inabot ang kamay niya sa akin. Inabot ko rin naman ang kamay niya—hand shake kumbaga. "Nag-almusal na kayo? Come on, maraming pagkain dito. Kung nagugutom kayo, kumain lang kayo rito," sabi ni Lucy. Gaya noong nasa bakasyon kami ng limang araw ay magkasama ulit kami ng student council members, and nadagdag lang sa amin ay sina Angel, Tiffany, Nicole, si Miguel, at Katie. Wala rin namang masyadong tao rito kaya medyo tahimik ang ibang cottage. Busy na busy 'yong iba sa pag-aayos sa pagkain sa mesa sa cottage namin. Habang busy sila sa pag-aayos ay lumayo naman ako sa cottage at hinanap ng mata ko sina Jasper at Kati. Nasaan na ba 'yon? Ang aga pa para magtampisaw sa dagat. "So you're Chase's girlfriend? Right?" Napahinto naman ako at napalingon sa likuran ko. Nakita ko naman na nakatayo si Miguel malapit sa akin. "Bakit mo naitanong?" "Well, bawal ba? I was his best friend ever since and I wanted to know his current life here. I hope he's doing fine." Best friend ever since? Hindi siya sinabihan ni Chase na nagpapanggap lang kami? Saka sa totoo lang, mukhang wala naman talagang pagpapanggap na nagaganap. Walang acting na naganap, only the status—Chase claimed me as her girlfriend pero si Tiffany lang at Nicole ang nakakaalam no'n. Sina Jasper at Angel alam na hindi iyon totoo. "Don't be angry. I'm just kidding," natatawang sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ko. Mukha ba akong nakikipagbiruan sa kanya? Nakita ko naman siyang tumingin sa harapan niya. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang magandang tanawin ng dagat sa harapan namin. "Alam ko—sinasabi sa akin ni Chase ang mga nangyayari sa kanya rito..." rinig kong sabi niya. "He desperately wanted to come back home in Pampanga, but later on... nawala na iyon sa isip niya. Curious ako kung bakit—ano ang dahilan niya at gusto niya na lang manatili sa lugar na ito, but the moment he talks about you, I still couldn't understand. Ayoko naman na pilitin siya na bumalik kung gusto niya namang manatili rito," dagdag niya pa. "Sinasabi mo ba na ako ang dahilan kaya ayaw nang bumalik ni Chase sa pampanga? Bakit naman ako nasali? Wala naman akong ginawang pagpigil sa kanya. Tinutulungan ko pa nga siya." "Aba malay ko rin. Siya lang ang may alam kung bakit gusto niyang manatili. Hindi ko rin alam kung bakit ka nasali. Tanungin mo kaya siya? Then kapag nakahanap ka ng sagot, sabihan mo ako." Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ni Katie. "Ate Mary! Ang ganda talaga ng dagat!" Naaninag ko naman sa may 'di kalayuan ang papalapit na si Jasper kasama si Katie. Nilingon ko naman si Miguel at nakitang wala na siya sa kinaroroonan niya. "Ate Mary! Ang linaw ng tubig sa dagat!" rinig kong sabi ni Katie kaya ibinalik ko ulit ang atensiyon sa kanila ni Jasper. "Talaga? Come on, doon muna tayo sa cottage. Maya-maya ka na maligo para hindi ka umitim," sabi ko kay Katie na agad din namang tumango. "Ate Angel! Pahingi ng pagkain!" sigaw ni Katie sabat takbo papunta sa cottage namin. "Hindi ba siya mahirap bantayan?" tanong ko kay Jasper at naglakad papunta sa cottage. Sumabay naman siya sa akin sa paglalakad. "Hindi naman. Nasisiyahan akong bantayan si Katie. She was like a younger sister to me," sagot naman ni Jasper na siyang nagpangiti sa akin. Mabuti na lang at medyo mahilig siya sa bata dahil kung hindi ay baka mahirapan ako kay Katie. Well, hindi rin naman masyadong makulit na bata si Katie. NAKAUPO lang ako sa upuan sa cottage habang 'yong iba ay naliligo na sa dagat. Ako lang ang naiwan sa cottage dahil 'yong iba na hindi naliligo ay naglalaro naman ng volleyball. Wala akong makausap at wala rin akong magawa kaya kumain na lang ako ng pagkain sa mesa. Kakatapos lang namin na mananghalian. Ang hina lumipas ng oras. Bukod sa naiinip ay parang gusto ko na rin umuwi. Ayoko naman na sumabay sa kanila dahil madudumihan ako, wala pa naman akong dalang damit. Ayoko kasi na maligo. Hindi naman sa wala akong ligo o hindi marunong lumangoy, sadyang wala lang talaga ako sa mood para maligo sa dagat. Ilang minuto lang ang lumipas ay medyo nainip naman ako sa cottage kaya tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan saka naglakad papunta sa kinaroroonan nina Angel na naglalaro ng volleyball. Umupo naman ako sa nakita kong kahoy habang nasa harap sila na naglalaro. Hindi porke't hindi ako sumali sa kanila ay killjoy na ako, sadyang hindi lang talaga ako marunong maglaro ng volleyball. Hindi rin naman nila ako pinilit na maglaro kaya ayos na ayos talaga. "Look who's here." Napatingin naman ako sa tabi ko at nakitang umupo roon si Tiffany kaya tumayo naman ako. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako nandito para sigawan o insultuhin ka," sabi naman niya. Tiningnan ko naman siya at nakitang nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya ay mukhang hindi siya nagbibiro. Dahan-dahan naman akong bumalik sa pagkakaupo. Ayoko ng away kaya mas mabuti na umiwas na lang pero sabi niya hindi niya ako sisigawan o iinsultuhin kaya sige, hahayaan ko siya. Wala na rin naman kasing ibang kahoy na mauupuan dito. "I was worried with him..." rinig kong sabi ni Tiffany. Ako ba ang kinakausap niya? Medyo malayo sa amin 'yong iba kaya nasisiguro ko na hindi nila naririnig si Tiffany. Hindi naman ako nagsalita at nanatiling tahimik lang. Ramdam kong seryoso siya sa sinabi niya. "May tanong ako," sabi niya saka ako nilingon.Naramdaman ko ang tingin niya kaya tiningnan ko rin siya. "I wouldn't bother him anymore... but could give a reason to do that?" Kinabahan naman ako sa tanong niya. Ano ang isasagot ko? "Inaamin ko na cheater ako. Nagsisisi ako and it's too late. I still treasure him, hindi pa rin nawawala ang feelings ko sa kanya. And I wanted to let him go, ayoko rin naman na ipilit ang sarili ko. That's why I was asking you right now." "Hindi pa ba sapat ang sakit na ibinigay mo sa kanya para palayain mo siya?" tanong ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa dagat. Sa kaliwa naman ay nandoon ang naglalaro na sina Angel, Nicole, Lucy, Ash, Kyle, at Ella. Sa unahan naman namin—sa may dagat ay nandoon sina Jasper at Chase na nakikipaglaro kay Katie sa may 'di kalaliman na bahagi ng dagat. "Hindi. Gusto ko na the moment that I let him go, may mag-aalaga sa kanya, may magmamahal sa kanya ng higit pa sa akin. In that way, I would never be worried anymore." "And you're expecting me to do that?" "Why not? You know what, maybe I was really too rude to you last time, but I won't apologize for that. I was talking to you about Chase and not about myself. Ang masasabi ko lang... Chase deserves a lot of love more than anyone else." Tumayo naman siya saka naglakad papunta sa kung saan. Chase deserves a lot of love more that anyone else. Akala mo kung sino. She said that for what? Sinaktan niya mismo si Chase tapos may gana pa siyang sabihin ang mga salitang iyon? "Ate Mary! Maligo ka na!" Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Katie. Nakita ko naman siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. "Ayaw mo ba na maligo saglit? Hindi naman mainit at sakto lang ang temperature ng dagat." Tiningnan ko naman ang nagsalita. Nakita ko si Chase na mukhang nakasunod pala kay Katie. "Sige na, ate Mary!" pangungulit ni Katie. "Come on, Chase. Huwag mong pilitin ang ayaw. Let's enjoy!" Nakita ko naman si Tiffany na biglang sumulpot sa tabi ni Chase. Iginapos niya rin ang kamay niya sa bisig ni Chase. Nakasuot din siya ng peach one piece swimsuit kaya naman litaw na litaw ang maganda at makutis niyang katawan. "Stop it," sabi ni Chase saka kinuha ang kamay ni Tiffany na nakagapos sa bisig niya. "Mary! Akala ko ba hindi ka nagpapatalo?!" Muntik naman akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang sigaw ni Angel sa may 'di kalayuan. Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon. "Please, ate Mary?" Tiningnan ko naman si Katie na nakaupo sa tabi ko. Nagpacute pa siya hanggang sa nagpatalo na nga ako. Napabuga naman ako ng hangin saka tumayo. "Yay!" masayang sambit ni Katie. Agad na hinubad ko naman ang suot kong puting t-shirt pati na rin ang suot kong pantalon. Mahilig talaga ako magsuot ng pantalon at t-shirt. Hindi ako sanay sa shorts at palda pero nagsusuot naman ako no'n. Tinanggal ko rin ang tali na nasa buhok ko. "Wow! Ang ganda mo, ate Mary!" rinig kong sabi ni Katie. "Oh! 