"ANG saya mo 'yata ngayon?" bungad na tanong ni Angel.
Bakit naman ako hindi sasaya? Bukod sa friday na ngayon at mawawala na si Tiffany at hindi na rin ako ang nagbabantay sa kanila ni Nicole. Simula noong martes ay si Jasper na ang nagmonitor sa kanila habang ako ay pumapasok sa klase.
"Friday na ngayon," sagot ko naman sa tanong niya.
"Masaya ka dahil mawawala na ang bruha? Ako rin naman!" natatawang sabi ni Angel.
Tiningnan ko naman siya ng masama. Hindi pa rin ako nakakalimot sa ginawa niyang pang-uuto sa akin noon sa balutan.
"Come on, Mary! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Kalimutan mo na ang nangyari noon sa balutan. Hindi ko naman alam na sasang-ayon ka agad," sabi niya sabay nguso.
"I bought some siomai. Baka gusto mo."
Napatingin naman ako sa nagsalita. Nakita ko si Chase na nakangiti sa akin habang nakaabot ang isang kamay niya kung saan may tupperware at sa loob no'n ay siomai ang laban.
Kinuha ko naman ang tupperware na may kaliitan saka binuksan iyon. Nawala naman agad ang galit ko sa mundo nang maamoy ang masarap na amoy ng siomai.
"Good morning! Pinapatawag ka ni Jasper sa office, Mary. May importante raw siyang sasabihin." Bigla naman pumasok si Ella sa classroom namin.
"May nangyari ba?" tanong ko saka tinakpan ang tupperware at tumayo.
"Mukhang wala naman," sagot naman ni Ella.
"Aalis muna ako," sabi ko at tiningnan si Angel. Tiningnan ko rin si Chase, "Salamat dito," sabi ko sa kanya saka tumalikod at naglakad papalabas ng classroom.
"MAY problema ba?" bungad na tanong ko nang makapasok sa loob ng student council office.
Nakita ko naman si Jasper na nakaupo sa upuan niya at katapat naman niya sina Tiffany at Nicole na nakaupo rin sa harap ng mesa niya kung saan may dalawang upuan.
"Miss Rodriguez planned a short celebration with us—the student council members. Magaganap iyon sa isa sa mga beach dito sa tukuran," sabi naman ni Jasper.
"Student council members? Lahat?"
"Nope. Just the major members of student council. Bukas agad ito gaganapin dahil sa linggo ay uuwi na sila sa Pampanga," sagot naman ni Jasper.
"You want me to prepare that celebration?"
"No. I just wanted your approval dahil sang-ayon naman ang ibang members sa plano ni Miss Tiffany."
"Ayos lang kung hindi ka sasama, that would be a great opportunity," singit naman ni Tiffany.
Opportunity saan? Para makulit niya naman si Chase at makuha? Ganoon? Wala naman akong pakialam doon. Kung gusto niya si Chase, edi sa kanya na.
"Kung sasama ang student council members, kasali ako roon. 'Yon lang ba ang sasabihin mo? Malapit nang magsimula ang klase this afternoon."
"Iyon lang naman. Gusto sana kitang tawagan na lang pero naka-off yata ang cellphone mo kaya pinatawag na lang kita kay Ella," sabi ni Jasper.
Oo nga pala, lowbat na naman ang cellphone ko.
"Ah sige. Aalis na ako. Tawagan mo na lang ako para sa ibang detalye, Jas."
Tinapunan ko naman ng tingin si Tiffany at nakitang tahimik lang siya. Mabuti ay hindi niya ako sinigawan ng sobra o inunsulto. Siguro ay narealize na niya ang ginawa niyang mali.
Nang makalabas ako sa opisina ng student council at bumingad naman sa akin si Ella.
"Ayos na, Ella. Puwede ka nang bumalik sa klase mo."
"Sige, Mary! Ikaw rin!" masayang sabi niya bago tumakbo papunta sa classroom nila.
Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa classroom namin. Kinuha ko rin ang tupperware na may lamang siomai sa bag ko.
Celebration sa beach?
Matagal na rin akong hindi nakakaligo at nakakapunta sa beach.
"CLASS dismissed," sabi ng teacher namin sa english na siyang major subject din namin.
