"MABUTI naman at ayos ka lang. Nagpaulan ka pa naman," bulong na sabi ni Mom. Nandito kami ngayon sa kwarto kung nasaan si Katie. Tulog na tulog si Katie at sabi ni Mom na maayos naman daw siya. Normal lang na lagnat ang nangyari sa kanya at dahil baka naulanan siya kaya mas tumaas iyon. Mabuti na rin at nadala siya rito sa hospital. "Hindi naman ako madaling magkasakit," sabi ko naman. "Kahit na. Mabuti na lang din at natulungan ka agad ni Chase." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mom. Oo nga, kung hindi o kung wala si Chase sa kanila ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Mabuti na lang at nasa bahay lang nila siya. "You could always count on me, Tita," sabi naman ni Chase. "Tinawagan mo rin sana ako para kahit papaano ay makasunod agad ako. Kung hindi pa ako ti

