NAKATAYO lang ako habang si Chase ay nasa counter ng mini-cafeteria rito sa hospital. Hinihintay ko siya na matapos sa oagbili ng inumin. Medyo mahaba kasi ang pila lalo na't seven na ng umaga. Tumila na rin ang ulan sa labas. "Mary? You're here." Nakita ko naman si Ryne na papalapit sa kinaroroonana ko. "Pasensiya ka na pala kanina. I wasn't just in a mood. By the way, he's Rico—my boyfriend." Tiningnan ko naman ang lalaki na kasama niya. Nakasuot ito ng uniform ng doctor. Doctor ang boyfriend niya? Akala ko ba gusto niya si Chase? "I know what were you thinking. Let's just say na magkaiba talaga ang gusto sa mahal. I hope that you're gonna take care of Jasper. Aalis na rin kami. See you sa school," may ngiti niyang sabi. I smiled back. "Sige. Ingat kayo," sabi ko naman. Umalis na

