"REALLY?" excited na tanong ni Chase.
He was okay now. Wala na siyang lagnat, bumaba na ang lagnat niya kinabukasan. Ako na rin ang nagluto ng breakfast namin. Wala nga rin yata siyang balak umuwi sa bahay nila.
Nasa sala kami ng bahay ngayon nag-uusao.
"Yes. I will help you. Si Ryne, siya ang magpapanggap bilang girlfriend mo."
Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya ay nawala at napalitan ng seryosong ekspresiyon.
"No. Ayoko."
"Kung ayaw mo, hindi malulutas ang problema mo," sabi ko naman.
"Kapag si Ryne, sa 'yo pa rin ako lalapit. Dito pa rin ang punta ko."
Napasampal naman ako sa noo ko.
"Hindi nga ako puwede, Chase. Wala akong kaalam-alam sa ganyan at mas lalong wala pa akong naging boyfriend. Hindi ako magaling magsinungaling at umacting."
"Hindi na iyan kailangan. Just act normal."
"No—"
Napatigil naman ako nang makarinig ng tunog mula sa doorbell ng gate namin. Sino 'yon? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon?
"Ako na ang titingin," sabi naman ni Chase. Hindi naman ako umangal at hinayaan nga siya na lumabas para tingnan kung sino ang nasa gate.
Ilang sandali lang ay sinundan ko rin naman si Chase sa labas. Baka masangkot na naman kasi sa g**o, nandito pa naman siya sa pamamahay namin.
Nang makalabas ay agad namang kumunot ang noo ko nang makita ang isang barangay tanod sa may gate namin. Nang makalapit sa kinaroroonan ni Chase na nasa loob ng gate ay nakita ko naman ang ex niya na kasama ang barangay tanod?
Hindi binuksan ni Chase ang gate kaya naman nasa labas lang 'yong ex niya at 'yong barangay tanod.
"Ano po ang kailangan niyo?" tanong ko.
"Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito? Sinabi ni Miss Tiffany na itinatago mo raw si Mr. Chase sa bahay ninyo at ayaw iharap sa kanya," sabi ni Manong na siyang barangay tanod. Nakasuot siya ng uniform ng barangay tanod kaya naman talagang barangay tanod siya.
Tinuro ko naman ang sarili ko gamit ang kamay ko. "Ako? Seryoso ba kayo? Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko.
"Hindi niya ako tinatago. She was my girlfriend at bawal ba akong pumunta sa bahay nila? Besides, Tiffany was my ex-girlfriend. Ayoko na makaharap siya," sabi naman ni Chase.
"So she was really your new girlfriend?! That cheap girl?!"
"Hindi ko tinatago si Chase. Wala rin kaming mali na ginagawa at kung mayro'n man ay wala na kayo ro'n. Umalis na kayo at baka kung saan pa umabot 'to," seryosong sabi ko.
"She's right. Also, you have to move on, Tiffany. I have my girlfriend now. Matagal na tayong wala," sabi ni Chase at inakbayan ako.
Kinuha ko naman ang kamay niya na nakaakbay sa akin. Hindi ko talaga kaya! Ayoko! Hindi ko magagawa!
"Don't bother me again. He's not really—"
"I'm not really happy to see you, Tiffany. Umalis na kayo."
Tiningnan ko naman ng masama si Chase dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko sana. Nanatili ang atensiyon niya sa dalawang tao sa labas ng gate kaya naman tumalikod na ako at naglakad papasok sa loob ng bahay namin. Bahala sila, basta ako ay labas sa mga nangyayari.
Bumungad naman sa akin ang cellphone ko na nasa sofa—tumutunog iyon. May tumatawag?
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan iyon. Nang makita ang pangalani ni Jasper ay agad ko namang sinagot ang tawag.
"Mary? I already send you the details regarding sa ibibigay kong task this Monday. Pakitingnan na lang the inform me kung makakaya mong gawin iyon. I'm sure I could count on you," bungad ni Jasper mula sa kabilang linya.
"Okay. Thanks! I'll check it now. Tatawagan o i-tetext na lang kita maya-maya," sabi ko at pinatay na ang tawag.
Kinuha ko naman ang laptop ko na nasa ilalim ng patungan ng tv namin. Umupo ako sa sofa at binuksan ang laptop.
Ano kayang task iyon? Hindi rin naman ako binibigyan ni Jasper ng mga mahihirap na tasks.
"The President of Pampanga Colleges will be observing our school for one week. This was one of their rules and already became a part of their student council president's task. This would also help our school to get their attention and positive feedback. Selected school were chosen every year," pagbabasa ko sa nakasulat sa file na pinadala ni Jasper sa akin through email.
"Tiffany Rodriguez?" pagbasa ko sa pangalan ng student council president daw ng pampanga colleges.
Tiffany. Tiffany. Tiffany.
Saan ko nga ba narinig iyon?
"Umalis na sina Tiffany. I'm sure, she'll be back."
Agad naman akong napalingon sa may pinto nang pumasok si Chase sa loob at nang marinig ang pangalang sinabi niya.
"Tiffany Rodriguez?! Siya ang ex-girlfriend mo?" pasigaw na sambit ko.
"Yeah. How did you know her full name?" tanong niya at umupo sa sofa—sa tabi ko.
Napahilot naman ako sa noo ko.
"May problema ba?" tanong ng katabi ko.
"Si Ryne ang magpapanggap na girlfriend mo at hindi ako," seryosong sabi ko at tiningnan si Chase.
"Ayoko nga. Saka nasabi ko na kay Tiffany na ikaw ang girlfriend ko."
"Tapos ano?! Ako ang guguluhin niya? Chase! Nakasalalay kay Tiffany ang susunod na task ko! Kailangan na magkasundo kami!" pasigaw na sabi ko naman.
"Talaga? Sa tingin mo makakasundo mo si Tiffany?"
Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya.
"I have my ways," sabi ko naman.
"I know... and I'm counting on you, Mary. Sige, aalis na ako. Darating na sina Mom mamaya. If you need anything, just call me or just shout my outside."
Napanganga naman ng kaunti ang bibig ko nang mabilis siyang naglaho sa harapan ko. Napahilamos ako sa mukha gamit ang kamay ko dahil sa inis.
"AYOS ka lang ba, Mary?" tanong ni Mom.
Kakauwi lang nila this afternoon. Mabuti at hindi nila naabutan si Chase dahil baka kung ano na naman ang isipin ni Mom.
"Ayos naman. Halata po ba na hindi?"
"Ano ba ang problema? Puwede mong sabihin sa akin?" kalmado niyang sabi.
"Katie! Kain na!" sigaw ko.
Nasa kusina kami ni Mom, aghahanda ng hapunan. Tapos na siyang magluto kaya naman naghanda na ako ng plato sa mesa.
"Gusto kong tumulong pero ayokong masangkot sa g**o," sabi ko.
"Kung tutulong ka dapat tutulong ka, hindi ka na mag-iisip pa. Sa pagtulong, may mga consequences talaga kaya it's up to you," sabi naman ni Mom.
"Ang bango!" sabi ni Katie nang makapasok siya sa kusina.
Umupo naman ako sa bakanteng upuan samantalang nasa harap ko naman nakaupo sina Katie at Mom.
"Bakit? Si Chase ba ang tutulungan mo? Talaga ba na ayaw mo sa kanya? Wala pa naman 'yong kaibigan dito. Kawawang bata," pangongonsensiya ni Mom.
"Alam ko 'yan, Mom. Hindi mo na kailangang ipagdiinan pa sa pagmumukha ko."
Narinig ko naman siyang tumawa.
"I'm just kidding, Mary. Alam ko naman na magaling ka sa pagpili ng mga kakaibiganin mo. I just hope that you would open your heart to everyone."
Ayan na naman siya. Napailing-iling na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy ako ginagawa kong pagkain.
"MARY!"
Muntik naman aking matumba nang dambahan ako ng yakap ni Angel pagbukas ko ng gate namin.
"Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ko.
Gabi na kasi. Katatapos lang namin kumain nang tumunog ang doorbell ng gate namin. Nang tingnan ko ay bumungad sa akin si Angel.
"Sabado ngayon kaya rito muna ako magpapalipas ng gabi. Kailangan mo akong kuwentuhan magdamag sa mga nangyari sa 'yo sa buong bakasyon niya!" excited na sabi niya.
Pumasok naman siya sa loob kaya sinara ko na ang gate.
"Sinabi ko naman sa 'yo sa tawag na wala ngang masyadong nangyari," sabi ko naman at naglakad papasok ng bahay.
"Wala ba talaga? Bakit parang nag-iba ka na ngayon? Hindi ko alam pero may nagbago talaga sa 'yo e!"
"Wala nga. Mabuti at pinayagan ka na matulog dito?" pag-iiba ko.
"Syempre naman 'no! Saka sobrang saya ko! Hindi na kasi ako masyadong inuutusan sa bahay at hindi na rin lahat ng gawain ay sa akin napapasa," masaya na naman niyang sabi.
"Good to hear that," tanging sabi ko.
"Hi, Tita! Dito muna ako matutulog. Si Mary na po ang bahala sa akin!" sabi ni Angel sa Mom ko na nasa sala.
"Sige lang, Angel. Enjoy your stay," may ngiti namang sabi ni Mom.
"Bukas na lang kita sasamahan manood ng movie, Katie. Aakyat na kami," sabi ko naman kay Katie.
"Sige, ate Mary!"
Naglakad naman ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Naramdaman ko rin ang pagsunod ni Angel sa akin.
Nang makapasok sa loob ay dumeretso naman ako sa kama ko.
"So ano na? Magkuwento ka!"
"Ibaba mo nga muna 'yang backpack na dala mo."
Oo, may dala nga siyang backpack. Medyo madalas si Angel na natutulog dito lalo na kapag may ginawa kaming projects o tinutulungan niya ako sa mga gawain ko sa student council.
"Well, gaya nga nang sabi ko, ayos na kami. Nagiging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't-isa at mukhanh unti-unti nang bumabalik ang pagiging magkaibigan namin sa student council."
"Maliban kay Chase?" tanong ni Angel.
Humiga naman ako sa kama ko at tumingin sa salamin.
"Hindi ko alam. Naiinis pa rin ako sa kanya at hindi ko alam kung talagang magiging kaibigan ko ba siya."
"Alam mo, dapat alamin mo na. Kasi kung hindi mo aalamin, paano mo malalaman?"
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ang ibig kong sabihin, isipin mo nang mabuti. Kawawa naman siyang tao, hindi ba? Wala ka bang awa?"
"Pinagloloko mo ba ako?" pabalik na tanong ko.
"Hindi naman sa ganoon, Mary—"
"Huwag ka na lang magsalita, Angel. Matulog na tayo."
"Ang aga mo naman matulog," sabi niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko.
Tiningnan ko naman siya at nakitang naglakad siya papunta sa sulok kung saan nakalagay ang mga libro ko.
"Nabalitaan mo ba 'yong about sa papasok sa school natin? Dalawang outsider student yata 'yon?" tanong ni Angel.
Inilagay ko naman ang kamay ko sa ulo ko. Pinaalala na naman niya.
"Oo, kanina ko lang din nalaman kay Jasper. I was assigned to monitor them for the school's sake," sabi ko naman.
"Excited na akong makilala ang dalawang student. Mga lalaki kaya sila? May alam ka, Mary! Share mo naman!"
Naramdaman ko naman ang pagpatong ni Angel sa kama ko. Pinikit ko naman ang mata ko.
"Huwag mo na lang alamin. Malalamun mo rin naman sa Monday."
"Ang daya mo naman! Sige na! Kahit 'yong gender lang nila!"
"Mga babae sila—ex-girlfriend ni Chase 'yong isa," deretsang sabi ko.
"Ano?! May ex si Chase?" may gulat na tanong ni Angel.
"Halata naman sa mukha niya na marami siyang babae," sabi ko naman habang nanatiling nakapikit.
"Hindi kaya! Mas lalo tuloy akong na-curios sa babae. Maganda ba? May picture ka ba? Patingin!"
"Sa Monday na."
"Sige na dali!"
Niyugyog naman ako ni Angel pero hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.
"Bakit ayaw mong ipakita? May tinatago ka ba, Mary? Sa akin na kapatid na anf turing sa 'yo? May tinatago ka sa akin—?"
Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya nang batuhin ko siya ng unan. Ang ingay talaga niya e.
"Nakonsensiya ako saglit kaya nasabi ko na tutulungan ko siya sa problema niya," sabi ko kay Angel at napabuntong hininga.
Kung hindi man ako makatago ng sekreto kay Jasper lalo naman kay Angel na parang kapatid na nga ang turing niya sa akin at ako rin sa kanya.
Nakita ko naman siyang napatakip sa bibig niya at nanlaki pa ang mata.
"Don't tell me—gusto ba ni Chase na gawin kang girlfriend para makaganti sa ex niya? O para pagselosen ang girlfriend niya tapos ang ending ay magkakabalikan sila? Ganoon ba? Sabihin mo—!"
Pinalo ko ulit 'yong mukha niya gamit ang unan kaya hindi niya natapos ang sasabihin niya.
"Aray naman. Masakit 'yon ah!" angal niya.
"Ang overreacting mo, Angel. Sobra."
"Ikaw naman kasi e! Kung sinabi mo na lang ng deretso lahat specifically ay hindi na ako magugulat."
"Talaga ba?"
"Medyo lang," may ngising sabi niya.
"Kinukulit siya ng ex niya kaya gusto niya ng girlfriend para lubayan siya ng ex niya."
Sinamaan ko naman ng tingin si Angel nang pumalakpak siya.
"Sa wakas! May awa ka rin pala! Tapos ano? Tutulungan mo nga siya? Paano niya nagawang papayagin ka?"
"Nilagnat siya kagabi..." pag-aamin ko.
"Ano?! Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko mula kagabi hanggang kanina! Tinawagan mo sana ako, Mary."
"Tumawag ka ba? Nalowbat yata amg cellphone ko kagabi at 'di ko rin tiningnan 'yon kanina," sabi ko naman.
"Ikaw talagang babae ka! Nasaan 'yong picture ng babae? Patingin nga baka pangit 'yon."
"Parang kanina lang, excited na excited ka na makilala 'yong dalawang outsider student na papasok sa school natin."
"Bakit? Bawal ba magbago ang isip? Saka kung lalaki sana baka magtatalon-talon pa ako," natatawa niyang sabi. Napailing-iling naman ako.
"Tingnan mo sa laptop ko. Nandoon sa study table." Ngumuso ako sa sulok kung nasaan ang study table ko. Nandoon naman ang laptop ko na agad kinuha ni Angel. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama ko.
"Sa email ba 'yon?" tanong ni Angel habang nakatingin sa laptop ko na nabuksan niya na.
"Oo. Ayusin mo 'yan baka may mabura ka na files ko," sagot ko naman saka umupo sa kama.
Kinuha ko naman ang fairytale book na nasa tabi ni Angel. Kinuha niya iyon sa bookshelf ko sa sulok.
"Ano sa tingin mo ang gagawin ko, Angel?" tanong ko.
Kahit medyo minsan ay hindi matino kausap ni Angel ay nakakapagbigay pa rin naman siya ng magagandang salita na nakakatulong sa akin.
"Ikaw? Ano ba ang balak mo? Tutulungan mo ba talaga? Hindi naman ako kokontra dahil alam ko naman na alam mo na ang ginagawa mo."
"Tutulungan mo ba ako kung tutulungan ko siya?"
"Bakit naman hindi?" pabalik na tanong niya.
"Support lang ako sa 'yo. Dapat din ay hindi ka magsisi sa mga consequences na mangyayari sa 'yo."
"Tinatakot mo yata ako e."
"Hindi naman, Mary. Teka—ito na ba 'yon?"
Ipinakita naman ni Mary sa akin ang screen ng laptop ko. Tumango naman ako nang makita ang mukha ni Tiffany sa screen.
"Mas maganda pa naman pala ako rito! Sosyal nga lang siya tingnan dahil mayaman 'to for sure," komento niya.
"Hindi ko pa siya kilala. Baka dumihan niya ang student council o ang paaralan natin dahil sa nagpapanggap akong girlfriend ni Chase kahit ayaw ko naman talaga..."
"Hindi 'yan mangyayari, Mary. Kung mangyari man ay alam ko naman na mahaharap siya. Saka matalino ka kaya gamitin mo iyon. Malay natin hanggang sosyalan lang ang kaya ng babaeng 'to."
"Hindi. Hindi siya magiging president ng basta-basta sa student council nila kung simpleng tao lang siya."
"Oh tapos? Ano naman? Magpapatalo ka na lang ba?"
Ako 'yong tao na hindi nagpapatalo lalo na't nasa katwiran ako pero depende pa rin iyon sa sitwasyon.
"Tingnan mo itong kasama niya. Nicole Bautista—kung titingnan ay sigurong nerd ito sa kanila pero halatang matalino 'to. Committee siya ng student council nila. Siya raw ang magbabantay kay Tiffany? Parang bodyguard lang ganoon?"
"Tigilan mo na nga 'yan. Matulog na tayo," sabi ko at humiga na sa kama.
"Sige lang, Mary. Matulog ka lang. Ako ang bahala sa 'yo. Tutulungan kita rito sa problema mo."
Napailing iling naman ako sa sinabi niya.
"Bahala ka. Huwag kang magpuyat. Matulog ka na rin," sabi ko.
Inilagay ko ang libro na kinuha ni Angel sa itaas ng drawer sa gilid ng kama.
Inayos ko ang higa ko at naglagay ng espasyo sa tabi ko. Magkatabi kasi kami ni Angel kapag dito siya natutulog dahil malaki naman ang kama ko. Ayoko rin na sa sahig siya patulugin.
"Pakipatay na lang 'yong ilaw," sabi ko naman kay Angel.
"Sige. Goodnight, Mary."
Pinikit ko naman ang mata ko at unti-unti nang hinila ng kadiliman.