"Finally! Makakapagpahinga na rin sa wakas!" rinig kong sabi ni Angel mula sa likuran ko.
"Mary! Mauna na ako ah! Pinapauwi kasi agad ako ni Mama. Babawi ako next time! Bye!"
Sa isang iglap lang ay nawala naman si Angel sa likuran ko at mabilis na tumakbo sa palabas ng classroom. Napailing-iling naman ako.
Kinuha ko naman ang backpack ko at isinabit iyon sa dalawang balikat ko saka tumayo. Akmang aalis na sana ako palabas nang hawakan ni Chase ang kamay ko.
"Puwede ba na sumabay sa 'yo pauwi?"
Nilingon ko naman siya at nakitang nakatingin siya sa akin na para bang naghihintay na pumayag ako sa gusto niya. Ilang sandali lang ay nagsalita rin naman ako.
"Gawin mo ang gusto mong gawin," sabi ko at binawi ang kamay ko pero hindi ko 'yon nagawa nang higpitan niya ang pagakakahawak niya sa kamay ko.
"Let's go!"
Tumayo siya at hinila ako palabas ng classroom. Hindi naman ako nakaangal at agad na nakasunod sa kanya dahil hinila nga niya ang kamay ko.
"Puwede namang maglakad na hindi nanghihila 'di ba?" sabi ko.
Binitawan din naman ako ni Chase at sabay na kaming naglakad. Mukhang trip niya yata na maglakad ngayon.
"May problema ba?" tanong ko habang naglalakad at nanatiling sa harap ang atensiyon.
"Wala naman. Mukha ba akong problemado?" pabalik na tanong niya.
"Tingnan mo ang mukha mo sa salami nang malaman mo," sabi ko naman.
Habang naglalakad ay may naaninag naman akong fishball vendor sa may 'di kalayuan. Tumakbo ako roon at iniwan si Chase.
"Isang kwek-kwek po, Manong. Tapos limang piso ng fishball," sabi ko kay Manong na nagtitinda ng fishball, tempura, at kwek-kwek.
"Don't tell me hindi ka rin nakakain nito?" tanong ko sa palapit na si Chase.
"Nakakain na ako niyan. Hindi naman ako masyadong late updated." Medyo natawa naman ako sa 'late updated' na sinabi niya.
"Manong, gawin mong dalawang kwek-kwek sa amin tapos sampung piso ng fishball."
"Madalas ka ba na kumakain niyan?" rinig kong tanong ni Chase.
"Ngayon lang ulit. Ilang buwan na rin simula noong nagkulong ako sa bahay dahil sa nangyari kay Dad," sagot ko naman.
Ibinigay naman ni Manong ang binili ko at nagbayad na rin ako. Inabot ko kay Chase ang isang kwek-kwek at sampung fishball na nakalagay sa isang may kaliitang cellophane.
"Interesado ka yata sa buhay ko? Bukod sa palaging nanghihingi ng tulong, ano pa ang kailangan mo sa akin? Sabihin mo nang mapag-usapan natin."
Nagsimula na akong maglakad habang sumasabay naman siya sa akin sa tabi ko.
"Sinabi ko na noon, kapag naging kaibigan kita ay papayagan na ako nina Mom na makabalik sa dati kong buhay," sabi naman niya.
"Talaga ba? E bakit ako?"
"Bakit naman hindi?" pabalik niyang tanong. Ang labo naman kasi.
Hindi na ako nagsalita at kumain na lang.
"Nagiging kumportable ka na ba sa akin? 'Yong totoo?" tanong niya.
Medyo matagal naman ako bago nakasagot.
"Well, ayoko talaga sa 'yo e. Sa pagkakaalam ko ay impossible talaga na magkasundo tayo pero minsan ayos ka naman pala. Masyado lang siguro akong judgemental?"
"No, you're not."
"Oo kaya. Alam ko naman ang nagawa kong mali sa mga taong nakapaligid ko after mamatay ang Dad ko. Nasaktan ako at 'di ko namamalayan na nakakasakit na rin ako."
"Ganoon talaga. But it's okay, I can also see that you've changed. And I know that even you hated me, you could still change that."
"Ang taas naman yata ng kumpiyansa mo sa sarili?"
"Well, at least totoo naman. Saka nakikita ko rin na you were slowly showing the real you."
"Paano mo naman nasabi 'yan? Hindi mo nga ako kilala noon," sabi ko naman.
"Well, iba na kasi ang trato mo sa akin o baka naman guilty ka? O Naaawa sa akin?"
"Ang baba naman yata ng tingin mo sa akin?" pabalik na tanong ko naman.
"I didn't say that."
"Dito na ako," sabi ko nang makita ang gate ng bahay namin.
"Sige. Pasok ka na."
Nginitian ko naman siya ng tipid bago binuksan ang gate namin at pumasok sa loob.
"Babe! Finally! You're home! Come on! Naghihintay na sina Tita and Tito sa loob."
Napatingin naman ako sa kakalabas na si Tiffany mula sa bahay nina Chase. Nang makalapit siya sa kinaroroonan ni Chase ay agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Bakit ka nandito?" rinig kong tanong ni Chase.
"Tita called me to have dinner here! Come on! They're waiting for us!" excited na sab ni Tiffany at hinila si Chase papunta sa bahay nila.
I've never been in their house, but Tiffany manage to have dinner with him and his parents? Nakakalungkot.
Alam kaya ng parents ni Chase na Tiffany cheated on their son? O baka gawa-gawa lang iyon ni Chase? Dahil ang totoo ay gusto pala talaga niyang balikan si Tiffany?
Napailing-iling naman ako dahil sa mga iniisip ko.
Sinara ko na lang ang gate at saka tumalikod para pumasok sa loob ng bahay namin.
"Ate Mary!" bungad ni Katie ng makapasok ako. She immediately hugged me and I hugged her back.
"Finally, you're home! Pupunta ako sa pagadian tomorrow morning. Ayos lang ba kung ikaw ang magbabantay kay Katie? I'll be back on sunday morning. Hindi ko kasi siya puwedeng isama dahil may importante akong gagawin doon," bungad ni Mom na nasa sala.
Kumawala ako sa pagkakayakap kay Katie at lumapit sa sofa kung nasaan nakaupo si Mom.
"May pupuntahan din ako bukas. May celebration na magaganap sa beach kasama ang student council members," sabi ko naman.
"Beach?! Sama ako!" excited na sabi ni Katie.
"That's great! Isama mo si Katie para magkabonding kayo. For sure, nandoon naman siguro si Jasper? I'll call him to take care of the both of you."
"Palagi mo na lang nilalapitan si Jasper. Baka naman puwedeng ihinto ma na 'yan, Mom. Hindi natin alam ang iniisip ni Japser—" Pinutol niya naman ang sasabihin ko.
"I wanted to do that pero Jasper always reminds me to call him anytime. He also promised to your Dad na palagi siyang nasa tabi mo—na tutulungan ka niya palagi. Hindi na rin ako nakaramdam ng hiya lalo na't alam kong mabait naman talagang bata si Jasper."
Inilagay ko naman ang backpack ko sa sofa ar umupo roon. Si Katie naman ay umupo sa tabi ni Mom at itinuon ang atensiyon sa pinapanood niyang cartoon.
"About Dad..." pabulong na sabi ko.
"You knew how much I loved your Dad, Mary. Kung nasaktan ka man sa nangyari sa kanya, lalo naman ako. But I promised to him—before you came in the hospital that I will continue moving forward no matter what would happen that day. He wanted me to move forward, he wanted me to do that for your sake... para makita mo na kahit ano man ang mangyari, we have to move forward," mahaba niyang sabi.
Nakita ko naman ang unti-unting pagdaloy ng luha sa mga mata niya.
"Sobrang sakit talaga no'n, anak. When your Tito Cedric came into my life, he made me happy. A-Alam ko... alam kong nasaktan ka sa bilis ng pangyayari, but you have to understand me also. Hindi rin naging madali sa akin ang lahat lalo na noong lumalayo ka na sa akin."
Tahimik siyang umiyak at pinahiran niya rin ang luha niya. Kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang pagkatotoo niya.
"I-I'm sorry..." pabulong na sabi ko.
Naging makasarili ba ako? Kinulong ko ang sarili ko without knowing na hindi lang pala talaga ako ang nasaktan sa nangyari kay Dad.
"You don't have to. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa 'yo for not giving you much attention after that incident. I'm sorry, anak..."
Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko. Niyakap naman ako ni Mom at niyakap ko rin siya pabalik.
"Umiiyak ba kayo?" tanong ni Katie.
Tumawa naman ng kaunti si Mom.
"We were not, baby. Sige na, manood na muna kayo at magluluto lang ako ng hapunan."
Kumawala si Mom sa pagkakayakap sa akin at pinahiran ang luha niya. Hinawakan niya naman ang mukha ko at ngumiti.
"Magbihis ka na muna saka samahan mo ulit si Katie manood ng movie." Tumango naman ako sa sinabi ni Mom saka kinuha ang backpack ko sa sofa.
"Babalik ako, Katie. Ikaw na muna ang manood diyan," sabi ko saka naglakad papunta sa hagdan patungo sa kwarto ko.
Nang makapasok sa kwarto ay inilagay ko naman sa gilid ng kama ko ang backpack ko at sa umupo roon.
Nilingon ko naman ang drawer sa gilid ng kama kung nasaan nakalagay ang photo frame na may picture namin ni Dad. He was very happy as well as me when that photo was taken by my Mom. Itinago ko ang pictures na kasama namin si Mom dahil nga galit ako sa kanya noong dinala niya rito si Katie at ang Dad ni Katie sa bahay namin.
"Do I really have the courage to move forward without you, Dad?" tanong ko habang nakatingin sa picture naming dalawa.
Was I really moving forward now? I know that moving forward doesn't mean na kakalimutan ko na ang Dad ko. I just need to take a step to move forward, right? Madali lang sabihin pero sobrang hirap... lalo na kung nasanay na ako na humakbang kasama ang Dad ko.
Ang hirap gawin pero kailangan.
Kinuha ko naman ang libro na kinuha ni Angel noon—nakapatong pa rin iyon sa drawer.
"Thumbelina..." pagbasa ko sa pamagat ng libro. Isa ito sa paborito kong fairytale book noon hanggang ngayon. Palagi naman akong binabasahan ng libro ni Dad noon.
Sa libro rin na ito itinago ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Dad noong debut ko. A necklace that symbolizes freedom.
Palaging naaalala ko si Dad sa kwintas na ibinigay niya kaya itinago ko iyon noong mamatay siya dahil sa tuwing nakikita ko ang kwintas ay palagi na lang akong umiiyak. But now, I manage to wear it. It always reminds me that I have my freedom to spread my wings and go further in life.
Napapikit naman ako nang maalala ang sinabi ni Dad tungkol sa storya ni Thumbelina.
"We will surely be encounter several issues and obstacles throughout our lives. Many of us did things that we didn't want to do. But if you were true to ourselves, you were honest, and kind as Thumbelina was, you would probably overcome those hurdles and receive what is best for you in the end."
Minulat ko ang mata ko at muling tiningnan ang libro.
Thumbelina was just small, but she manage to escape the challenges and obstacles she had faced. She remained kind, understandable, fair, and helpful until the end. And in the end, she got her prize and happy ending.
It was a good story. An adventure and magical story that has a good lesson.
Gusto ko rin na mangyari iyon sa akin, but knowing that I was in reality... it was too impossible to happen.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at ibinalik ang libro sa kung saan ito nakalagay.
Napabuntong hininga ako bago tinungo ang comfort room ng kwarto ko para maligo at makapagbihis na rin. Mabilis naman ang naging kilos ko kaya nakababa agad ako sa sala.
"Hello, Mary!"
Muntik naman akong matapilok nang makababa sa hagdan dahil sa nakita ko ang pagmumukha ni Tiffany.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Paano siya nakapasok?
"May ipinapabigay lang si Mom na ulam. Aalis na rin kami," sabi naman ni Chase na bigla na lang lumabas mula sa kusina namin.
Nakita ko naman na tumalikod na si Chase at tinungo ang pinto. Si Tiffany naman ay ngumiti ng malapad sa akin.
"Bye! See you tomorrow!" sabi ni Tiffany saka sumunod kay Chase. Feeling close?
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa biglaang pangyayari.
Close na sila? Sana all.