ANG ibang student council members na ang nag-asikaso sa magaganap na party mamayang gabi. Walang pasok ngayon at mabuti na rin iyon. Hindi rin naman ako kinulit ni Angel na sumama sa kanya sa skwelahan kaya siya lang ang pumunta roon. I decided to accompany my Mom sa school dahil paniguradong maiinip lang ako sa bahay kapag naiwan na naman akong mag-isa roon. "You didn't have to be sad about the upcoming party. Your dress would be delivered this afternoon at alam kong magugustuhan mo talaga iyon. I'm so excited," Mon said happily. "I wasn't sad because of that. Dahil lang siguro sa mga hindi magagandang nangyari few days ago. Iyong nangyari kay Katie, then kay Jasper tapos kay Chase rin. Feeling ko, may tinatagong sekreto ang mga tao sa paligid ko sa akin," pabulong na sabi ko. Wala na

