"MARY?" Unti-unti kong minulat ang mata ko. Malabo man ay alam na alam ko kung sino ang taong nakatingin sa akin. "D-Dad..." Kaagad ko naman siya niyakap at namalayan na lang ang sarili na humihikbi na. "I-I missed you..." pabulong na sambit ko. "I was sure that he also missed you, sweetie..." Napahinto naman ako nang magsalita ang niyayakap ko. Ilang sandali lang ay agad naman akong kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya. I looked at him and saw his face clearly—it was my Tito Cedric... my stepdad. "A-Anong ginagawa mo rito? N-Nasaan ako?" mabilis na tanong ko at saka umatras papalayo sa kanya. Inikot ko naman ang tingin ko at nakitang hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nasaan ako?! "Nandito ka sa apartment ko sa pagadian. Nahimatay ka sa hospital kaya dinala kita rito. Ayos na s