'Di ba?! Sabi ko sa inyo maganda ang katawan ni Mary e!" rinig ko na namang sigaw ni Angel. Inaalagaan ko naman talaga ang katawan ko mula pagkabata. "Tara?" yaya ko kay Katie at inabot ang kamay ko sa kanya. Kinuha niya rin naman iyon at sabay kaming naglakad papunta sa dagat. I was wearing my black two piece bikini. Wala sa plano ko ang maligo dahil wala naman kasi akong dalang damit. "Don't worry, ate Mary. May inilagay si Mom na damit mo sa bag ko kaya may pamalit ka mamaya," Katie said and giggled. "Talaga?" tanong ko. "Of course! Mom seems knew everything about you, ate Mary. It's amazing, right?" "Yeah... it was," bulong ko at napangiti. "Akala ko ba hindi ka maliligo?" Napalingon naman ako sa likuran ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chase. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay bigla niyang hinalikan ang noo ko. "Tulala ka pa rin?" tanong niya. Agad naman akong napalayo sa kanya dahil sa ginawa niya. "H-Hoy! Bastos! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pasigaw na tanong ko sa kanya. Tumawa lang naman siya. "Bakit mo ginawa iyon?" Napalingon naman ako sa harap at nakita si Jasper na mukhang wala sa mood. "Why? She was my girlfriend. Hindi ba naibanggit ni Mary sa 'yo iyon?" pabalik naman na tanong ni Chase saka ako inakbayan. Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil mabilis naman akong inunahan ni Jasper. "She wasn't. Alam ko ang totoo," seryosong sabi ni Jasper sabay hila sa kamay ko papunta sa kanya. "Chase?! Come on!" rinig kong sigaw na boses ni Tiffany. Nasa unahan na pala siya. "Ate Mary, are they fighting?" Oo nga pala, hawak ko pa si Katie sa isang kamay ko. Mabuti at hindi ko rin siya nahila nang hilain ako ni Jasper dahil malapit lang naman siya kay Jasper. "Tumigil nga kayo sa kalokohan niyo. At ikaw naman, Chase... hindi mo ako girlfriend. Hindi na kailangan iyon dahil aalis na rin si Tiffany," bulong ko. Kinuha ko ang kamay ko na hawak ni Jasper at tiningnan silang dalawa ng masama. "Come on, Katie," sabi ko at hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Katie sabay lakad papunta sa medyo malalim na bahagi ng dagat kung saan makakatayo pa rin si Katie. Iniwan na namin silang dalawa na mukhang nagpapatayan na sa tingin. Bahala sila. "IHAHATID ko na kayo," sabi ni Jasper. Pauwi na kaming lahat. Palubog na ang araw kaya dapat umuwi na kami. Wala namang masyadong nangyari buong araw. "No need, I'll take care of them," singit naman ni Chase. "We'll drop you home, Angel," sabi ni Nicole. Mukhang nagkakasundo talaga sila. Mukhang magkukuwento na naman si Angel sa akin tungkol kay Nicole... panigurado iyon. "No. Take care of Tiffany and I'll take care of Mary and Katie. Binilin sila ni Tita sa akin," sabi na naman ni Jasper. "We were just neighbors, iba ang daan papunta sa inyo kaya ako na ang bahala lalo na kay Tita," sabi naman ni Chase. "Ate Mary? Saang car tayo sasakay?" tanong ni Katie. Mukhang pagod na siya at inaantok. "We'll see each other at scholl," sabi ko sa dalawa saka hinila si Katie papunta sa kotse ni Ash. "Makikisabay kami," sabi ko kay Ash saka binuksan ang pinto ng backseat ng kotse. Nakita ko naman si Lucy na nakaupo sa front seat. "Oh? Anong nangyari?" tanong niya. "Nagtatalo silang dalawa kung sino ang maghahatid sa amin kaya sa inyo na lang kami makikisabay," sagot ko naman sa tanong niya. Napatingin naman ako sa pinto ng kotse nang katukin iyon ni Jasper. Nakita ko namang dahan-dahang bumaba ang salamin no'n. "Mas safe kayo sa akin, Mary. Come on," sabi ni Jasper. "Bakit? Sinasabi mo ba na hindi sila safe sa amin?" singit na tanong naman ni Ash nang makapasok siya sa driver's seat. Tiningnan ko naman si Katie at nakitang nakatulog na siya sa tabi ko. Ibinalik ko ang tingin kay Jasper at nakitang nakatingin siya kay Katie. Ilang sandali lang ay bumuntong hininga naman siya saka tumingin sa akin. "Tawagan mo agad ako kapag nakauwi kayo," he said and smiled. Tumango naman ako hanggang sa dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana. Ilang sandali lang din ay naramdaman ko naman ang pag-andar ng kotse. "You know what? There was really something going on between the three of you," rinig kong sabi ni Lucy. "You mean Mary, Jasper, and Chase?" tanong naman ni Ash. "Yeah right. Maybe there was really something 'no? Hindi lang nila sinasabi." "Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin, Lucy," sabi ko naman. "Well, who knows?" Hindi naman ako nagsalita pa at hindi na rin naman sila nagtanong pa. Katahimikan ang namayani sa amin sa buong biyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD