CHAPTER 16

2569 Words
"GOOD morning!" bati ni Angel nang magkita kami sa harap ng gate ng school. "Morning," bati ko naman sa kanya. Agad na inakbayan niya naman ako saka bumulong. "Basta 'yong sinabi kong plano sa 'yo 'wag mong kalimutan, Mary. Magkita tayo mamaya sa classroom. Good luck!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan na niya ako saka naunang maglakad papunta sa classroom namin. Ako naman ay naglakad din papunta sa office ng student council. Ipapakilala ako ni Jasper kay Tiffany at ganoon din si Tiffany sa akin. Siguro ay magugulat nga siya kaya kung ano man ang mangyari, bahala na. Simula rin noong umuwi si Chase noong sabado ng umaga sa bahay nila ay hindi ko na siya nakita pa. Papasok naman siguro iyon ngayon. 'Yong sinasabi naman na plano ni Angel? Just act normal lang daw. Iyon lang ang sinabi niya. Akala ko talaga sobrang laki ng plano niya pero wala pala. Ngayon pa lang, naaawa na ako sa sarili ko sa mga mangyayari. Nang marating ko ang student council office ay agad naman akong pumasok doon. Nakapasok din ako dahil bukas naman ang pinto. "You're finally here! Mary, I wanted you to meet Miss Tiffany Rodriguez. Miss Rodriguez, she was Miss Mary Santiago. Siya na ang bahala sa inyo. And of course, she'll be the one who would monitor you," sabi ni Jasper. "Mary Santiago? So you were Mary?" taas kilay na tanong ni Tiffany. Inilagay ko naman ang dalankong backpack sa madalas kong lagayan—sa ibabang bahagi ng gilid ng mesa ni Jasper. "Did you already knew each other?" tanong ni Jasper. Nakaupos si Tiffany sa harap ng mesa ni Jasper. Dalawa ang upuan doon kaya umupo rin ako sa isa pa na bakante. "Of course we alread met. She was the one who stole my boyfriend from me!" halos pasigaw na sabi ni Tiffany. Stole? Boyfriend? Pera na lang ang nanakawin ko, ano naman ang mapapala ko sa boyfriend? "I'm sorry, Miss Rodriguez. You maybe have mistaken and misunderstood —" "No! I'm not! She was the new girlfriend of Chase Castro! Why could I be wrong when they claimed it last time?" "I never stole anything, Tiffany. Puwede ka nang umalis. Baka naghihintay na ang kasama mo. Chose anyone to tour you here," seryosong sabi ko. "Hindi mo ba alam kung sino ang kinakausap mo?!" may galit na tanong niya. "I'm—" "Huwag kang humingi ng paumanhin, Jasper. Our school deserves respect and if you couldn't give that, you may leave now." "Ako pa ang walang respeto—!" "Yes, you are. Kakapasok ko pa lang sinisigawan mo na ako? Respeto ang tawag no'n sa inyo?" "Stop it, Mary," rinig kong sabi ni Jasper. "Huwag kang magmalaki, Santiago. Even if you were Chase's new girlfriend, hindi kita uurungan. Ako pa rin ang una niyang minahal," seryoso niyang sabi bago tumayo at naglakad papalabas ng office mg student council. Napabuga naman ako ng hangin nang tuluyan na siyang umalis. "Ano ang ibig niyang sabihin? Kayo ni Chase?!" Isinandal ko ang likuran ko sa upuan at ipinikit ang mata. "No. Hindi kami magjowa." "Then ano 'yong sinabi ni Tiffany?" "Nasabi ko kay Chase na tutulungan ko siya. Kinukulit daw kasi siya ni Tiffany. He introduced me as his girlfriend baka sakaling layuan siya ni Tiffany." "At pumayag ka?! Akala ko ba ayaw mo na nasasangkot sa g**o?!" may galit na tanong ni Jasper. Minulat ko naman ang mata ko at tiningnan siya. "Galit ka ba? Akala ko magiging masaya ka dahil tumutulong na ako na hindi iniisip ang consequences na mangyayari sa akin. Hindi ba isa iyon sa gusto mo?" Natahimik naman siya at iniwas ang tingin sa akin. "Hindi mo man lang ako kinausap bago ka nagdesisyon..." "Hindi rin naman ako napilitan. Inisip ko naman ng maigi iyon bago ako nagdesisyon. Saka hanggang sa umalis lang si Tiffany at baka malay natin, bukas ay tatantanan na ni Tiffany si Chase," sabi ko naman. "Ikaw ang bahala. Kung may kailangan ka o may problema man, just please... call me. Aalis ako ngayon sa school dahil may aasikasuhin ako sa main campus. Ipagkakatiwala ko na naman sa 'yo ang mga nangyayari rito." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Ako ang bahala. Tatawagan kita kapag mag problema. Ngayon na ba ang alis mo? Sige na at baka mahuli ka pa," sabi ko. "Aalis na rin ako. Pakisara na lang 'tong office. May susi naman ako," dagdag ko pa bago tumayo at naglakad papunta sa pinto ng student council office. "Mary!" Nilingon ko naman si Jasper nang tawagin niya ang pangalan ko. "Bakit?" tanong ko. "Ah w-wala. Sige na. Malapit nang magsimula ang klase." "Okay," tanging sabi ko at tuluyan nang lumabas sa office. Ano kayang problema no'n? "MARY! How was it? Ano? Nagkita ba kayo?" bungad na tanong ni Angel nang makapasok ako sa loob ng classroom namin. "Oo, sinigawan niya ako tapos sinabihan ko lanv siya kaya ayon, galit na galit yata sa akin," sagot ko naman sa tanong niya. Umupo naman ako sa upuan ko na nasa tabi ni Angel. "Buti naman! Iniisip ko pa lang 'yong galit niyang mukha natatawa na ako!" sabi ni Angel sabay halakhak. "Tumahimik ka nga. Baka masabihan ka na nababaliw ka na riyan." "E kasi naman—" Hindi naman natapos ni Angel ang sasabihin niya nang may biglang magsalita. "So this was the BAELS-IV room. Well, this morning, I would be observing this class," taas noong sabi ni Tiffany na kakapasok lang. Agad naman na nag-ingay ang mga lalaki sa classroom namin. Pinadaan siya at binigyan ng mauupuan. Nang daanan niya ako ay tinapunan niya naman ako ng masamang tingin habang ako naman ay tiningnan lang siya. "Good morning, students!" bati ni Ma'am Romero nang makapasok siya sa loob ng classroom. Umayos naman kaming lahat sa pagkakaupo at binati rin siya pabalik. "So today, we have Miss Rodriguez here. Nandito siya para obserbahan ang klase at hindi lang iyon, pati na rin sa mga nangyayari sa loob ng paaralan," pagsisimula ni Ma'am. "I'm sorry, I'm late." Napalingon naman kaming lahat sa may pinto nang makarinig ng boses roon. Bumungad naman sa amin si Chase na nakatayo roon. "It's okay, Mr. Castro. You may take your seat now," may ngiting sabi ni Ma'am. Tiningnan ko naman ang katabi ko at nakitang wala na roon si Angel. Lumingon ako sa likuran ko at nakita siyang nakangiti ng malapad. "Dito muna ako, mas komportable ako rito e," may lapad na ngiti niyang sabi. Alam ko na naman ang balak niya kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin bago ibinalik ang atensiyon ko sa harap. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni Chase sa upuan sa tabi ko. "Hindi pa naman nagsisimula ang klase, 'di ba?" Nilingon ko naman si Chase at nakitang nakatingin siya sa akin—malapit na nakatingin. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. "Makinig muna kayo sa sinasabi ni Ma'am. Mamaya na kayo maglandian." Agad naman akong napalayo kay Chase nang marinig ang bulong ni Angel mula sa likod namin. "Tumahimik ka nga, Angel. Ang ingay mo," pabalik na bulong ko sa kanya. Nakita ko naman ang ngisi niya sa labi. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik na naman ang atensiyon kay Ma'am. "Umayos ka, Chase." "Huwag kang mag-alala, ayos na ayos ako." Nilingon ko na naman siya dahil sa sinabi niya at nakitang nakatingin na naman siya sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko at ibinalik na naman kay Ma'am ang atensiyon. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka mas lalo lang madadagdagan ang inis ko sa kanya. Mabilis din na lumipas ang oras hanggang sa nagtanghalian na. "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Chase nang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan sa tabi ko. Tumunog na kasi ang bell kaya ibig sabihin no'n ay lunch na. At kapag may baon ang isang estudyante ay sa classroom lang ito—kami kumakain. "Wala kang baon?" tanong ko na naman. "Hi, Chase! I bought a special lunch box with your favorite food inside. Sabay na tayo?" Bigla namang sumulpot si Tiffany sa gilid namin. "No thanks. I'll have my lunch together with my girlfriend," sabi naman ni Chase sabay hila sa akin palapit sa kanya. T-Teka—! "Ayon naman pala e! Ano pa ang hinihintay niyo? Alis na! Mabilis lumipas ang oras!" sabi naman ni Angel. Tiningnan ko naman siya at nakitang kinindatan niya ako. Seriously? "Let's go," seryosong sabi ni Chase sabay hila sa akin palabas ng classroom. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa backpack na nakasabit sa balikat ko dahil nasa loob ang lunch box ko. Kinuha ko ang backpack ko sa student council kaninang recess time. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko naman. "Kahit saan," sagot naman niya. Napangiwi naman ako sinabi niya. Kahit saan? Akala mo naman kung sino. Hindi niya kaya alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Nang makalabas kami sa gate ng campus ay pumara naman siya ng tricycle. Wala na rin akong nagawa pa kung 'di ang sumabay sa trip niya. "MABUTI na lang at hindi mainit ang panahon ngayon," sabi ko habang sinusundan ng lakad si Chase. Nandito kami sa likuran ng paaralan—kung saan nagtuturo ang Mom ko. Preskong hangin agad ang bumungad sa amin nang makarating kami rito. Hindi naman mainit ang langit at mukhang hindi rin naman uulan. Mabuti na lang dahil kung mainit ngayon, paniguradong sunog ako sa sinag ng araw. Nakita ko naman si Chase na umupo sa may ilalim ng puno. Tumakbo ako roon at inilagay ang backpack ko sa tabi ni Chase na nakasandal sa puno. "Ang ganda pala talaga rito!" masayang sambit ko at itinaas ang dalawa kong kamay. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng preskong hangin sa palad ko. "Madalas ka ba rito?" tanong ko kay Chase. Nanatili lang ang atensiyon ko sa harap ko kung saan makikita ang napakagandang view ng mga punong kahoy, berdeng halaman, at kita rin mula sa kinaroroonan namin ang triangle ng tukuran. Ang triangle ay ang gitnang daanan na nahahati sa tatlong daan papunta sa pagadian, sa aurora, at dito sa tukuran. "Hindi naman. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito simula noong sinundan mo ako papunta rito," sagot niya naman. Nilingon ko naman siya. "Hindi kita sinusundan. Napag-utusan lang ako," sabi ko at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang backpack ko. Inilabas ko roon ang lunch box ko. "Anong ulam mo?" tanong ko sa kanya. "Bakit? Manghihingi ka?" pabalik na tanong niya. "Hindi ah. Nagtatanong lang e," sabi ko naman. Ibinaba niya naman ang backpack na nakasabit pa rin sa dalawang balikay niya at binuksan iyon. Inilabas niya ang dalawang lunch box mula roon. Medyo inaamin ko, nangningning ang mata ko nang buksan niya ang dalawang lunch box niya. "Hindi ako madamot," sabi naman niya. "Dapat lang! Tinulungan na kita ng ilang beses 'no!" sabi ko sabay kuha ng pagkain sa lunch box niya. Bakit? Makapal ang mukha ko kapag pagkain na ang pinag-uusapan. Dapat maging praktikal e. "Sino naman nagluluto ng breakfast o lunch mo?" tanong ko. Nagsimula na rin siyang kumain. "Ako lang. Marunong naman ako magluto. Nag-aral ako noon," sagot naman niya. "Talaga ba? Puwede ka pa lang i-hire as tagaluto?" "Kung ikaw ba naman ang ipagluluto." Natawa naman ako sa sinabi niya. "In fairness, ang galing mo rin talaga magbiro. Kaya siguro ayaw kang tigilan ni Tiffany, ginalingan mo kasi masyado." "What do you mean about that?" "Wala! Wala! Kumain ka na lang nga riyan," sabi ko naman. Tumahimik naman kaming dalawa at nagpatuloy na sa pagkain. Ilang sandali lang ay natapos din naman kami at nagligpit na rin. "If you would be given a chance to change your life, would you change it?" tanong ko kay Chase. Ilang sandali lang ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya tumingala ako sa itaas ng puno. Nakita ko siyang nakaupo sa sanga ng puno at nakatingin lang sa harap niya. Kanina pa siya sa itaas ng puno, mas maganda raw ang view mula roon. Hindi naman ako marunong umakyat ng puno kaya nanatili ako rito sa ilalim ng puno. "How about you?" pabalik na tanong niya sa akin. Natahimik naman ako saglit. "I would. I would change it," sagot ko sa tanong niya. Nakatayo ako at nakasandal sa puno habang ang tingin ko ay nasa harap kung saan makikita ang napakagandang view. "Ikaw? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko? Ako ang naunang magtanong," sabi ko. "Everyone has their own decisions to decide if they'll answer a question or not," simpleng sabi niya dahilan para tumingala na naman ako. Nakita ko siyang nakatingin din sa akin. "If you would given a chance to run right now and be gone in my life, would you run?" seryosong tanong na naman niya sa akin. "I would," mabilis naman na sagot ko. A smirk formed in his lips bago tumalon pababa mula sa puno. Hindi naman ako nagulat sa ginawa niyang pagtalon at nanatili lang sa posisyon ko. "Good answer, but I will not give you a chance to run... not anymore," seryoso na namang sabi niya. Nakatayo na siya sa harap ko habang ako naman ay nanatiling nakasandal sa puno. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nanatili lang ako sa posisyon ko hanggang sa inilagay niya ang dalawang kamay niya sa puno—sa magkabilang side ng balikat ko. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ako naman... ako naman ang mang-iinis sa kanya ngayon. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya hanggang sa unti-unti niyang pinikit ang mata niya. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa pero hindi ko na talaga mapigilan. Napahalakhak na ako dahil sa reaksiyon niya at expectation na rin. "Nakakatawa? Talaga?" sarkastikong tanong ni Chase. Pinakalma ko naman ang sarili ko pero hindi ko pa rin maiwasan na tumawa dahil nga sa reaksiyon niya kanina. "Y-Your face! Naging kulay pula! Are you blushing? I-I couldn't believe it!" natatawang sabi ko. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Ilang sandali lang ay tumalikod na siya. Natatawa man ay pinigilan ko ang sarili ko at pilit na nagseryoso dahil mukhang nainis ko nga siya. Success! "Chase..." tawag ko sa pangalan niya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya kaya alam kong narinig niya ako. Huminto siya sa paglalakad at mukhang hinihintay ang sasabihin ko. "I wouldn't run this time, but if that day comes... I would never let you chase me..." I smiled a little when he turned his gaze on me. Kinuha ko ang backpack ko na nakasandal sa tabi ko sa may puno at naglakad ako palapit sa kanya. Nanatili pa rin ang tingin niya sa akin hanggang sa makalapit ako sa kinaroroonan niya. "Malapit nang magsimula ang klase, bumalik na tayo," sabi ko sa kanya. He just looked at me dahilan para tumaas ang kilay ko. "Right. Let's go," halos pabulong na sabi niya pero rinig ko iyon. Inayos niya ang backpack na nakasabit sa balikat niya at saka tumalikod para maglakad. Galit ba siya? Well, talo ang pikon. Tumakbo ako papunta sa kanya dahil ang bilis niyang maglakad. Sinabayan ko naman siya sa paglalakad ang mahabol ko siya hanggang sa pumara na siya ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD