CHAPTER 17

2583 Words
"GOOD morning!" masayang bati ni Angel nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Morning," bati ko naman pabalik saka umupo sa upuan ko. "Anong nangyari? Puyat ka ba?" tanong na naman ni Angel. Hindi ako puyat. Medyo wala lang sa mood lalo na't pangalawang araw pa lang ito ni Tiffany, may tatlong araw pa ako para tiisin siya. Kahapon, noong pagbalik namin si Chase after lunch ay hindi ko siya nakita. Ayos na 'yon e. Okay na sana 'yon pero Jasper texted me last night. He wanted me to accompany Tiffany the whole day—the whole week pala. Kung nasaan siya ay dapat nandoon din ako. Tiffany requested that at wala nang nagawa pa si Jasper doon. "Good morning," rinig ko namang bati ni Chase at umupo sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinansin. Siya kasi ang dahilan ng lahat talaga. At hindi porke't sabay kaming mananghalian kahapon ay close na kami. "Where were you going?" tanong ni Chase nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan. "Babantayan ko 'yong ex mo," sagot ko naman at akmang aalis na nang hawakan niya ang kamay ko. "Do you want me to come with you?" "Hindi na kailangan." Binawi ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka tuluyan nang naglakad papalabas ng classroom namin. Tumunog na rin ang bell—ibig sabihin ay magsisimula na ang klase. Kapay may task ang student council member at hindi sila—kami makahabol sa klase ay exempted kami madalas. Minsan naman ay binibigyan kami ng special assignment, lesson, o kaya exam. Hindi masaya iyon... nakakapagod iyon. Kahit naman ganoon ay hindi rin naman ako nagsisisi na sumali sa student council. "Looking for me?" Napahinto naman ako sa paglalakad nang makarinig ng boses sa likuran ko. Nilingon ko naman ang nagsalita at bumungad sa akin ang makangisi niyang labi. "Tiffany..." bulong ko sa pangalan niya. "So you're gonna accompany me? That's great since mukha ka namang alalay," pairap na sabi niya. "Kung ako sa 'yo, tapusin mo na lang ang gawain mo rito. Ayoko ng away, Tiffany," seryosong sabi ko. "I didn't need to physically fight you, Mary. Kapag hindi mo hiniwalayan si Chase, sisuguraduhin kong madudumihan ang paaralan ninyo." "Pinagbabantaan mo ba ako?" "Hindi ba halata? Kung ayaw mong masira ang paaralan niyo at masisi sa 'yo, let Chase go," seryoso niyang sabi na may panlilisik pa sa mata. "You cannot force a person—" Pinutol niya naman ang sasabihin ko. "Yes, I could do that." Hindi ko naman siya pinansin at tiningnan si Nicole na nasa likuran lang niya. Naglakad ako papalapit kay Nicole at nilagpasan si Tiffany. "I meed to talk you this lunch time," sabi ko kay Nicole. Nanatili naman siyang tahimik at nakayuko. "She's not available. Hindi siya puwedeng lumayo sa akin," rinig ko namang sabi ni Tiffany. "Bakit? Nakadikit ba siya sa 'yo? Sinabi ko na sa 'yo, Tiffany. Gawin mo ang dapat mong gawin sa paaralang ito. Ayoko ng g**o at hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag pinakialaman mo ako," seryoso kong sabi. Bakit? Siya lang ba ang may karapatan na magbanta? Inunahan niya kaya ako. "Pinagbabantaan mo ba ako?" tanong niya. "May ebedensiya ka ba?" pabalik na tanong ko. Gumuhit naman ang pagkainis sa mukha niya. "Let's go, Nicole. Ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang kuwentang tao," sabi niya. "Let me remind you, Miss Rodriguez. Ako ang pipirma sa document mo na magpapatunay na tapos na ang task mo rito. Una mo akong sinigawan at pinagbantaan. Kung wala kang katapat sa inyo, ibahin mo rito." Nakita ko naman ang mga mata niya na masamang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagpatalo sa titigan hanggang siya na mismo ang nag-iwas ng tingin. Inirapan niya naman ako bago tumalikod at nauna nang maglakad sa amin. "Kung natatakot ka man sa kaniya o may ginagawa man siyang masama sa 'yo ay puwede kang lumapit sa akin, baka matulungan kita," sabi ko kay Nicole habang nanatili ang tingin sa papalayong si Tiffany. "Salamat po pero noo need na. Mabait naman talaga si Miss Tiffany kapag nakilala mo na siya ng husto. Siguro ay mahal niya pa talaga si Chase kaya medyo galit siya sa 'yo. Hindi natin siya masisisi sa bagay ka iyon," sabi naman ni Nicole. Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Siguro ay mahal nga niya talaga si Chase kaya siya galit sa akin. Hindi rin naman ako galit sa kanya, medyo naiinis lang. Nakita ko naman si Nicole na tumakbo pasunod kay Tiffany. Napailing-iling naman ako bago naglakad para sundan silang dalawa. "THIS was the details we had in yesterday and this morning," sabi ni Nicole. Nasa student council office kami kasama si Jasper. Si Tiffany naman ay umuwi raw. Mabuti na lang. Lunch time na kaya nandito kami ni Nicole. Sinabihan ko kasi siya kanina na magkikipag-usap ako—kami ni Jasper sa office ng student council about sa details ng observation nila sa school. "Thank you, Miss Bautista. Bukas niyo na lang ba itutuloy ang observation? Wala si Miss Rodriguez." "Ayos lang, ako na ang magpapatuloy. Ayos lang ba na humiram ng isang student na makakasama ko this whole afternoon?" Tiningnan ko naman si Jasper at nakitang nakatingin siya sa akin. "Any recommendations?" tanong niya. "Ah sige. Ako na ang bahala," sabi ko naman saka dinukot ang cellphone ko sa bulsa. I texted Angel. To Angel: Come here quickly. May ipapagawa ang student council sa 'yo. Message sent! After five minutes yata at bigla namang bumukas ang pinto ng student council office. Bumungad sa amin ang hingal na hingal na si Angel. "Late ba ako?" bungad na tanong niya. "Hindi naman. Halika, lapit ka rito," sabi ko naman. "Miss Angel Tolentino, this is Nicole Bautista. Miss Bautista, this is Miss Tolentino. I wamted you to accompany Miss Bautista, Angel. Kaya mo ba 'yon?" sabi naman ni Jasper. "Oo naman! Basta siya lang at hindi kasama 'yong bruha—este si Miss Tiffany pala," sagot naman ni Angel. "Great! Ayos na lahat. Puwede na kayong kumain ng lunch. Malapit na ang bell kaya bilisan niyo." Nakita ko namang tumango si Angel at tumayo si Nicole. "Dito lang muna ako, Angel. Magkita na lang tayo maya-maya," sabi ko kay Angel. "Sige! Alis na kami!" may pagka-excited sa boses na sabi niya. Umalis din naman silang dalawa. Mukhang magkakasundo yata silang dalawa... sana. "Bakit hindi ka sumama? Tapos ka na bang mananghalian?" rinig kong tanong ni Jasper. "Hindi pa e. Ikaw? Dito ka ba manananghalian?" "Makikisabay ka?" pabalik na tanong niya. Kinuha ko naman ang backpack ko na nakalagay sa may bandang paanan ko. Binuksan ko iyon at inilabas mula roon ang lunch box ko. "Bakit hindi?" taas kilay kong sabi. "Mabuti at marami akong ulam ngayon," natatawa niyang sabi. "Bakit? Akala mo manghihingi ako? Hindi na ako gano'n." "Talaga ba?" paniniguro niya. "Medyo lang," bulong ko saka binuksan ang lunch box ko. Nagsimula naman akong kumain. Ilang sandali lang ay nakita ko rin si Jasper na binubuksan ang lunch box nila. Inilagay niya naman sa mesa iyon—dalawa ang lunch box niya at marami nga siyang ulam. "Gusto mo?" tanong niya. "Hindi. Ayos na ako," mabilis na sagot ko. "Hindi ko rin naman ito mauubos kaya kuha ka lang," may ngiting sabi niya. "Oo na. Kapag naubos ko ang akin kukuha ako," sabi ko naman para matigil na siya sa pagsasalita. Hindi na rin siya umimik at nagsimula na rin na kumain. "MARY!" Muntik naman akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang sigaw ni Angel kasabay nang pagbukas ng student council office. Mabilis naman akong kumilos at binato siya ng libro na nasa mesa lang. Agad naman iyon nasapol ang mukha niya. Kinuha niya rin naman iyon nang mahulog sa sahig at inilagay sa mesa. "Aray naman!" daing niya. "Puwede namang kumatok, Angel! Natutulog ako e." "Sorry naman. Medyo excited lang ako e," sabi na naman niya saka umupo sa upuan na nasa harapan ng mesa. Wala si Jasper at ako ang inatasan niya na magbantay dahil siya ang nagmonitor kina Angel at Nicole kanina. Nakatulog din pala ako saglit. "Ano na naman?" "Maaga kasi ang dismissal kaya punta tayo sa balutan! Miss ko na kumain ng balot kasama ka!" excited na naman siyang sabi. "Ayoko. Alis na," pagtataboy ko sa kanya. "Sige na! Sasama naman sina Nicole at Chase. Saka si Jasper naman iimbitahan ko sana kaso maagang umalis sa school kaya ikaw na lang. Ano? Game?" "Wala akong pera," pagdadahilan ko. "Libre ni Chase. Dali na kasi!" pangungulit ni Angel. Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi niya ako napa-oo. "Oo na! Ang kulit e! Labas muna mag-aayos ako saglit," sabi ko naman. Hindi talaga ako nananalo sa kanya. Kung manalo man ako ay nangyayari lang iyon kapag ang topic ay related na sa academics. "Yay! Hintayin ka namin sa laba. Bilisan mo!" Ilang sandali lang ay lumabas din naman siya. Napabuntong hininga na lang ako. Tumayo ako at saka kinuha ang backpack ko. Sinigurado ko muna na maayos ang mesa kung nasaan ang ibang papeles na importante related sa school. Nang makitang ayos naman lahat ay naglakad naman ako palabas ng student council office. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Chase. Sinara ko ang student council offce at inilagay sa backpack ko ang susi ng kandado ng pinto. "Mary! Tayo na!" Naaninag ko naman si Angel na tumatakbo papunta sa kinaroonan ko. Saan na naman siya galing? Ang bilis niyang mawala at sumulpot. "Pinuntahan ko lang si Nicole sa BSED-3 classroom. Ready na kami! Kanina pa bukas ang gate kahit three o'clock pa lang ng hapon," dagdag naman ni Angel. "Bakit nga ba maaga ang dismissal?" tanong ko. "May meeting yata ang mga teachers kaya ayon. Tara na!" Nauna namang maglakad si Angel at sumunod sa kanya si Nicole. Napansin ko namang parang tahimik si Chase at hindi man lang nga rin niya ako kinausap kanina. Bahala siya. Sumunod ako kina Angel at Nicole. Naramdaman ko rin ang pagsunod niya sa likuran ko. NAKATINGIN lang ako kay Chase na nasa harapan ko. Busy siya sa pagpindot ng cellphone niya. "Ale, walong balot 'yong sa amin tapos mamaya na babayaran, dito naman kami kakain saka baka dadagan pa namin," rinig kong sabi ni Angel. Nasa balutan na kami at nakaupo ako sa isang upuan. Sa harap ko ay may 'di kalakihang mesa at sa kabilang bahagi ng mesa—sa harap ko ay nakaupo naman si Chase. Katabi ni Chase si Nicole at si Angel naman ang uupo sa tabi ko. "Magkasintahan ba talaga kayo?" biglang tanong ni Nicole. "Hindi ba halata? Uso kasi 'yan ngayon!" sagot naman ni Angel at umupo sa tabi ko. "Paanong uso?" tanong na naman ni Nicole. She's right. Hindi ko alam kung nagpapanggap pa ako na girlfriend ni Chase. At hindi ko alam kung tumatalab na iyon kay Tiffanu, mukhang ayaw niya talagang layuan si Chase kahit ano man ang mangyari. "I'm sorry. I was just really busy." Napatingin naman ako sa kamay ko na nasa mesa nang hawakan iyon ni Chase. Iniangat ko ang mukha ko para tingnan siya. "Babawi ako sa 'yo, promise," dagdag niya. "Oh 'di ba? Ang sweet nila tingnan!" kinikilig na sabi ng katabi ko. Kinuha ko naman ang kamay ko na hawak ni Chase at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. "H-Hindi na kailangan. Naiintindihan ko naman ang priorities mo," halos pabulong na sabi ko. "Thank you for understanding me. Saka sabi ni Tita na roon daw ako sa inyo maghapunan ngayon." "Kailan?" tanong ko. "She just texted me earlier kaya nakatingin ako sa cellphone ko." "Teka! Sandali! Nandito pa kami oh? Respeto naman!" singit naman ni Angel. "Baka gusto niyong sa bahay na rin maghapunan?" tanong ko at tinapunan ng tingin si Angel at Nicole. "Pinapauwi ako ng maaga e. Next time na lang, Mary," sabi naman ni Angel. "Susunduin na rin ako ngayon ng service namin," sabi ni Nicole. Kumuha naman ako ng balot na nasa pinggan sa harap namin. May lamang tubig ang pinggan dahil mainit ang balot. "Kung ganoon ay kumain na tayo dahil mabilis ang oras," sabi ko saka binalatan ang balot na kinuha ko. Hinigop ko ang sabaw ng balot at nang mapatingin kay Chase na siyang nakatingin din sa akin ay napahinto naman ako. "Hindi ka kumakain ng balot?" tanong ko. "Nakakain ba talaga 'yan?" tanong niya at tinapunan ng tingin ang balot na nasa kamay ko. Kitang-kita naman doon ang sisiw dahil nabalatan ko nga iyon. Tiningnan ko si Nicole at nakitang sarap na sarap siya sa pagkain ng balot. "Seryoso ka ba? Hindi ka pa nakakain nito? Paano?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Kapag may pera, hindi na kailangang bumili o kumain ng cheap foods. Lumaki ako sa ganoong buhay pero matigas ang ulo ko at gusto kong makisalamuha kahit kanina kaya natuto akong kumain at bumili ng mga cheap foods na hindi nalalaman ng parents ko," mahabang sabi naman ni Nicole. "Ang lungkot pala ng buhay mayaman 'no? Pero hindi naman ganyan si Mary. Well, kung siya rin sa posisyon mo ay baka gawin din niya ang ginawa mo since matigas din ang ulo niya madalas," sabi naman ni Angel na para bang wala ako sa tabi niya. Kumuha ako ng isang balot at inabot kay Chase. "Maraming nutrients 'to. Kainin mo, lasang itlog lang 'yong sisiw at masarap 'yong sabaw nito," sabi ko. Nakita ko naman siyang napalunok bago kinuha ang inabot kong balot. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko sa balot na nabalatan ko na. "Ganyan din si Mary noon pero nagawa niya pa rin na kainin ang balot at saka sisiw lalo na noong sinabi ko na hindi naman nakakamatay 'yan," natatawang sabi ni Angel. Nilingon ko naman siya at agad siyang na natahimik nang tingnan ko siya ng masama. "Ako nga rin e pero masarap naman pala talaga 'tong balot," sabi naman ni Nicole. Tiningnan ko naman ni Chase na nakatitig sa balot na binalatan na niya ng kaunti. Pinigilan ko namang matawa sa ekpresiyon ng mukha niya na parang naaawa at nandidiri na ewan. "Kapag nakain mo 'yan, kakaibiganin ka na ni Mary," bulong ni Angel. Tiningnan ko naman si Nicole at nakitang may kinakausap siya sa cellphone niya. Hindi niya yata narinig si Angel. "Hindi ba, Mary?" tanong ni Angel sa akin. "Hindi rin naman niya kakainin 'yan, halata sa mukha niya kaya tumango ka na lang," bulong ni Angel sa tainga ko. "S-Sige," sabi ko. Mukhang tama rin kasi si Angel. Halata talaga sa mukha ni Chase na hindi niya kayang kainin— Napahinto ako nang makita si Chase na mabilis na hinigop ang sabaw ng balot at binalatan ito ng mabilis saka kinain. "Success!" pasigaw na sabi ni Angel at humalakhak. Napanganga naman ako dahil sa mabilis na pangyayari. S-Seryoso? "Wala nang bawian, Mary! Nakain na niya 'yong balot kaya ibig sabihin niyan—" "Tinawagan ka na ba ng sundo mo, Nicole?" mabilis na putol ko sa sasabihin ni Angel. "Oo e. Mukhang paparating na 'yon dito. Paano 'yan? Mauuna na ako sa inyo?" "Sige lang, Nicole. Mag-iingat ka," sabi ko naman. "Bayaran niyo na 'yong balot," dagdag ko pa. "Ay oo nga pala! 'Yong bayad Chase—" Napahinto naman si Angel at hindi natapos ang sasabihin niya nang mapatingin kay Chase kaya tiningnan ko rin si Chase. Napakurap ako ng ilang beses nang makita si Chase na kumakain ng isa pang balot. "Mukhang nagugustuhan na rin niya 'yong balot," bulong ni Angel sa akin sabay tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD